Prologue

744 54 18
                                    

Promote ko muna ang new relased book ko na Twisted Lullaby na available na sa orange app. Eto ang link: https://shopee.ph/ROSE-TAN-TWISTED-LULLABY-i.393927408.29857592677?sp_atk=4e198b77-714a-4ac2-a9db-dff3a7a95791&xptdk=4e198b77-714a-4ac2-a9db-dff3a7a95791

Checkout mo na 'yan katoto!

PROLOGUE

1999
NAALIMPUNGATAN si Pearlie at dahil pinto ang nasa paahan niya, iyon agad ang namataan niya.

Nakabukas.

Napabalikwas siya at nilinga ang kama sa kaliwa niya. Wala doon ang alaga niya.

​"Marigold?"

Kabado niyang dinukwang ang kama ng alaga. Baka naman namali lang siya ng tingin dahil iyon lang malabong bombilya sa labas ang nagbibigay liwanag sa silid. Kinapa niya ang kumot, mga unan, stuff toys.

​Wala nga ang bubuwit. Napatindig na si Pearlie.

"Marigold?"

Ayaw niyang sumigaw dahil baka pati tatay ng bata, magising. Baka kahihiga lang noon dahil ang sabi kanina nang mag-goodnight kiss kay Marigold, magsusulat raw muna iyon bago matulog.

Anong oras na  ba?

​Binuksan na niya ang ilaw sa kuwarto para iyon ang gamiting liwanag sa pagbaba ng hagdan.

"Marigold?" Malumanay niyang tawag sa alaga. Maingat rin ang mga hakbang niya. Ayaw niyang gumawa ng ingay hangga't maaari.

Empleyado sa Post Office ang tatay ni Marigold, si Kuya Bing. Pinsang-buo ni Pearlie ang lalaki, sa iisang compound sila sa probinsya lumaki kaya parang magkapatid ang turingan nila.

Tinawag uli niya ang alaga, "Marigold...magoogoo..." parang naririnig niya ang bata. Nasa kuwarto sa ibaba. Opisina ni Kuya Bing.

"Naku naman," bulong ni Pearlie. Pinagbabawalan niyang pumasok doon ang alaga dahil amoy-yosi sa kuwartong iyon. Hindi niya masabihan si Kuya Bing na tigilan na ang bisyo. Nalalanghap lagi nila ni Marigold ang second-hand smoke.

Pero relieved pa rin siya na nasa ipinagbabawal na silid ang alaga niya, kaysa nakabulagta sa ibaba ng hagdan dahil nahulog. Diyosmiyong bata. Four years old pa lang pero kung kumaripas paakyat at pababa ng hagdanan, akala mo ay si Lydia de Vega. Kung nagkataong nahulog nga si Marigold, Ay, Diyos ko 'day! Mahal na mahal ni Kuya Bing ang unica hija. Kay Marigold lang umiikot ang mundo noon.

At sa pagsusulat.

​Iyon talaga ng hilig ni Kuya Bing, kaya lang ay hindi mabitiwan ang trabaho sa post office dahil wala raw security of tenure ang pagiging manunulat. At least, sa pagiging kawani, bukod sa regular na suweldo, mayroon ring mga benefit at bonus. Kaya ang totoong calling, naging sideline lang ni Kuya Bing.

​Narating niya ang kuwarto sa ibaba, bahagyang naka-awang ang pinto at bukas ang ilaw,

"Marigold? Kuya...Kuyaaaaaa!"

​Nagtitili na si Pearlie.

​Si Marigold ay nakaupo sa sahig, ginigising ang papa nito. Pero hindi tulog si Kuya Bing.

​"Kuyaaaaa! Kuyaaaa! Saklolo, mga kapitbahay!" Hilong-talilong si Pearlie.

​Nakatihaya sa sahig si Kuya Bing, duguan ang mukha. Dilat pero hindi kumukurap.

​"Dadee, dugo..." sabi ng paslit. May mga bahid rin ng dugo ang pajama ng bata, pati ang mga kamay nito.

​"Diyos koooo! Sakloloooo!" Sigaw na naman ni Pearlie.

Author's Note: Every Monday ang pag-upload ng every chapter. Kung nagustuhan ninyo, please vote. Kung ayaw niyo e di DON'T. Haha!

Sa mga gustong magpabati sa next chapter COMMENT lang kayo.

Deadly DraftsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon