Prologue

0 0 0
                                    

"Naka ilang ulit na kami. Ganyan naman tinuro ni Sir, ah? Ano na naman bang mali?"

Pinigilan kong mapairap.

Nasa loob pa kami ng campus. Kami ng ka-groupmates ko sa isang subject. I told them to meet me in the library if they're free.

Imbes na maaga ang uwi ko dahil wala na akong klase... Hay.. Sagabal nga naman.

Heto tuloy ako. Nakahalukipkip lang habang pilit nakikinig sa mga reklamo nila. Nangunguna pa talaga 'tong si Mellisa na pang 25 naman sa class, pero grabe bumunganga.

Twenty-eight kami sa section ah.

Since I didn't want to bother myself to explain again and again what is wrong with their work, pinakita ko na lang.

Nakabukas na ang aking laptop. I opened a file, where their works are. Bawat part nila ay andoon ang pangalan ng tatlong pabigat. Maraming naka-highlight. Yung iba nga pinalampas ko na lang, pasang-awa.

Pangatlong beses na 'to. Mga hindi nakikinig.

Hindi na nga nakikinig sa prof, pati ba naman sa leader nila. Lilima kami pero dalawa lang kaming maayos.

"Grabe naman 'to, Eda!" ani Mellisa, pagkakita sa laptop ko. "Gusto mo pa bang ulitin namin? Dalawang araw na lang, passing na."

Ayan. Reklamo ng reklamo. Dyan ka lang magaling.

"Mali naman talaga ginawa niyo." tumaas ang kilay ko. "Gusto niyo bang magpasa ng mali-mali?"

"E ikaw, gusto mo ba kaming patayin? May iba rin kaming ginagawa bukod dito sa letseng group report na 'to noh." sabat ni Timo, katabi niyang pabigat din.

I scoffed. "At sa tingin niyo ako wala? Marami rin akong trabaho at hawak pero, nag-e-effort pa rin ako sa grupo na 'to, na puno ng mga pabibigat."

"Ano?" Sumama lalo ang mukha ni Timo sa akin. Halos nagkakasalubong na ang kilay niya. Halatang na-offend.

Well, sorry.

Not really.

"Hindi ko kasalanan na mali yang gawa ninyo." kalmado kong kinuha ang laptop ko mula sa kaniya, sabay shut down at sara na rito. "Binigyan ko naman kayo ng outline patungkol sa topic natin, pati na rin guidelines sa mga part ninyo. What more do I have to do for you to understand what is the problem here?"

"Baka ikaw lang ang may problema! Baka wala naman talagang mali sa gawa namin, at pabida ka lang! Ginaya lang naman namin tinuro ni Sir!"

Wow.. Bobo na, ma-pride pa. Ayaw amining mali siya.

So, ano? Ako pa ang mali? Kailan pa ako nagkamali?

Dahil tuloy sa pagtaas ng boses ni Mellisa, napagalitan kami ng librarian at nakatanggap ng masasamang tingin mula sa ivang estudyante.

All I managed to do was heave a sigh.

Ayoko na. Tumayo na ako, sabay suksok ng laptop sa bag nito. Bitbit ang laptop bag, sinukbit ko na ang aking hand bag sa balikat.

"Fine. Either you give me another revision, or I will do it instead. Sabihan niyo lang ako agad." That's it. Then I left.

Narinig ko pa ang pagmumura ni Timo. Iyong isang lalaki naman na katabi niyang nakaupo, nagsisisi. Sinasabi na sana hindi na lang ako ginalit at sinunod na lang gusto ko. Alam niyang pwede ko silang patalsikin. Si Mellisa, in-enourage pa si Timo na sana pinaglaban pa side nila.

Whatever. Kapag wala pa silang maibigay na maayos hanggang bukas, ako na talaga gagawa. Huwag lang silang umasa na isasama ko mga pangalan nila.

Deretso parking lot ako, at sumakay sa aking kotse. Regalo ito sa akin nila Papa noong nagkalisensya na ako. It's been three years.

TL#3: Your every touch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon