TITLE
NANG SI ALEX AY SINUSUNDAN NG KUNG ANO? MAY MGA NAGTAKA KUNG SINO ANG SUMUSUNOD? TAO BA? O MULTO? KARANASAN NI ALEX HABANG PAUWI GALING SA TRABAHO
By Willy VeranoONE SHOT STORY
Gabi ng sumakay ng Bus si Alex, pauwi na ito galing trabaho.
Ginabi na siya bilang security Guard ng isang establishment."Napakatagal kasi dumating ng kapalitan ko. Kanina pa dapat ako nakauwi."pagkainis ni Alex dahil halos isang oras pa ang hinintay niya bago tuluyang makaalis sa binabantayang establishment.
Sa biyahe...
Dala ng pagod sa mag hapong pagbabantay sa Establishment. Hindi na napigilan pa ni Alex ang makatulog sa biyahe. Hinayahan ni Alex na makatulog ang sarili dahil malayo layo pa naman ang babaan niya.Subalit..
Kahit gaano na kahimbing na ang kaniyang tulog. Bigla nga siyang nagising kasabay ng nakakakilabot na pakiramdam."Hindi..."pagkatensyon ni Alex ng magising nga ito.
Agad nilinga linga ni Alex ang paligid niya tatlo na lamang silang pasahero sa bus, at ang dalawa pa ay nasa unahan pa malapit sa driver habang siya ay nasa dulo.
Hanggang sa..
Ikinagulat at ikinabagabag ni Alex ng mapadaan na ang bus sa isang malubak na kalsada. Agad napakapit si Alex sa kinauupuan niya habang paulit ulit sinasambit ang salitang."Tigil! Tigil! Bababa na ako!"paulit ulit na sabi ni Alex.
Ang dalawang pasahero ay agad napatingin sa kaniya. Naguluhan at nagtataka ang dalawang pasahero sa pagkabalisa o pagkatensyon ni Alex habang pilit pinapatigil ang sasakyan.
"Tigil! Bababa na ako! Tigil!"muling sabi ni Alex habang tensyon na tensyon at pawis na pawis pa.
"Sir.
Bawal po magbaba rito..
Konting tiis lang po..
Kailangan lang natin makatawid sa kalsada "sabi ng Konduktor ng lapitan siya nito. Agad hinawakan ni Alex ang kamay ng Konduktor."Pakiusap itigil na ninyo ang sasakyan bababa na ako."sambit ni Alex habang hindi mapakali ang mga mata nito pawis na pawis na ito maging ang palad niya ay nagpapawis na rin.
Kinalabutan rin ang konduktor sa kinikilos ni Alex at sa isip isip niya may multo sa bus na tanging si Alex lamang ang nakakakita."Pre! Ihinto mo na ang bus.."sabi ng Konduktor. At agad inihinto ng Driver ang pagmamaneho ng bus sa gitna ng malubak na kalsada .
"Bumaba ka na..
Pakibilisan lang at baka mahuli kami rito dahil bawal talaga mag baba rito."sabi ng Driver."Salamat..
Maraming salamat sa inyo."pagpapasalamat ni Alex at dali dali nga ito bumaba."Sana naman umalis na ang multo kasama nung lalake."dalangin ng konduktor na napa sign of the cross pa.
Habang si Alex ay nagmamadali pa rin na tila ba may humahabol sa kaniya na hindi nakikita ng iba, kundi siya lamang."Hindi...
Maabutan na ako..."pagkatakot ni Alex habang nagmamadali na tila may tinatakbuhan.Hanggang sa makakita siya ng isang Jollibee ngunti sarado na ito.
"Sir papasok ako pakiusap."pagsusumamo ni Alex habang kumakatok pilit sa Jollibee na Close na.
"Naku sir pasensya na..
Close na po kami."sabi ng Guard."Hindi pwede! Kailangan mo ako pag buksan at papasukin! Ngayon na! Pag buksan mo ako!"desperadong sabi ni Alex habang tensionado at pawis na pawis.
Subalit..
Isang hihip ng hangin ang naghatid kilabot sa kaniyang buong katawan. Na ikinatindig ng kaniyang bawat balahibo sa katawan..Kasabay nun ang pag bulwak na ng tuluyan ng Solid niyang Tae na kanina pa dumudungaw dahil sa malubak na kalsada na kanilang dinaanan kanina.
"Hindi!!!!
Aahhhhhh!"Sigaw ni Alex...
Nang abutin na ng tawag ng kalikasan.End