Pagkatapos ng aking klase, nadatnan ko si Zacker sa may bench, malapit sa room namin. Kasama na niya si Cloud.
I don't know what they're talking about, but they looked delighted to see each other again.
Hindi ko maiwasang pagmasdan sila.
I may not be familiar with... liking someone, pero hindi naman ako bulag o manhid para hindi mapansin.
"Dal!"
I smiled at Cloud when she saw me. "Ano nang ganap?" tanong ko pagkalapit sa kanila.
"Manlilibre raw si Zay!"
"Hey, wala akong sinabi!" kaagad na reklamo ni Zacker.
"Ako, sinabi ko!"
"Wow, ah?"
I suppressed a laugh.
Inaasar lang ni Cloud itong si Zacker. He knew that. Gusto lang talaga niyang nakikisakay sa kakulitan ng best friend ko. Nagrereklamo siya pero parang hindi naman siya naiinis.
Mukhang natutuwa pa nga.
Oh. While Zacker and I have known each other since prep, nakilala ko si Cloud noong high school. Ako ang nagpakilala sa kanila dalawa sa isa't isa.
Maya't maya, nagtungo na kami palabas ng school. Napagdesiyunan naming mag-lunch sa malapit na kainan dito.
"Yung mabilisan na lang siguro para makabalik tayo agad." sambit ni Zacker. "May klase ka pa, di ba, Chlaus?" binalingan niya si Cloud.
I chuckled when Cloud frowned a little.
"First of, iyan pa rin tawag mo sakin? And second, yes. May dalawang class pa ko." she pouted.
"What's wrong with 'Chlaus'? Ang cute kaya." ngumuso si Zacker, na kinangiwi ko.
Kita ko ang pagsimangot lalo ni Cloud at ang pamumula ng pisngi niya. "Iba-iba tayo ng tawagan. Kaya nalilito mga tao satin eh."
"Kayong dalawa lang. Huwag niyo kong idamay." sumabat ako.
Totoo naman. 'Cloud' is just a nickname but it is still what people calls her. Ganoon din kay Zacker.
Si Zacker naman, he calls me by my second name. Ganoon din si Cloud sakin pero pinaikli niya lang. She did the same to Zacker by calling him 'Zay'. She likes shortening things.
At ewan ko ba dito kay Zacker, anong trip niya. Pinagsama niya ang first and second name ni Cloud kaya naging 'Chlaus'. Gusto niya raw igaya sa 'Eda' ko.
Ah, I don't know!
Kaya hindi ko masisisi ang mga tao kapag nalilito sila kung ano ba talaga mga pangalan namin. Pati ako sumasakit ang ulo.
Sa malapit na fast food restaurant na lang kami kumain. Treat ni Zacker. Tutal daw ang tagal na ng huli niyang pagbalik. Two months?
Nag-aaral na kasi siya sa Cebu ngayon. Andoon ang gusto niyang school para sa Dentistry.
Ako na ang naghanap ng mauupuan namin. I let the two order. Hindi pa kasi sila tapos magkwentuhan.
Tsaka maraming tao. Ayokong pumila.
Nag-cellphone muna ako habang naghihintay. Nakita ko pa ang post ng groupmates ko sa report kanina. Magkakasama sila at nasa labas din. Mukhang nag-celebrate.
Scroll.
Ni-like ko naman ang bagong post ng nakababata kong kapatid na si Santi. Kasama niya ang mga kaklase. Naka-uniform pa.
Then I saw Cloud has a new IG story. I clicked it. 3 minute ago lang.
Stolen photo ni Zacker, na nakaangat ang tingin sa menu.
BINABASA MO ANG
TL#3: Your every touch (On-going)
RomanceBand Series - Blake, the Drummer After rejecting the idea of entering the business world, Eda's life became more challenging. Facing judgements. Climbing obstacles. Enduring non-stop critics and stress from her studies, the people, her relatives, an...