"Sensya na, medyo na tagalan, hinanap ko pa kasi 'yan." Sabi ko habang nilalapag ang first aid kit sa mini table.
Kumuha ako ng ointment saka ipinahid sa bandang pisngi niyang may pasa. Kinuha niya sa kamay ko ang ointment at hinawi ang kamay ko. "Ako na maglagay, naalala ko....may gagawin pa pala ako sa bahay." Sa tuno ng boses niya parang na iinis siya.
Sana 'di niya narinig na nandito si Chain. Natatakot ako sa mangyayari kapag nagkita silang dalawa ngayon.
Tumayo ako ar nagsalita "Sige kukuha lang ako ng tubig, baka na uuhaw ka."
Pumunta ako sa kusina saka uminom na rin ng tubig at kumuha pa ng isang baso para lagyan ng tubig para kay Time. Pagbalik ko, wala si Time at nakita kong nakabukas ang pinto ko. Nakita kaya niya si Chain?Agad ako pumunta sa loob ng kwarto, nakaupo si Time sa kama.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Nakapasok na ako sa dorm mo, bawal ba ako pumasok sa kawarto mo?" Tanong niya rin sa akin.
"Sige lang, feel at home. Yong pasa mo sa likod, na...lagyan mo na ba ng ointment?"
Hinubad niya ang kaniyang uniform at nagsalita siya ng "Ikaw na ang maglagay, likod ko 'di ko abot."
Tumingin ako sa may sala at agad ko sinarado ang kurtina, nagtatago kasi si Chain doon.
"Nilalamig ka ba?" Tanong ni Time.
Nilingon ko siya "Malakas talaga hangin dito sa may sala kapag maggagabi."
"Baka gusto mo na painit natin ang gabi mo." Alok ni Time.
"Hahahaha ikaw talaga, nagbiro ka pa. Kukunin ko lang muna yong first aid sa labas." Sabi ko kahit kinakabahan na.
Agad akong lumabas ng kawarto at kinuha ang first aid. Pagkapasok ko, wala na naman si Time. Rinig ko ang tubig sa loob ng CR na nakasarado ang pinto.
Dali-dali ko binuksan ang kurtina at pinalabas si Chain sa kwarto para umuwi na. Maya-maya bumukas ang pinto ng CR. Sakto na nagsarado ng pinto si Chain sa labas.
"Sino ang lumabas?" Pagtataka niya.
Bakit naman kasi kapag sinasarado ang pinto sa labas tumutunog pa. Pahamak naman itong pinto na'to.
"Wala noh, guni-guni mo lang yon." Dahilan ko.
Umupo siya sa kama. Kinuha ko ang ointment at umupo sa likuran niya, nilagyan ko ng ointment ang pasa niya. "Masakit ba?" Pag-aalala ko.
"Medyo, bukas mawawala rin to." Tugon niya.
"Magsi-six na kanina ng naubutan kitang binubugbog. Di ba dapat nakauwi ka na? Bakit ka ba mag-isa lang kanina? May atraso ka ba sa kanila? Kung 'di kita nakita baka ano na ang nagyari sayo." Sabi ko habang pumapahid ng ointment sa pasa niya.
Ngumiti siya bago nagsalita ng "Isa-isa lang ang tanong, interview ba ito?"
Bigla ko tinusok ng hintuturo ang pasa niya sa likuran "Ah! Aaaaaaray! (Kinuha niya ang ointment) Ako na nga lang maglalagay, ang brutal mo."
"Ayan, ikaw dapat gumamot sa sarili mo. Tinulongan na nga kita, pinapasok pa kita dito sa dorm ko, at binigyan ng first aid, tapos ako pa ang manggagamot sayo. Ang swerte mo naman kung ganun." Na iinis kong sabi.
"Uuwi na ako sana kanina, kaso may nakita akong binu-bulling bata ng mga lalaking 'yon. Tinulongan ko siya, tumakbo ang bata kaya ako na lang na iwan don. At ayon, nakita mo ko." Paliwanag niya habang ginagamot ang sarili na pilit inaabot ang pasa niya.
BINABASA MO ANG
BL PASTA: Here, For You
RomanceI'm here for him, as always. Even if he doesn't know that I'm here for him, as long as I can see him, my day is complete. I hope one day he will recognize me and fall in love with me without knowing it. I'm Time and he is Code. And this is our story.