Chapter 4

310 4 0
                                    

Isang grupo ng kumakain sa restaurant na kanilang pinasukan ang napatingin sa kanila at nagbulungan. Namukhaan niya ang mga ito. Nakita niya sa party ni Mely. Hindi nakatakas sa pandinig niya ang masasakit na salitang lumabas sa bibig ng isang babae.

"Ang rapist at ang rape victim, lover na?"

Namanhid ang buong katawan niya sa narinig. Pakiramdam niya ay kay bigat ihakbang ng kanyang mga paa. Tiningnan niya ang reaksiyon ni Marvin. Nakahinga siya nang maluwag dahil wala siyang nakikitang pagbabago sa mukha nito. Marahil ay hindi nito narinig ang sinabi ng babaing hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kanila.

Maginoong humila ito ng silya para sa kanya. Mahinhin naman siyang umupo. Ayaw niyang masira ang kanyang composure. Hindi magandang mahalata ng mga taong nasa paligid na hindi siya at ease. Kailangang maipakita niya sa lahat na everything was fine.

Um-order si Marvin ng pagkain para sa kanilang dalawa. Alam na alam pa rin nito ang mga paborito niya. Na-touch tuloy siya.

"Kinumusta ka ni Mama, Rim. Next year daw ay baka makauwi na siya. Ipinatatanong kung ano ang pasalubong na gusto mo."

"S-sa kabila ng lahat?" Nakaramdam na naman siya ng guilt.

"Kinalimutan na ni Mama ang nangyari. Katulad ko ay nauunawaan ka niya." Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Ang nakaraan ay tapos na. Stop worrying, okay?"

Hindi niya magawang kalimutan na kamuntik nang mamatay ang ina ni Marvin nang malaman ang eskandalong kinasangkutan ng nag-iisang anak nito. Kaya ito umalis ng Pilipinas ay upang magpalamig.

"Galit na galit sa akin ang mama mo noon, Marvin," ungkat na naman ni Lagrimas sa nakaraan. "Kaya nga siya umalis ng Pilipinas, 'di ba?"

"No. May sakit siya kaya siya umalis ng Pilipinas. Magpapagamot siya roon. Please forget the past. As I've said, she understands you, Lagrimas." Masuyong pinisil ni Marvin ang palad niya upang bigyan siya ng assurance. Ngunit hindi pa rin mapanatag ang kalooban niya.

Habang kumakain, nakikita niya sa isang sulok ng kanyang mga mata ang mga mapanuri at nang-uuyam na tingin sa kanila ng mga tsismosa't tsismosong naroroon. Nahihirapan tuloy siyang lumunok. Pakiramdam niya ay may nakaharang sa kanyang lalamunan.

"ANG DAYA mo naman, Lagrimas," kaagad na sumbat sa kanya ni Melly nang tawagan siya nito. Kararating lang niya mula sa dinner date nila ni Marvin. "In good terms na pala kayo ni Marvin ay hindi mo man lang ako binalitaan."

"Sorry, Mel, nakalimutan ko."

"As usual, wala akong ibang magagawa kundi ang umunawa." Bahagya nang lumambot ang tinig nito. "Anyway, kaya kita tinawagan ay para isama sa bahay ni Marvin. Birthday kasi niya ngayon, natatandaan mo ba?"

"Oo naman. In fact ay nag-dinner kami sa labas. Ayaw kasi niyang magpa-party."

"G-gano'n ba?" May nahimigan siyang panlulumo sa tinig ni Melly. "Akala ko ay nakalimutan na ni Marvin ang birthday niya. Gusto ko sana siyang sorpresahin. May regalo ako sa kanya."

"Problema ba 'yan? Puntahan mo siya."

"Anong niregalo mo sa kanya?" interesadong tanong ni Melly.

"Wala pa akong naibibigay dahil nakalimutan ko ang birthday niya. Kung hindi pa siya tumawag, hindi ko maaalala."

"Gano'n ba?" Masigla na itong nagpaalam.

"PAPA, ano 'to?" Hinimas-himas ni Lagrimas ang malaking kahon na nakapatong sa ibabaw ng side table ng kama ni Rolando.

"Regalo ko 'yan para kay Marvin," masiglang sagot nito. "Ipapa-deliver ko 'yan kay Isang bukas."

Paano Ba Ang Magpatawad - Bianca ZarragosaWhere stories live. Discover now