Hindi na ako bumalik sa simbahan dahil alam ko namang pagdating ko doon ay tapos narin ang misa. Umuwi nalang ako ng condo at nang makarating ay agad akong nagbihis. Wala akong balak pumasok ngayon dahil linggo at hindi araw ngayon ng trabaho.
Napagdisesyonan kong magluto ng lunch dahil nakaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko ang oras na nasa aking kanang kamay at alas onse na pala ng tanghali kaya nagluto nalang ako ng simpleng ulam para sa pananghalian. Kunti lang ang niluto ko, ako lang din naman ang kakain.
Pagkatapos kong magluto ay hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na akong kumain dahil nagugutom na ako. Pagkatapos kong kumain ay nagdisesyon akong magluto ulit ng pwedeng kainin dahil gusto kong manood ng pelikula ngayon na bago lang din nailabas.
Pagkatapos kong makapagluto ng ay dumiretso ako sa sala at inihanda ang aking mga kakainin sa panonood. Umupo ako sa sahig at pinaandar ang tv. Pumunta ako sa netflix at sini-nerch ang pelikulang Lolo and the Kid. Nang mahanap iyon ay dali-dali ko itong pinanood.
Hindi pa ako kailanman naging emosyonal sa mga pelikulang napanood ko pero ito ang unang pagkakataon na umiyak ako sa isang pelikula. Marami-rami ring tissue ang naubos ko dahil sa mga luhang kahit gusto ko mang pigilan ay hindi ko magawa. Hindi ko rin naman pinagsisihan na pinanood ko ito dahil totoong maganda naman ang pelikulang LOLO AND THE KID. Hindi ko talaga inaasahang maiiyak ako.
Pagkatapos kong manood ay pinatay ko na ang tv at ipinagpahinga ang aking katawan dahil sa pagod ko sa kakaiyak. Pumunta ako sa aking silid at salamat sa diyos ay nakatulog.
Nagising ako ng hating gabi dahil nauuhaw ako. Pumunta ako sa kusina upang kumuha ng tubig sa ref ngunit may nahalata ako sa aking paligid. Pakiramdam ko ay mayroong nakatingin sa akin na para namang wala. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay babalik na sana ako sa kwarto ng mapadaan ako sa sala at ng may biglang humawak sa kamay ko kaya agad akong napatalon dahil sa kaba.
Tumakbo ako patungo sa switch upang paandarin ang ilaw at ng magawa ko na iyon ay dahan-dahan akong bumalik palapit sa couch. Nakita ko ang isang kumot na may umbok kaya dahan-dahan ko itong hinala, hanggang sa tuluyan ko na nga itong makuha. Napasigaw pa ako ng kunti dahil sa aking nakita.
Basag ang buhok at hindi mahitsura ang mukha ni Andrei ng aking tingnan. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong siya pala ang tao dito, but-
What is he doing here?
Pinulot ko ang unan na nahulog at lumapit ako at hinampas siya ng unan na hindi din naman gaanong kalakasan.
"What are you doing here in the middle of the night, huh?" I asks. Bumangon siya at mapupungay ang mga matang tumingin sa akin.
"Distorbo ka sa natutulog, dude!" saad nito at bumalik sa pagkakahiga.
"I said what are you doing here? Paano ka nakapasok?" balik kong tanong sa kanya.
"I know your your passcode, dude." sagot niya habang hindi man lang ako binalingan ng tingin.
"Kung ganon, ano nga ulit ang ginagawa mo dito?"
Kaunti siyang natahimik at kalaunan ay biglang naging emosyonal ang mukha niya hanggang sa tuluyan na nga siyang umiyak.
YOU ARE READING
UNEXPECTEDLY YOURS (Short Story) - FamLe Saga 3
Krótkie OpowiadaniaIn an unexpected turn of events, the day of their meeting arrived, and at an unforeseen moment, a love was formed. Who would have thought that in just one meeting, you could capture each other's hearts? Clark CJ Smith Montemayor - a respectful man...