Chapter 05

20 3 1
                                    

Lies In Your Love
Theory of How I Write with Feelings
----

Chapter 05
Strings: Martyr of Love

'Yun ang tawag sa tangang tulad ko. Isa at kalahating taon na ang nakalipas simula ng unti-unti ng bumibitaw si Miguel sa mga pangako niya.

Umasa ako na maayos pa...

"Ate Daisy, ano ang schedule ko ngayon? Pwede bang hindi muna pumunta? Wala akong energy. Parang gusto ko lang matulog."

Walang kabuhay-buhay kong sambit sabay hila sa kumot at ibinalot ito mula ulo hanggang paa ko kahit pa naiinitan ay pinilit ko pa rin magtago dahil hindi ko kayang pigilin ang sakit na hatid ng paglayo sa akin ni Miguel.

Lagi niyang sinasabi sa akin na wala naman nagbago at busy lang siya sa buhay niya ngayon, habang ipinamu-mukha sa akin na paranoid lang ako at wala na sa katinuan buhat ng kasikatan.

Hindi na rin ito umuwi pa sa apartment na tinitirhan namin, may iilang bisyo rin siya tulad ng alak at sigarilyo na mas lumala pa sa mga nagdaang taon.

"Florencia, alam ko wala ako sa posisyon para sabihin ito pero nasisira ang mga pangarap mo dahil sa kanya, pero heto ka pa rin umaasa, ayaw mo pa bang iwan?," Kahit pa klaro kong naintindihan ang mga salitang iyon, iba ang sinasambit ng puso ko, at ito ay ang bumalik pa siyang muli sa akin, mahalin ako tulad ng dati, at samahan ang isa't isa sa habangbuhay tulad ng mga pangako ngayon dala na ang sakit.

"Kausap ko ang Mama mo kanina. Pinapauwi ka pansamantala sa inyo-gawin mo na, please?" Hindi niya kita ang pag-iling ko mula sa ilalim ng kumot.

Sandali lang rin ay naramdaman ko ang palad nitong lumapat sa balikat ko. "Flore, hindi na yan pagmamahal. Ano pa bang pagtitiis ang gusto mo?" ani nito.

"Ano pa bang gusto mo gagawin niya para lang ma-realize mong wala na siya, at iniwan ka na sa ere ng matagal na panahon-oo, sabihin natin umuwi, minsan kayo nagkikita pero..."

"...sa laki ng pader sa pagitan ninyong dalawa kahit pa mahal mo siya kung ayaw na niya, 'wag mo na ipilit pa."

Bawat salitang sinambit ni Ate Daisy ay direktang tumusok lahat sa puso ko, sunod ko na lang nalaman ay humahagulgol na ako sa balikat ni Ate Daisy, paulit-ulit binabanggit ang mga salitang "bakit" at "ano bang nagawa ko" at kung ano-ano pang mga tanong.

Hindi ko akalain na nauwi lang rin lahat sa ganito. Ano ang pagkukulang ko?

"Sige na, iiyak mo lang lahat. Nandito lang ako para sayo, Flore. Nandito lang ako."

Masyado ba akong nagmahal?

****

[Flashback]

Ramdam na ramdam ko ang kaba sa tuwa habang nakatitig sa reflection ng sarili ko sa harap ng salamin. This day was a special night for me, ito na iyon ang lapit ko na rurok ng career na tinatahak ko ngayon. Hindi ko maitago ang kiligin: Galingan mo Florence!

The room hummed with energy as I stood backstage, preparing for what was supposed to be one of the most significant moments of my life.

Subalit sa kabila ng saya at excitement na ito ay ang maliit kong pag-asa na sana narito siya ngayon para masilayan lahat ng ito. Dahil hindi lamang naman ito tagumpay ko kundi ay tagumpay niya rin.

Umaasa ako na sana kahit ngayong gabi lamang ay magpakita siya, wala nang hihigit pa sa presensya niya. Kahit ano pa ang pinagdaraan namin ngayon ay handa akong tanggapin makita niya lang akong masaya sa pangarap naming dalawa.

As the clock ticked away, I checked my phone, hoping for a message from him. I hesitated before typing, "Nandiyan ka na ba? Malapit na ako mag-perform." My hands trembled as I hit send, praying for a response that would ease the knot in my chest. Minutes passed, and then finally, his reply came: "Busy ako, baka di umabot."

Lies In Your Love [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon