"Did you get it, or do you want another example?" tinanong ko yung babaeng ka-video call ko, na nasa 8th grade na.
Andirito ako sa isang lamesa sa may quadrangle ng school. It's 6PM, just had my class. Habang hinihintay ko yung kaibigan kong si Cloud, na seven pa dismissal, nagtu-tutor ako.
"It's okay po. I got it na."
Napatango ako sa sinagot niya. Okay, next.
Math ang tinuturo ko sa kaniya ngayon. May exam siya in two days. Madali lang naman magturo in general, but I had to adjust for her because she's a slow-learner. Kaya minsan nagkukulang ang 2-hour session namin. But I can't exceed another hour.
Hindi libre ang oras ko.
Maya't maya, nakarating na si Cloud at kumaway lang siya sakin, dahil on session pa ako. Nag-cellphone na lang siya. Ako na ngayon ang hinihintay.
"Saan tayo kakain?" tanong niya nang alisin ko ang aking earphones.
Natapos din.
"Anywhere."
Shin-ut down ko ang aking laptop, saka iyon sinara't tinago sa bag nito. Niligpit ko na rin ang mga ginamit kong study materials.
"Hmm... Doon na lang ba kay Aling Pia?"
That made me look at her flatly. Nanunudyo ang ngiti niya habang nakapalumbaba.
Nakwento ko nga pala sa kaniya yung nangyari noong isang gabi.
That guy... who subtly flirted with me.
Naalala ko na naman tuloy.
Lalo na mga mata niya.
I wasn't even sure if what I saw was correct. Naka-cap kasi.
"Ang layo. Dyan na lang tayo sa tabi." I acted casual.
Five to ten minutes drive ang aking apartment, at doon malapit ang kainan ni Aling Pia. Lalayo pa kami, e ang dami namang kainan sa tabi ng school. Mahal pa ang gas.
Tumawa si Cloud. "Ayaw mo ba makita si Mr. Meant-to-be?"
"Meant to be, my ass." umirap ako. "That was one time. At nagkataon lang."
"Still!? Sinong tao ang basta-basta magbabayad para sa iba? He likes you!" She's trying to make a point. Nakaturo pa sakin, naniningkit ang mga mata.
"Well, I don't." I got my bag and things and stood up. Sumunod naman si Cloud. "And stop making assumptions. Baka nakita niya lang ako doon mismo."
"At naisipan lang niyang ilibre ka? Ang haba naman ng hair mo, sister ko." pang-aasar niya pa.
Bakit ba lahat na lang binibigyan niya ng meaning? Kaya laging heartbroken, eh.
Palabas na kami ng campus. Kinawayan at binati ni Cloud ang guard. Habang ako tinanguan lang ito.
"Pwede bang i-drop na natin yan?" I said to Cloud, sighing. "It's not like we're going to see each other agai--"
"Kyaah!"
"What the fvk?!"
Pareho kaming napasigaw ni Cloud sa gulat. Pero yung akin may halong iritasyon.
Patawid lang naman kami ng kalsada nang biglang may humarurot na motor sa aming harapan! Kamuntikan pa kaming masagasaan!
"Okay ka lang?" I asked Cloud. Namumutla pa rin siya at nakahawak sa dibdib.
Masama kong tinignan yung nagmo-motor na yun. Derederetso lang siya.
Wala na. Nakalayo na.
Hindi man lang nag-abalang huminto saglit para tignan kami? Bastos! Malasin sana siya buong taon!
BINABASA MO ANG
TL#3: Your every touch (On-going)
RomanceBand Series - Blake, the Drummer After rejecting the idea of entering the business world, Eda's life became more challenging. Facing judgements. Climbing obstacles. Enduring non-stop critics and stress from her studies, the people, her relatives, an...