A/N: Greetings! Salamat sa mga sumusubaybay, 'wag kayong mainip dahil exciting at intriguing ang mga susunod na kabanata.
Disclaimer lang: ang nobelang inyong binabasa ay kathang-isip lamang. Kung ano man ang pagkakahawig sa totoong buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.
CHAPTER TWO
SA APARTMENT ng mga ito sa Pasay nakaburol si Marigold Limpot aka GoldPinkie, author ng The Serpent's Kiss, erotic-fantasy raw ang nobelang iyon. Ewan lang ni Anette kung metaphor ang serpent o totoong ahas ang nanghahalik sa nobela. Pero dahil sa INX iyon naka-publish at sumikat, it was probably the latter. Bestiality.
Kaloka!
Sinarhan ang makitid na kalsada para sa mga nakikiramay. Nilagyan ng dalawang tent at parehong okupado ng mga taong nanginginain ng butong-pakwan, kornik, et cetera. Maliit rin lang ang apartment mismo at ang mga gamit ay inipon sa ilalim ng hagdan para bigyang puwang ang ataul.
Tahimik sila ni Maty na lumapit sa puting ataul. Sabay pa silang nag-sign of the cross. Babaeng matambok ang pisngi ang nakahiga sa ataul. Naka-putting damit at may rosaryo sa kamay.
Hindi naman mukhang adik, sa loob-loob ni Anette. Hindi mataba, hindi payat. Maganda rin kahit bulbous ang ilong.
Mainit sa lugar. Ramdam ni Anette ang pawis na gumagapang sa anit niya.
Nag-sign of the cross na uli si Maty at, "Kausapin lang natin 'yung tita niya tas alis na tayo," sabay dukot ng isang sobre sa bag.
"Ikaw na lang. Lalabas ako. Mag-c-collapse na 'ko sa init." Iniwan na ni Anette sa loob si Maty. Naiwan rin niya sa kotse ang kanyang mini fan. Kanda pagpag na lang siya ng kanyang eyelet adorned crop top.
Buset na menopause. Bigla-bigla na lang siyang nag-iinit at kaaway na kaaway niya ang maiinit na lugar.
Nakakita siya ng bakanteng upuan. "Pe'ram po," aniya sa mga nasa mesa. Sa haligi ng tent niya hinila ang upuan. Tumunog ang cell phone niya. Dinukot niya sa Coach sling bag, "Hello po?" sagot niya kay Ed.
"Nasaan na daw kayo?" tanong ni Ed.
"Asking for a friend?"
Ed laughed. "Hindi daw kayo nasagot."
"Sorry naman kamo. Kakarating lang namin. Sa malayo kami nag-park kasi walang space. Ayaw namin maglabas ng phone habang naglalakad papasok dito. Kakatakot."
"Ah, okay."
"Nasa'n na raw si Fernando?"
"Alabang pa. Naghihintay daw s'ya ng Grab."
"Okay. Paalis na rin kami dito. Ang init."
"Hot flush?"
"Very hot flush. Naiwan ko pa mini fan sa oto. Kelan kaya magkaka-AC ang mga smart phone?"
"Kawawa naman wifey ko," sagot ni Ed.
Natawa si Anette. "Sige na. Ba-bye na."
Nagkaka-ingay sa loob ng apartment. Curious. Sinilip ni Anette. Si Maty napapaligiran ng mga kabataan -hindi na bata, pero di-hamak na mas bata sa kanila, mga nasa 20's. Maasim na ang mukha ng kanyang BFF, wapakels na kumikislap ang mga camera ng cell phones.
Isang ale ang umalalay kay Maty palabas.
"Pasensya na, ha, Pearlie. Paalis kasi kami ng husband ko, pa-airport pa ako," sabi ni Maty sa ale.
"Okay lang. Salamat pala sa tulong mo."
"Wala 'yun. Condolence uli. Nakakahinayang talaga si Marigold, ang lungkot," sabi pa ni Maty.
"Oo, nga. Parang anak ko na 'yan... Ang sakit. Noon, papa n'ya. Ngayon naman..." napailing at napahikbi ang ale.
Niyakap ito ni Maty, "Pag may kailangan ka, chat mo 'ko. ha."
"Thank you, Maty. Thank you talaga. Ingat kayo, ha. Happy trip."
"Condolence," Sabi ni Anette sa ale.
"Salamat sa inyo."
Aalis na sana sila nang may lumapit kay Pearlie. Babaeng marikit. Sa biglang tingin lang pala, sa loob-loob ni Anette.
"Ate Pearl, i-play na daw natin 'yung reels ni Marigold," sabi ng babae. Nasa-five-three ang taas, maputi. Hindi mataba, hindi payat pero mukhang buntis, nagawa pang mag-square pants at bodycon top. Puti ang pants, black ang top, katerno ng doll shoes.
Bumaling ito kay Maty, "Ma'am Maty, thank you sa pagdalaw."
Tumango si Maty at nagpaalam na din sa babae, "Una na kami, ha...ay, friend ko pala, si Anette. Nette, si Moxie, writer rin."
"Hello," bati ni Anette.
"Hello po!" bati ni Moxie.
Nang naglalakad na sila pabalik sa sasakyan, saka lang nagtanong si Anette, "Ano 'yun ni Marigold? Si Pearlie."
"Tita sa pinsan. Si Pearlie. Siya na ang nag-alaga at bumuhay kay Marigold simula nung mamatay ang ama. Hindi na nga nag-asawa."
"E, di ka-age lang halos natin 'yon."
Tumango si Maty.
"Mukha na s'yang senior," comment ni Anette.
"Problemado kay Marigold. Dami raw n'yang dusa sa pagpapalaki dun pero mahal na mahal n'ya, at 'yun nga, inuunawa n'ya lagi dahil nga, nawalan ng ama. Hindi na binalikan nung ina. Naiintindihan raw n'ya kung bakit depressed lagi si Marigold at natuto magbisyo."
Napa-tsk-tsk si Anette, "Bakit ba may mga ganung kapalaran? Bakit hindi na lang lahat, okay?"
"Pero decided na raw magbago si Marigold. Six months na raw hindi gumagamit, tumaba na, tapos may online job bukod pa sa pagsusulat. Um-attend lang raw sa book launch nung kaibigang writer, kinabukasan, nakita na lang ni Pearlie, nakabulagta sa sahig dun sa salas nila. Nahulog daw pala sa hagdan."
Napaisip si Anette, "Hindi naman ganun kataas ang hagdan nila para ikamatay."
"May Ketamine siya sa system n'ya. Siguro nawalan ng malay kaya nahulog, nabagok raw ang ulo. Hindi naman raw nagising si Pearlie nung gabi, kung nagising raw s'ya, baka naitakbo pa sa ospital at nasagip pa."
"Sinisi pa n'ya ang sarili."
"Mukha ngang martir 'yong si Pearlie."
"May naaamoy akong Matthew Perry, atih," sabi ni Anette.
"Oo, nga 'no? Sino kaya ang letseng pusher?"
"Hindi rin naman napaparusahan ang mga hayuf!"
BINABASA MO ANG
Deadly Drafts
Mystery / ThrillerWhat if si Maty Go ang maging suspek sa serial killings ng mga writers dahil nagkakatotoo ang mga isinusulat niya?