Prologue

1.1K 16 2
                                    

"HAPPY birthday to you, happy birthday to you.

Happy birthday, dear Gordon, happy birthday to you."

Nakita ni Ingrid na nabigla si Gordon. Marahil ay nagtataka ito kung paano siya nakapasok sa silid sa town house nito. It was easy; she knew how to pick locks. Natutunan niya iyon when she was fourteen at hindi siya makatakas sa bahay nila dahil naka-lock ang pinto.

"Happy birthday, love," wika niya habang lumalapit dito, tangan ang maliit na chocolate cake. Mahal na mahal niya ito. Ito ang kauna-unahang lalaking sumeryoso sa kanya. He never took advantage of her. Kontento na ito sa pahalik-halik sa kanyang pisngi, hindi tulad ng iba niyang naging nobyo na panay ang tsansing sa kanya. Isa pa, matured na si Gordon. He was twenty-three, while she was nineteen.

"Who's that, darling?"

Nanigas siya nang makitang may pumasok na isang babae sa silid. Kasing-edad marahil ito ni Gordon sa suma niya. Matangkad, although not as tall as she was. Maganda ito subalit simple lang naman ang damit, isang bestida na abot hanggang sakong ang haba. Mas sexy siyang tingnan dahil ang suot niya ay isang manipis na negligée lamang. She thought she would give herself to Gordon as a birthday gift that night. Sigurado na siyang ito ang lalaking nararapat na unang pag-alayan niya ng sarili.

"Gordon, ano'ng ibig sabihin nito?" tanong ng babae dito.

Agad na nag-init ang ulo niya. "Yes, Gordon, ano ang ibig sabihin nito?" segunda niya.

"Ladies, please." Naupo si Gordon sa kama, habang inihihilamos ang palad sa mukha.

Nagsimulang umiyak ang babae habang siya naman ay nakatayo pa rin, tangan ang cake at naghihintay sa sagot nito.

"How could you, Gordon?" anang babae at tumakbo palabas ng silid. Agad na tumayo si Gordon at hinabol ito.

Sa magkahalong pagkainis at pagkabigla, ipinatong niya ang cake sa kama at mabilis na nagbihis. Tumakbo na rin siya palabas.

"I love you Mandy, please believe me," nagsusumamong sabi ni Gordon sa babae habang tila buong pagmamahal na niyakap ito. Patuloy namang humihikbi ang babaeng tinawag na "Mandy."

Muli siyang nanigas. Hindi na niya namalayan ang mga luhang umaagos mula sa kanyang mga mata. How could this be happening? Surely, masamang panaginip lamang iyon?

She pinched her arm. It hurt. Pero higit na masakit ang nadarama niya.

Hindi pa rin namamalayan ng mga ito na naroon na rin siya sa sala.

"But, who is she?" tanong ni Mandy habang patuloy na humahagulhol.

"Nothing. Sshh..." Hinaplos ni Gordon ang buhok nito, pilit itong pinatatahan.

Nothing? Bakit hindi na lamang siya nito sinampal?

"Gordon?" mahina niyang tawag dito.

Lumingon ito sa kanya, gayundin si Mandy.

"Get out! Get out now!" pagtataboy nito sa kanya.

"Gordon, I-I deserve some explanation, too," saad niya kahit gumagaral na ang tinig.

"Isn't this explanation yet, Ingrid? I'm sorry, I really am. But I just can't stand you anymore. You irritate me to the hilt. Damn it, Ingrid. You're worse than a slut. Look at yourself!"

Napatingin siya sa suot niyang damit. Tube iyon na hapit na hapit sa katawan niya at skirt na maikli. But so what? Nakilala na siya nito na ganoon. Akala pa naman niya ay tanggap siya nito bilang siya.

"No decent man would ever want you, Ingrid. No decent man!"

Hindi na siya nakasagot dahil bumagsak na ang luha niya. Mayamaya ay naramdaman niyang nalaglag sa kung saan ang contact lens ng kaliwa niyang mata, ngunit halos hindi na niya iyon alintana. Masagana ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga pisngi.

"And now you came here in my house, wearing almost nothing? Would a decent woman do that?" galit na sabi nito.

"H-how c-c-could you say that? I-I'm your g-g-girlfriend?" Pumiyok siya.

"Is that what you think? You're not my girlfriend. I'm neither stupid nor crazy. Sumakay ka pala sa biro ni Mon. But what should I expect? Siguro, sanay ka na napapasagot kaagad sa kaunting biruan lang. A word of advice, Ingrid, ayusin mo ang sarili mo at baka sakaling may matinong lalaking pumatol sa iyo," galit nitong sabi.

Tumakbo siya patungo sa pinto, mabilis na lumabas. Patuloy na umaagos ang luha mula sa mga mata niya. Patuloy na umaalingawngaw sa pandinig niya ang mga binitawan nitong salita.

"No decent man would ever want you, Ingrid. No decent man!"

"A word of advice, Ingrid, ayusin mo ang sarili mo at baka sakaling may matinong lalaking pumatol sa iyo."

Sa Pagngiting Muli Ng Puso - VanessaWhere stories live. Discover now