A/N: Promote ko muna 'Twisted Lullaby!' Available sa Shopee.ph/WhimsicalBooksPh
Shoutout sa mga sumusunod: @lalalalaine14 @imrengiesanchez @shinegaylican @RamApostol05 @klad8125 @Trishyan24 @annamae0111 @MissEsteph @khanlies15 @Kupalkaaaaa @Erianne20 @afgonzales3385 @kheeeeyyyy
Thank you sa pagsubaybay ng Deadly Drafts!
CHAPTER ONE
"PARTY or Feeding Program?" tanong ni Anette sa pasahero niya.
"Pros and cons," sagot ni Maty, hindi nag-aangat ng mukha, busy sa cell phone.
"Mmm, 'pag party, siyempre, masaya, makakasama namin 'yung mga loyal followers. Kaso, kami-kami lang 'yon. Tayo-tayo. 'Pag Feeding program, obviously mapapakain 'yung mga nasa laylayan."
"Pero isang beses lang. Kinabukasan, gutom na naman sila," sabi ni Maty. "Magpa-party na lang kayo."
"Baka ma-bash kami na ang dami-daming nagugutom, tapos---"
"E, di gawin mong 64 pesos per plate."
"Lalo kaming maba-bash. Sasabihin, ginagawa naming joke ang kalagayan ng mahihirap." Nilinga ni Anette ang best friend, itinaas pa niya ng bahagya ang suot na Wayfarer.
"Paki ba nila?" sabi nito. "Hindi na ba tayo puwedeng gumawa ng gusto natin? Lagi nalang nating iisipin ang sasabihin ng mga tao? Ang mga desisyon natin, nakasalalay na lang saibang tao? Hindi naman natin sila kilala, hindi nila tayo kilala, pero nagpapadikta tayo sa kanila?" Litaw ang litid ni Maty sa leeg. Gigil na gigil.
Anette rolled her eyes behind her shades. Nauwi na naman sila sa 'pakikibaka'.
"Tama ka naman, Atih," aniya. "But in this case, kailangan kong isipin ang netizens dahil vlog namin ang magpapaalam. Vlog na tinangkilik nila, natural, may pake ako sasasabihin nila. Ayoko'ng um-exit kami na may bad blood."
Nag-decide sila ng asawang si Ed na tapusin na ang kanilang vlog. Nakakapagod na, nakakasawa na rin at nararamdaman nila, hindi na ganoon ka-popular ang mga so-called influencers. Nagbabago na naman ang ihip ng hangin sa social media.
At bilang 'influencers' din, tingin nila ay naabot na nila ang peak of success, kailangan nila ng graceful exit, hindi iyong lalagpak sila ng malakas. Salamat naman kay Fernando na asawa ni Maty, nai-invest nila ni Ed nang maayos ang mga kinita nila at puwede na silang kumuyakoy na lamang hanggang mategibels...knock on wood.
Pero siyempre, hindi sila kukuyakoy lang. Tututukan nila ang mga restaurant nila, magta-travel sila, at si Ed, gustong maging triathlete--the new middle age, sabi nga ni Matilde. Ang mga kasing-edad nila, nahihilig sa fitness everything.
"E, di gawin mong charity ball. Ang proceeds, para sa mga scholars n'yo," sabi ni Maty.
"Scholars? Namin?"
"Kukuha kayo ng scholars sa mga liblib na paaralan. Marami akong readers na teacher, sa kanila tayo magtatanong."
"Ganern?" Lukot ang nguso ni Anette. Hindi naman siya madamot sa mga batang kapos-palad, on the contrary, noon pa nila naiisip ni Ed na magpaaral ng mga talented students. Ang problema lang, allergic sila pareho sa bureaucracy.
"Ganern." Tango ni Maty.
"Hihingi pa ba kami ng permit sa gobyermo? Kakaurat 'yon, eh."
"Pwede naman sigurong hindi na. Kayo-kayo na lang nung parents ng bata ang mag-usap."
"Paano kung gastusin ng parents ang pera?"
"Ibabayad n'yo directly sa school ang tuition."
"Ang baon?"
BINABASA MO ANG
Deadly Drafts
Mystery / ThrillerWhat if si Maty Go ang maging suspek sa serial killings ng mga writers dahil nagkakatotoo ang mga isinusulat niya?