Kailan ko kaya mapuputol ang pisi
na kung saan nakatali pa rin
ang damdaming ikaw
ang nakahabi?
Lumipas na ang panahon,
kumupas na rin ang larawang
tayo'y may ngiti pa sa mga labi─
tila ang kasiyahan ay namumutawi.
Subalit sa puntong ito
ay ikaw pa rin ang musikang
inaawit at ang instrumentong tinutugtog
kasabay ng malamyos na galaw.
Ang pighati at kabiguan
na aking pinagdaanan at ang
mainit na pag-iibigang ating
pinagsaluhan ay madarama
sa kumpas ng kamay sa gitara.
Bakit ikaw pa rin?
Hanggang kailan matitiis ang sakit
na dulot ng sawing pag-ibig?
"Tama na! Itigil mo na," sigaw ko
sa aking sarili. Ngunit sa tuwing
sumasagi ang alaala ng kahapon,
nakikita ko na lang ang sarili
kong pabalik sa bisig mo.
Sabi ko, "Hindi ko kaya,
sapagkat ikaw pa rin talaga."
YOU ARE READING
Tale of a Tear
RandomEvery tears we cried, has its own story behind. ••• (a collection of poems and one-shot stories) © 2022 by maxlilies (Kylie Anne Gida)