Code POV
Tumayo ako saka lumabas ng room at tumakbo kami ni Day para puntahan si Gem sa bathroom. Pagdating namin, kinatok ni Day ang pinto ng CR kung saan si Gem
"Gem! Ayos ka lang bah!?" Pag-aalalang tanong ni Day.
"A-Ayos lang ako, wala lang cguro power yong kuryente ng school. Na....bigla ako kasi... na matay ang ilaw." Kalmadong sabi ni Gem.
Pinihit ko ang door knob para buksan ang pinto at nakita ko si Gem, na nakaupo sa sahig at yakap ang dalawang tuhod.
Lumapit ako sa kaniya saka nagsalita ng "Tumayo ka na dyan Gem, walang mananakit sayo. Nandito na kami." At hinawakan ko ang balikat niya.
Tumingala si Gem sa'kin, nakita ko sa ibaba ng mga mata niya ang bakas ng luha.
"Tumayo ka na, Gem! Ayan ka na naman sa takot mo eh, labanan mo nga yan." na iinis na sabi ni Day.
Inilahad ko ang kamay ko kay Gem at hinawakan niya ito para siya'y makatayo. Pagkalabas namin ni Gem sa CR, sinarado ni Day ang pinto. Bigla naman may pumasok na lalaki na naka-black hoodies, nagbukas siya ng gripo saka naghugas ng kamay. Nilingon-lingon niya kaming tatlo at nagkatitigan kami ni Gem at Day sa isa't isa. Dumating naman si Time na sabay namin siyang tiningnan saka siya nagsalita sa lalaking naka-black hoodies na "Rain, nagawa mo na ba?"
Lumingon siya kay Time saka nagsalita ng "Umakyat pa ako sa bakod sa likod ng school, para lang makapasok dito Time, at muntik pa nga akong mahuli ng kabilang grupo." habang naghuhugas pa rin ng kamay.
Habang naguusap silang dalawa, naglakad kaming tatlo papalabas ng bathroom. Pagkalabas namin habang papalakad papuntang room na pansin kung tinatapik-tapik ni Day ang dib-dib niya kaya na pa tanong ako "May nakita ka na naman bah? Kilala kita Day."
Kung si Gem takot sa dilim, itong si Day naman ay kapag may nakita siyang ayaw niyang sabihin tinatapik-tapik niya ang dib-dib niya.
"Tiningnan ko kasi kanina kung ano yong nasa kamay ng lalaki habang naghuhugas siya ng kamay na papalabas tayo. Ma....May kulay pula akong nakita sa kamay niya, inaagos ng tubig." Sambit ni Day."Huwag ka nga mag-isip ng kung ano-ano Day. Kakapanood mo ng horror yan eh." Tugon ni Gem.
"Eh bakit ikaw? Naglalaro ka rin naman minsan ng horror game pero takot ka pa rin sa dilim!" Sumbat ni Day kay Gem.
"Kahit takot ako, nilalabanan ko 'yon para sa mga viewer ko. At least na pagkakakitaan ko, eh ikaw!?" Sumbat din naman Gem kay Day.
"Ooooh! Tama naaaa!" Sigaw ko.
"Sssssshhhh! Ma-ingay kayo dyan, may nagkaklase pa dito! Para kayong mga latang sinisiba, ang iingaaaay!" Sigaw ni Miss Dilaw mula sa likod namin sa na daanan naming room.
Humarap kami sa kaniya, sa labas na pala siya ng room kaya nagsabi na kami ng "Sorry po ma'am," habang nakayuko. At agad-agad kami tumakbo papuntang room.
Pagdating namin sa room, umidlip lang ako ulit hanggang sa nagising ako sa tunog ng bell. Minulat ko ang mga mata ko sa pagkakatulog sa pagkakaupo, agad ko hinanap ang libro kong binabasa na "Hide my beast inside".
"Day nakita mo ba libro ko?" Tanong ko habang kinakalabit si Day sa unahan.
Humarap sa'kin si Day at nagsalubong ang kilay niya "Nawawala na naman ba?"
"Dyan lang yan, Code or 'di kaya, it's a sign na magkaka-love life ka na fraynd!" Sambit naman ni Gem na naka-upo sa gilid ko.
"Naku! Tara na, mahaba na naman pila sa Canteen." Sabi naman ni Day saka tumayo at binitbit ang bag niya.
BINABASA MO ANG
BL PASTA: Here, For You
RomanceI'm here for him, as always. Even if he doesn't know that I'm here for him, as long as I can see him, my day is complete. I hope one day he will recognize me and fall in love with me without knowing it. I'm Time and he is Code. And this is our story.