Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita na naman kami.
Sa aking dahan-dahan na paglapit ay nahalata niya ang aking mga galaw o 'di kaya ay narinig niya ang mga yapak, kaya agad siyang napalingon sa gawi ko. Tumayo siya at akmang aalis na nang dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya at hinila ang kanyang papulsuhan.
Dahil sa pagkakahila ko sa kanya ay biglang naglapit ang aming katawan at ilang sintemetro nalang ang natitirang pagitan sa aming dalawa. Nagkatutukan kaming dalawa , mata-sa-mata. Ramdam ko ang aming paghinga at parang unti-unting bumagal ang takbo ng aming paligid dahil sa pagkakalapit namin. Nakaramdam ako ng elektrisidad sa aking katawan dahil sa pagkakadikit ng aming mga balat. Walang sinoman sa aming dalawa ang nagtangkang gumawa ng kahit anong galaw.
Ilang minuto pa ang dumaan at tyaka na namin napagtanto ang aming posisyon. Mabilis kaming lumayo sa isa't isa at binalot kami ng pagkahiya.
Nilinaw ko ang aking boses dahil baka pagnagsalita ako ay mapiyok ako. Nakatalikod kami sa isa't isa ngunit nang mapagtanto ko na mabilis lang siyang nawawala ay mabilis kong ibinalik ang aking paningin sa kanya. Hindi siya umalis at nakatulala lamang habang hawak ang kanyang dibdib. Nakaramdam ako ng pag-aalala dahil sa kanyang ginagawa kaya agad ko siyang nilapitan.
"Are you okay? What's happening with you?" I immediately asks. She turn her head to me and look at me directly into my eyes, then she pushed me and immediately run away.
I wanted to follow her but I can't move my feet. It's like, it's stopping me from following her kaya hindi ko nalang pinilit ang sarili kong sundan siya, kahit na gustong-gusto ko talaga siyang sundan.
Wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa aking sasakyan at nagpagdesisyonan na lamang na umuwi na ng condo. Gusto kong magpahinga at matulog dahil naramdaman ko na lamang na biglang napagod ang aking katawan. Nang makarating ay agad pumasok sa banyo upang maligo at nang malamigan din ang aking katawan.
Ilang minuto pa akong nagbabad sa shower hanggang sa nagpagdisesyonan ko ng lumabas. Agad kong inihiga ang aking katawa sa kama matapos akong magbihis at ang nangyari kanina ang agad na pumasok sa aking isipan.
Ito ang pangalawa naming pagkikita at hindi ko na naman alam kung kailan at saan kami magkikitang muli. If I ever see her again, I will never let her go.
**
I woke up because of my alarm. I immediately get up ang walk in to the shower para maligo at pagkatapos ay nagbihis at agad ng pumunta sa opisina ko. Ganyan lamang naman palagi ang ginagawa ko. Naging cycle ko na ang pabalik-balik kong ginagawa at sanay na ako do'n.
Pagkarating sa opisina ay masaya akong sinalubong ng aking mga empleyado at kita sa mukha nila ang malalaking ngiti sa mga labi. Binalik ko naman sa kanila ang maligayang bati nila sa akin.
Nang makarating sa opisina ay wala akong ibang ginawa kundi ang mga papel na iniwan ko kahapon. May nakita akong mga bagong ampok na mga papel kaya chi-neck ko ito. Nakita kong ito pala ang mga plano para sa bagong project na ipapatayo namin. Binasa ko ang iba dito ngunit yung iba naman ay hindi na.
Natapos ang araw na ko na wala akong ibang ginawa kundi nakaharap lang sa mga papeles na nasa mesa ko.
YOU ARE READING
UNEXPECTEDLY YOURS (Short Story) - FamLe Saga 3
Short StoryIn an unexpected turn of events, the day of their meeting arrived, and at an unforeseen moment, a love was formed. Who would have thought that in just one meeting, you could capture each other's hearts? Clark CJ Smith Montemayor - a respectful man...