Isang malakas na pagbasag ng kung anong babasaging bagay ang gumising sa 'kin. Sinasabayan pa ng malalakas na sigawan at sagutan ay lalo akong na-alarma kaya't dali-dali akong bumaba.
Para lang madatnan ang Nanay at Tatay kong nag-aaway. Na naman. Kailan nga ba 'ko masasanay? Unti-unti ng nauubos ang mga babasaging bagay dito sa bahay. Araw araw na lang silang nag-aaway. Hindi pa ba sila nagsasawa? Bakit ba hindi na lang sila maghiwalay?
"Ang aga pa, 'Nay, 'Tay. Pwede bang mamaya na lang 'yan?" Inis kong saad.
Tinignan ako ni Tatay na para bang ako ang pinaka-nakakaawang nilalang sa mundo. Ba't ba ganyan siya laging makatingin? Dapat nga ay sa sarili niya siya naaawa. Hindi ko nga alam kung pamilya pa ba ang tawag dito. Si Nanay? Walang pakialam, binigyan niya lang ako ng masamang tingin. Ganyan naman lagi.
Ang nakakaurat pa r'yan, only child ako. Kaya ako lang ang nakakasaksi lagi ng pag-aaway nila.
Ano pa ba ang silbi ng pamilyang ito? Naisip ko bigla habang paakyat pabalik sa kwarto.
I was slowly being suffocated by the surroundings. This home is not even a home anymore. Akala ko ba ay nandito ang ligaya? I sighed. This is not the life that I want– no screw that, I don't even know if I still want a life to live. It was getting worse every single day. Walang araw na hindi sila nag-aaway, simpleng bagay lang ay ginagawa nilang big deal! So tell me, is it worth living this life?!
I sighed, again.
I laid down on my bed. My phone beeped so I checked it. Gina was calling. Finally! Someone that I can talk to, without getting irritated and annoyed.
["O to the M to the G!"] She screamed on the other line.
When she finally calmed down. She said that her Auntie offered her to study in the field of Photography! I was excited! But my smile faded as soon as I realized what kind of life I'm into right now. Hindi ko nga alam kung papayagan akong mag-aral ulit. Tapos papasukin ko pa ang Photography? Ang kaninang ngiti ko ay naging simangot.
Pinatay ko muna ang tawag dahil gusto ko na agad i-paalam sa kanila! Kung aayaw man sila ay wala akong pakialam. I can get or earn my own money just to enroll. Pwede akong magtrabaho.
"'Nay, 'Tay.." I whispered as soon as I sat in front of them for lunch.
"Oh? Ano na naman ang irereklamo mo?" Barumbadong sagot ni Nanay.
I opened my mouth but nothing came out. Para bang hindi ko masabi ang gusto kong sabihin dahil alam ko na ang magiging sagot. I remained calm, I'll just.. ask. I'll just try. There's nothing wrong in trying, right?
"Iniimbita ho ako ng kaibigan ko-"
"HINDI!" Sigaw niya. Napahawak ako ng mahigpit sa kutsarang hawak ko.
"Hindi ka aalis ng bahay. Wala ka na ngang naitutulong tapos ano? Aalis ka pa? Sinasabi ko na nga ba at walang naipapasang maganda sa 'yo ang kaibigan mong 'yan! Tumulong ka rito sa bahay, nang magkaro'n ka naman ng kwenta!" Tuloy tuloy na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Whispered Promises
Romance(ON-HOLD) / (UNDER-EDITING) (A guy changed, my personality) ** (Cringe) The best mistake to ever exist, doesn't worth regretting for.