Simula

10 1 0
                                    

Abcde's point of view...

"Hoy kain na."

Napangiwi ako matapos akong makatanggap ng isang malakas na sipa sa lalakeng nakatayo sa harap ko. Hinang hina man ay pilit kong inaninag ang nakangisi niyang mukha habang nakatingin sa akin.

"Kumain kana kung ayaw mong mabugbog ulit."

Lalo akong napangiwi ng maramdaman ko ang hapdi sa balikat ko na parang may nabaling buto. Sinamaan ko ng tingin ang lalake sa harap ko dahil siya itong salarin kung bakit halos buong katawan ko ang may latay at bali.

"O? Nakakatakot ka namang tumingin." Tumawa ito ng nakakaloko.

At dahil nagiging sarkastiko nanaman ito ay iniwas ko na ang paningin ko sakanya dahil alam kong anumang oras ay sasaktan nanaman ako neto.

Sa dalawang linggo kong pananatili bilang bihag nila, kahit papaano ay alam ko na ang takbo ng bituka ng mga ito. Hindi sila marunong maawa.

Tandang tanda ko pa noong sinubukan kong tumakas, malapit na ako noon at nakikita ko na ang highway pero agad nila akong pinaputukan ng maraming beses. Swerte ko nga lang at sa hita tumama ang dalawang bala. Tandang tanda ko din ang hapdi habang nararamdaman ko ang bala sa hita ko, at ang walanghiyang lalake sa harap ko tinapakan pa niya na halos ikamatay ko. Mabuti na nga lang at pinigilan siya ng kasama niya.

"Kainin mo 'yan." Turo niya sa pagkain na nasa harap ko.

Hindi ko siya sinunod. Habang nakasandal sa sahig at hawak hawak ang nabali kong balikat ay pasimple kong pinagmasdan ang malawak na kwarto kung saan ako naroroon. Mas malawak ito ngayon kumpara sa dati kung saan nila ako dinala.

Luckily, meron akong naaninag na maliit na bintana pero hindi ako sigurado kung kakasya ako doon kapag sumuot.

"Kakain kaba o bubugbugin ulit kita!" Sigaw ng lalake sa akin kaya agad kong hinila ang pagkain at sumubo.

Hirap mang lumunok dahil sa namamaga kong panga ay pinilit ko nalang. Dahil naisip ko na kung ipagpipilitan kong lumaban sakanila ay mahihirapan lang ako at masasaktan. Kailangan kong mag ipon ng lakas para makatakas at para makapaghiganti sa mga ito.

"Pasalamat ka at may kwenta kapa dahil kung ako ang masusunod gusto na kitang patayin para pagpyestahan na ng mga bulate ang katawan mo."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagsubo ng pagkain at dahan dahang pag nguya.

"Pero darating naman tayo doon, h'wag kang mag alala. Kapag sinabi ni boss na tapusin ka, ako mismo ang tatapos sa'yo." Sabi nito at nakapamulsang lumabas ng kwarto.

Binaba ko ang kutsara at tumitig sa pintong nilabasan ng lalake. Sino kaya ang boss na tinutukoy neto at ganito nalang ang sinapit ko. Kilala kami bilang isa sa pinakamayan na pamilya sa pilipinas man o sa ibang bansa. Marami din kaming negosyo na nagkalat sa loob at labas ng bansa kaya hindi malayong marami din kaaway ang pamilya ko sa larangan ng negosyo.

Malakas ang hula ko na kilala din ng pamilya ko ang may gawa neto. Gustong makaganti sa tatay ko kaya ako kinidnap.

Pero ang pinagtataka ko bakit sa loob ng dalawang linggo ay wala paring sinasabi sa akin kung magkano ang hinihinging kapalit para sa buhay ko.

I could also afford to pay them, just tell me their price. No need to involve my family in the transaction.

Inilayo ko na ang plato ng nawalan ako ng gana matapos maisip na baka hindi nila kailangan ng pera at dito na ako mamamatay. Sa mga armadong lalake palang dito sa loob ay imposible na akong makatakas, sa labas pa kaya na sigurado akong mas maraming nagbabantay.

Heart of the Captor: A Love Unbound (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon