NAMANGHA si Ingrid nang makitang pumasok sina Ona at Chuchi sa library. Kapwa may dalang malalaking plastic bags ang mga ito na ang print sa labas ay pangalan ng dalawang sikat na fast food chains. Lumapit ang mga ito sa kanya.
"Good afternoon, Miss!" masayang bati sa kanya ng mga ito.
"Girls, hindi naman por que pinayagan ko kayo kahapon na kumain dito sa loob, aaraw-araw n'yo na!" Hindi niya natiis na hindi magtaas ng boses.
"Miss, you are very much mistaken. Hindi naman sa amin ito, eh," ani Chuchi, sabay pang bumungisngis ang mga ito.
"Stop giggling!" saway niya. "Saka five minutes na lang, isasara ko na itong library. Hindi na kayo puwedeng mag-stay rito."
"Miss, sa iyo nga pala itong mga dala namin," ani Ona. Ipinatong ng mga ito ang dalawang malaking plastic bags sa ibabaw ng mesa niya. Kapwa bumu-bungisngis pa rin.
"What? Why?" nagtatakang tanong niya.
"Kay Sir Gabe na lang ninyo itanong. Toddleloo!" paalam ni Ona at sabay nang umalis ang mga ito, nagbubulungan pa at tila kinikilig. Nakasunod lamang ang tingin niya habang palabas ang mga ito ng library. Nang makarating ang mga ito sa pintuan, nakita niyang pumasok naman si Gabe. Nag-high five pa ang tatlo.
Nakangiting lumapit sa kanya si Gabe. "Hello," bati nito sa kanya.
"H-hi. Sa iyo yata itong mga ito?" alanganing sabi niyang itinuro ang dalawang plastic sa harap niya.
"Yeah, sa atin iyan. Sabi mo kasi kahapon, baka marami kang gagawin. So, tutulungan kita and since hapon na, I'm sure gutom ka na," paliwanag nito.
"You shouldn't have bothered," nahihiyang sabi niya.
"Oh, c'mon, Ingga. Kaunti lang naman iyan."
"Kaunti?" natatawang sabi niya.
"Yeah. Malakas akong kumain, eh." Binuksan nito ang isang plastic at inilabas ang laman niyon. "Burgers, fries, fried chicken, onion rings, spaghetti and my favorite, baked potato!"
"Hindi ka rin naman gutom, ano?" nakangiting tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. "Medyo lang." Binuklat nito ang isa pang plastic. "Large Coke pero may iced tea rin. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo. Meron ding sundae dito. Chocolate, vanilla at strawberry. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang gusto mo. Bumili na rin ako ng Blizzard sa Dairy Queen, baka kasi ito ang gusto mo."
Natawa na siya nang tuluyan. "Ang dami, grabe. Paano natin ito mauubos?"
"Well, I invited those two," anitong nakatingin sa pintuan. Nakita niyang naroon pa sina Ona at Chuchi. "Sabi nila, itanong ko raw muna sa iyo kung payag kang kumain din sila rito."
"Oh, my goodness!" Natutop niya ang noo. "Come in!" tawag niya sa dalawang dalagita.
Nang makalapit ang mga ito sa kanila, kumuha ng dalawa pang silya si Gabe at iniharap iyon sa mesa niya.
"Wow! Ang dami naman nito," nasisiyahang sabi ni Ona.
"My favorite! Strawberry sundae. Galing mo naman, Sir Gabe!" sabi naman ni Chuchi.
Napailing na lamang siya. Paano ba naman niya maiiwasan si Gabe samantalang may nakuha na itong kakampi? Dalawa pa.
"Patatabain natin si Miss Ingga, okay ladies?" ani Gabe sa mga ito.
"Okay!" sabay na sabi ng mga ito.
"Gabe!" saway niya.
"Oo nga pala, sexy ka na," kantiyaw nito sa kanya.
Namula naman siya.
"Tell me, ladies," baling nito kina Ona at Chuchi. "May nanliligaw ba rito kay Miss Ingga?"
YOU ARE READING
Sa Pagngiting Muli Ng Puso - Vanessa
Roman d'amourIngrid used to be carefree. Ngunit nung ipamukha sa kanya ng lalaking minahal niya na kailanman ay walang lalaking totohanin sya, parang bigla siyang natauhan at natakot. She became so neservod and a real Miss Prim and Proper. Naging sobrang organiz...