𝐓𝐢𝐭𝐥𝐞:𝑴𝒚 𝒔𝒐𝒚 𝒔𝒂𝒖𝒄𝒆
𝐆𝐞𝐧𝐫𝐞:𝑹𝒐𝒎𝒂𝒏𝒄𝒆/𝑪𝒐𝒎𝒆𝒅𝒚
𝐖𝐫𝐢𝐭𝐭𝐞𝐧 𝐛𝐲 𝐘𝐚𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐰𝐚𝐯𝐞 𝐖𝐩Kahit anong mangyari kahit na may pagkatoyohin pa siya mahal na mahal ko siya, kahit na habulin pa kami ng aso sa daan.
«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»
"Ito ohh binilhan kita ng paborito mong ice cream, " nahihiyang sabi ko habang hawak ang binili kong icecrean na ang flavor ay mintchoco.Inabot ko sa kanya ito, agad naman nitong kinuha. "Alam ko naman na paborito mo yan kaya kunin mo na pero hinayhinay lang sa pagkain.
"Bakit ganyan tingin mo? Alam kong pogi ako pero baka matunaw naman ako sa titig mo na yan"pang aasar ko sa kanya.
Agad naman sinamaan ako ng tingin nito, at inirapan.
"Chee ewan ko sayo Ken maka alis na nga dito, good bye! "Aalis na nga sana ang bata este si Nyx buti nalang hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan siyang umalis.
Yumuko ako para mag pantay kami at makita ako nito ng malapitan. " Nyx hindi ka pwedeng umalis, tumingin ka nga sa labas," malumanay na saad ko sa kanya.
Tumingin ito sa labas na siyang ikinabusangot ng muka nito. "Naulan," pabulong na saad niya. At na payuko ito, at nilalaro ang kanya daliri.
Umuulan na nga tapos ganito pa kaming dalawa, parang kaming mga bata. Since high school kami magkakilala na kamj, naging mag boyfriend and girlfriend kami nang senior high kami, kaya naman masasabi ko sa ulong sa ulo ko na siya. Alam ko na may pagkatoyohin siya at masyadong softhearted.
Tiningnan ko ang labas mukang wala pang pag asa na tumila ito. Ang mga palaka ay maririnig sa labas at ang pagpatak ng ulan sa bubong ay rinig na rinig.
"So ano aalis ka pa ba? "𝗌𝖺ad 𝗄𝗈 sa kanya, " wag ka nang umalis delikado baka tangayin ka pa ng hangin ang liit-liit mo pa naman"pang aasar ko pa sa kanya.
" Ken naman ehh. "At hinampas ang braso ko.
"Joke lang ito naman hindi mabiro, halika umupo ka nalang sa may sopa manood ka muna ng palabas sa TV at magluluto ako ng sopas para sa
atin. "At pinaupo ito sa may sopa at hinalikan ko ito sa noo na siyang ikanamula ng pisngi nya.──────⊹⊱✫⊰⊹──────
Makalipas ang ilang minuto, na tapos na ang niluluto ko.Pumunta na ako sa salas kung saan ko siya iniwan kanina. Mainit pa ang sopas kaya naman naka tray ito ng dinala ko sa kanya.
"Eto na po baby ang sopas mo. "At inabot sa kanya ang sopas.Sa pagkakita palang ng sopas ang mga mata nya ay parang kumikislap at takam na takam na tikman ang sopas."Yeyy mukang masarap ito luto mo," saad nya habang nakatingin sa sopas.
BINABASA MO ANG
One shot story Collection
Short StoryThis story will give you kilig moment, happy moment, sad moment, fear moment.