Ito si Ment, nakakatandang kapatid ni Time. Cook Chief at always heart broken.
"Alam mo Time, lagi na lang ako nasasaktan sa babae! Lahat naman binibigay ko." pagdidismaya ni Ment habang nagda-drive ng motor.
Nakasakay lang si Time at kaibigan nitong si Uno sa likuran nito, papuntang sila ngayon sa school.
Ito si Time isa sa bida ng kwento, gangster leader, may magnet sa mga babae kahit basaguliro, tamad mag-aral at umaasa lang sa matalinong kaya nilang kontrolin.
"Ayos lang yan Ment, bro. Makakahanap ka rin ng babaing para sa'yo at dadating din 'yon." pag-aaliw ni Time dito.
Lumipas ang ilang sigundo pabilis ng pabilis ang takbo ng motor.
Ito si Uno, isa sa best friends ni Time. Ang tingin sa mga babae parang trial card lang, may limit, at anak ng tindera sa Canteen.
Tinapik-tapik ni Uno si Time sa balikat saka bumulong sa tainga nito "Ehehe Mu-Mukhang pabilis ng pabilis tayo."
Hinawakan ni Time si Ment sa balikat saka siya nagsalita "Kalma ka lang brother Ment, kung gusto mo ng mapayapang buhay. 'Wag mo muna kami idamay."
Bigla naman humagulgol ng iyak si Ment at nagsalita ng "Time... k-kung magmamahal ka, 'wag sa b-babae ah."
"Oo naman kuya, tatandaan ko yan." tugon naman ni Time sa kaniya.
At lalo pa bumilis ang takbo ng motor, napayakap ng mahigpit si Time kay Ment at si Uno kay Time.
"Uno! Bigay mo na sa kaniya kapatid mo!" Sigaw ni Time.
"Straight na lalaki 'yon, 'di sila talooo!" Sigaw din naman ni Uno.
Dahil sa takot sumigaw si Time ng "Kuya, I'm gaaaaay!"
"Anoooo!?" Gulat at pagtatakang tanong ni Ment.
Agad naman dahan-dahan ni Ment pinahinto ang motor sa gilid.
"Time, bakit mo naman yon sinabi?" Bulong ni Uno kay Time.
"Tumahimik ka muna dyan." Bulong rin ni Time kay Uno.
"Tama ba ang narinig ko?" Tanong ni Ment.
"Natatakot kasi ako baka.... ayaw niyo ko tanggapin." Sagot naman ni time.
"Naku naman Time, (inayos ang pwesto sa pagkakaupo at pinihit ang susi ng motor) Kahit ano ka pa'y tanggap kita." Tugon naman ni Ment.
Pagkatapos ng pagtatapat ni Time kay Ment nag-drive na ngayon si Ment ng normal hanggang sa nakarating na sila sa school.
Dali-dali bumaba ang dalawa sa motor.
"Salamat sa paghatid, brother Ment." Sambit ni Time."Time mag-ingat ka sa mga lalaki, 'wag ka masyadong magkagusto na basta basta lang." Paalala ni Ment kay Time.
"Oo naman kuya, 'di ako easy to get." tugon naman ni Time.
"Gusto ko..... after 5 months magkaboyfriend ka na, ipakilala sa'kin para makilatis ko." sabi ni Ment.
"Seryuso ka ba dyan kaya?" tanong ni Time.
"Oo naman, dahil kapag 'di mo yon nagawa... ako ang maghahanap ng magiging boyfriend mo." banta ni Ment kay Time.
"Sige po (hinawakan ni Time ang braso ni Uno at hinihila ito para umalis) late na kami kuya, ingat ka ah mhua mhua sup sup ehehe" Paalam ni Time sa Kuya niya.
BINABASA MO ANG
BL PASTA: Here, For You
RomanceI'm here for him, as always. Even if he doesn't know that I'm here for him, as long as I can see him, my day is complete. I hope one day he will recognize me and fall in love with me without knowing it. I'm Time and he is Code. And this is our story.