Samara's POV
After ng call ay napatulala ako sa bintana ng building na katabi lang ng station ko, tinignan ko ang magandang city lights para maibsan ang galit ko sa racist na customer na nakausap ko. Grabe na talaga ang trabahong 'to, kung hindi lang ako mukhang pera eh.
I'm a call center agent, bayaning puyat, undergrad, maraming bills na binabayaran at may binubuhay na pusa. Si mama lang rin ang kasama ko sa bahay after kaming layasan ni papa.
Nilayasan rin ako ng ka work kong nag AWOL after umutang sakin ng 3k dahil daw buntis siya, nakablock ako sa lahat ng kanyang social media accounts. Broke tuloy ako ngayon dahil next week pa ang sahod.
"Oh, galit ka nanaman hahahaha!" Sabi sakin ng katabi kong si Rhianne, my work bestie na madaldal.
"Sino ba namang hindi magagalit eh ang tagal kong mamatay." Sabi ko.
"Huy! Siraulo ka talaga." Gulat na sabi ni Rhianne sabay kurot sa baywang ko kaya napatiklop ako at sinimangutan siya. Lagi siyang ganyan kahit alam niyang malakas ang kiliti ko sa baywang. Tinawanan lang ako ng gaga.
Lagi akong gising ng gabi at tulog ng umaga tapos depressing pa ang work, malala doon kami ang sumasalo ng mga Supervisor calls or mga irate customers na galit sa insurance, which is the account that we handle.
Hindi naman sunod-sunod ang calls pero super draining lalo na't galit or disappointed ang kadalasang nakakausap namin. Pero may iba namang customers ang nagiging maayos ang tono ng pakikipag-usap sa amin sa oras na magpakilala kami as a Supervisor.
Tinanggap ko ang line of business na ito dahil malaki ang offer sakin, 20% ang tinaas ng sahod ko mula sa average sahod ko bago ako ma up skill dito. Pero minsan winiwish ko na lang mamatay dahil nga unstable na ang mental health ko at bills ko na lang ang nakikinabang sa payslip ko.
Kung ang dating average salary ko ay kulang sa pambayad ng bills, ngayon naman ay sakto na siyang pambayad ng bills. Hindi ko alam kung matutuwa ako o madi-disappoint sa buhay ko.
Hindi naman ako makapag-resign dahil malapit na ang December, umaatikabong 13th month pay pa naman ang matatanggap ko kaya kapit lang.
After 15 mins ay walang call na pumasok at saktong lunch ko na kaya nag-punch na ako ng lunch break sa system. 1am ang lunch ko pero it doesn't matter kasi sakto lang siya para sakin, buhay na buhay pa rin naman ang mga tao sa labas because this company is located here in BGC, Taguig.
Iba-iba ang schedule namin kaya ako lang yata mag-isa ang maglulunch ngayon. Hindi ako nakapagbaon dahil tinamad ako magluto at si mama ay wala sa apartment, umuwi siya sa province dahil fiesta sa kanila.
"Anong oras lunch mo?" Tanong ko kay Rhianne na kung anu-ano ang ginogoogle sa PC.
"1:30 am pa." Sabi niya.
"Ano ba yan, pinauna pa nila ako ng 30 minutes." Reklamo ko sabay tanggal ng headset ko at sinabit sa monitor ko.
"Eat well." Sabi niya, kinuha ko na ang pink kong tumbler tsaka tumayo. Oh diba, black ang jacket ko, black rin ang pants ko tapos pink ang tumbler. I love pink, I just don't wear it.
Kiniliti ko sa batok si Rhianna tsaka ako naglakad paalis, sumigaw pa siya dahil sa inis.
Bago ako makapunta sa exit door ay hinawakan ni Ryan ang laylayan ng jacket ko kaya napatigil ako sa paglalakad, malas kasi madadaanan ko pa talaga ang bay nila bago makalabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Our Constant Harmony
RomanceWork, home, work, home, work, home, repeat. That's Samara's cycle of life, sakto lang ang sinasahod niya para mabuhay. Isang undergrad student, broken family, no social life, only child na bread winner, mama's girl, taong bahay at mahilig sa pusa. S...