Chapter 3

110 7 0
                                    

Dale's POV



Halos 2AM na rin pero nandito parin ako sa pwesto ko at hanggang ngayon ay nakahiga parin si Kaye sa balikat ko.

Di na ako nagpatuloy sa pag-iinom. Nakakahiya naman sa babaeng to at baka magising pa. Wala narin masyadong tao sa bar. Nag c-closed kasi to ng 3AM kaya ang iba ay umaalis na rin. Tanaw ko naman mula dito sa second floor ang mga beklush na kasama ko. Nandun na silang lahat sa table namin at nag-iinom. Wala na rin silang mga boylet na kasama.


Dahil ramdam ko na rin ang pangangalay ng balikat ko ay sinubukan kong gisingin si Kaye.


"Kaye...Gising na te. Malapit ng mag close yung bar." sabi ko dito habang tina-tap ang ulo nya.


Naramdaman ko naman na gumalaw ito. Marahil ay pinapakiramdaman nya pa ang sarili nya kung kaya nya na bang tumayo.


"Okay ka lang?" tanong ko sakanya ng umalis sya sa pagkakahiga sa balikat ko. Tumingin nya saakin at marahang tumango.


"Wala ka ba talagang kasama? Paano ka uuwi nyan?" tanong ko ulit dito.


"I think I can manage naman to drive." sagot into habang nag-aayos ng sarili.


Nang akmang tatayo na sya ay bigla syang napakapit sa mesa. Siguro ay masakit pa ang ulo nya.



"Gosh! This is the first time that I drunk too much." anito habang hinihilot ang sentido nya.


Inalalayan ko naman sya pabalik sa pag-upo sa upuan.


"Alam mo, di mo kaya. Ihahatid nalang kita."



"No. It's too much na. You accompany me na nga here tas you'll drive me home pa. I'm already causing you much trouble." ang thick na ng english nya. Marahil dahil na rin sa kalasingan nito.



"Maka trouble ka naman. Okay lang yun. Friends naman na tayo diba."



"Okay, if you insist." yan, ganyan dapat. Wag mo na akong kontrahin para okay tayo.


Inalalayan ko si Kaye hanggang maka abot kami sa table ng mga bakla sa first floor.






















"Oh nandito ka na pala mamsh! Kanina ka pa namin hinahanap." salubong ni Mars sakin kaya napatingin rin ang iba naming kasama. 


Habang si Kaye naman ay nakatago lang sa likod ko. Halatang nahihiya siya sa mga kaibigan ko.



"Balik loob ka na mamsh? Di yata boylet ang take home mo ngayon." Natatawang ani Mich habang nakatingin sa babaeng nasa likuran ko.



Napatingin din ako kay Kaye at nakita ko siyang naka yuko lang habang bigla niyang hinawakan ang laylayan ng damit ko.



"Gaga! Never ever. Si Kaye nakilala ko sa taas. Kaye mga friends ko." Ngumiti naman ang mga bakla kay Kaye. Tumaas din ang tingin nya at kumaway sa mga kasama ko.



"Mauuna na kayong umuwi mga bakla. Hahatid ko nalang muna tong babaeng to. Nalasing eh. Di na nito kayang mag drive." Nabigla naman ang mga bakla sa sinabi ko at tiningnan ako na parang nag tatanong ng 'seryoso ka?'. Tinaasan ko naman sila ng kilay. Dedma sa bashers nalang bes.



Sa huli ay wala naring nagawa ang mga bakla kundi ang maunang umuwi. Sinabi ko sa kanina na tatawag nalang ako kung saan ako magpapasundo sa driver.













Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon