Umuwi ako ng bahay ng may mapansin akong sasakyan sa labas ng bahay kaya na isip ko na agad na baka nandito na naman si tita Michelle, actually hindi ko talaga siya gusto mukha siyang mabait pero na fe feel ko sa kaniya hindi tlga siya mabait alam mo yung parang mama ni Cinderella ganern.Pag lapit ko sa pintuan ay narinig ko na parang nag tatawanan sila at para bang kumurot yung puso ko ng maalala ko yung nakaraan kasama pa si mommy.
"Pa" tawag ko ng mahina at ng mabuksan ko ang pintuan at pag tingin ko sa harapan ay nakita ko sina tita Michelle at si daddy at ang hindi ko inaakalang tao na makikita ko dito sa bahay .
"Ali?! " gulat na sabi ko.
Parang kumurot ang puso ko ng makita silang nag tatawanan na parang bang nabuo na ang kanilang pamilya at lalo ng maalala ko lahat ng kwinento ni ali sa akin.
Lumingon sila sa akin ng humakbang ako papalapit sa kanila "oh , yeshy nandito ka na , let me introduce you my daughter si Ali nga pala and siya ang magiging ka..." pinutol ko ang sinabi niya na "magkakilala kami" at tumalikod ng hinawakan ako ng daddy. "bastos ka kausap ha! bat ka agad tumalikod, hindi mo man lang binati yong bagong pamilya mo" galit na sabi ni daddy.
Tinignan ko si Ali na nagulat din pero parang nangibabaw ata ang galit niya sa akin kasi ang pag kaka alam niya anak ako sa labas eh siya naman talaga yung anak sa labas at hindi ako.Tinignan ko si daddy at sinabing
"Hindi ko naman po atang kailangan bumati sa bagong pamilya mo dad nakakahiya nga kasi ang saya-saya niyo pa kanina eh naudlot lang ng dumating ako, sorry sa inyo ha! " sabay tingin sa mag ina.
Iniwan ko sila at pumasok sa kwarto at dali daling isinara ang pinto at umupo sa likuran ng pintuan.
"Ma" bulong ko sa sarili habang humihikbi "pagod nako ma , bakit mo ba kasi ako iniwan?!.. " nasasaktan ako ng makita ko si ali kasama ang daddy ko na sobrang saya at dun lang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni ali na nakita niya na ang totoo niyang daddy. Totoo pala tlaga yong naririnig ko sa away nila mommy at daddy noon, siya pala yung kabit at anak sa labas.
" Bakit si ali pa?!.." bulong ko ulit , hindi ko talaga inakalang yung nag iisang taong tinuturing kong kaibigan at kakampi sa buhay ay anak sa labas ng papa ko .Umiiyak lang ako hanggang sa makatulog.
Hanggang sa dumadaang araw pinipilit ko lang kalimutan lahat ng tanong na pumasok sa utak, lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam bat wala akong alam sa lahat, dahil siguro takot akong masaktan , takot akong maniwala sa lahat na nangyayari sa buhay ko o dahil hindi pa talaga ako handa na masaktan ng lubusan at tanggapin lahat-lahat.
Pumasok ako sa room ng makita ko si ali na halatang pinag chi chismisan nila ako. Hinayaan ko lang sila ng marinig kong ng mag salita siyang "malandi kasi ang ina kaya nabuo" habang mataray na naka tingin sa akin. Nagulat ako sa inaasta niya . Nag-iba ang kaniyang dating parang naging hambog siya na hindi ko na siya makilala pero hinayaan ko na lang kasi pagod na akong maki pag-away sa walang kwenta niyang sinasabi.
Pag labas ko sa gate ay nakita ko si xyrel na naka-tayo sa labas ng gate. Nagulat ako ng biglang mag tama ang aming mata kaya uwiwas kaagad ako ng tingin.
"Yeshy" tawag niya na ikinagulat ko.
Lumingon ako at bigla na lang siyang ngumiti . Napa ka gwapo niyang ngumiti para siyang anghel na nahulog galing sa langit.
"Are you okay!?.." nag aalala niyang tanong.
Nagulat ako, kasi bigla na lang siyang nakipag usap sa akin eh noon araw nga eh ayaw na ayaw niya mapa lapit sa akin.
"Bat moko kinakausap?!..Akala ko ba hindi mo ko type?!.." sabi ko habang seryosong naka tingin sa kaniya.
"WTH!! hindi porket kinakausap na kita, type na kaagad kita " he laughed kaya naging visible ang kaniyang dimple.
Tinignan ko lang siya at naramdaman ko na lang na nawala lahat-lahat ng hinanakit na nararamdaman ko.
"Aba malay ko, papansin ka kasi eh" seryosong sabi ko habang nakatingin sa malayo
"Bat ang lungkot mo ngayon? Alam mo kain na lang tayo, treat kita kasi wala akong kasama, ang bored kaya pag ikaw lang mag isa yk what i mean right? tara" seryosong sabi niya sa akin at hinawakan ang aking kamay upang magsimula ng mag-lakad
"Alam mo para kang may sakit, bigla bigla ka na lang naging mabait sa akin eh ang sungit-sungit mo nga eh " naka ngusong sabi ko habang naglalakad
"Well, ayaw mo ba? Magkaroon ng bagong friend? Eh parang friendless ka kasi kawawa ka naman diba? I mean i have a good heart kaya we can be friends " sabi niya habang tumatawa
"Bully kang hayop ka! " sabay irap sa kanya
"Ang bad mo naman, oh nandito na tayo!!. " tinuro niya ang hintuturo sa isang kainan habang naka ngisi
"Bat ang OA? " naiinip na sabi ko pero sa kalooblooban ay masaya talaga ako kasi I didn't expected this kind of attitude sa kanya kasi mukha talaga siyang attitude, nakaka gulat nga kasi biglang bumait sa akin at nakakapagtaka pero hindi ko na lang inisip ang mga bagay-bagay.
Naka upo na kami sa mesa ng mapansin kong pumasok si Ali kasama ang mga new friends niya habang nagtatawanan tumingin siya sa amin at inirapan
"Kapatid mo ba?" biglang tanong ni xyre
Nagulat ako sa tanong niya kaya tinignan ko siya ng masama kasi wala pa naman atang nakaka alam na half sister ko siya "what do you mean? " I asked curiously
"narinig ko lang " depensa niya ka agad
"Kanino" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya
"sa kanila, I mean nag uusap sila magkakaibigan tapos sabi ni ali kapatid daw kayo" sagot niya hapang sinusubo ang megoreng.
Naalala ko na magka pareha nga pala sila ng school noon kaya tinanong ko siya
"Kilala mo si ali? " tanong ko habang pinag halo-halo ang batchoy ko tinignan ko siya kasi ang tagal niyang sumagot magsasalita na sana ako ng bigla siya mag salita
"Alam ko lang name niya and I'll answer that question as NO at teka lang ang dami mo namang tanong interview bato?! " pabalik niyang tanong at ginulo ang aking buhok
"Abay hayop ka tagal-tagal kong inaayos ayos tong buhok ko tas sisirain mo" naiinis kong sabi sa kaniya at na puno na lang kami ng tawanan hanggang sa ihatid niya na ako sa bahay
Pagpasok ko sa loob ng bahay nagulat ako ng may makitang madaming maleta at napagtanto na mukhang titira na sila dito sa bahay at pumasok na lang sa kwarto ko.
Nagtaka ako sa pagpasok ko ng nakitang nakahiga so Ali sa kama ko.
"What the hell?!!" kunot noo kong tanong sa kanya
"Can't you see? Malamang ako ay naka higa. Stupid! " pilosopong sagot niya
"I decided na dito na lang yung kwarto ko naki usap ako kang daddy and he was fine with it, at fyi yung kwarto mo nandun sa kwarto ng mga maids" walang pake niyang sabi.
"Baliw ka ba? Babalik bukas si manang
nuh, eh kwarto niya yun bat ko aagawin hindi naman ako kagaya mo mang-aagaw" inirapan ko siya."Anong babalik eh gaga ka ba, na fired na kasi may bagong hired na maid" nangbaasar na sagot niya.
"Ikaw ba yun?! Well, bagay kasi sayo hindi naman nakakapagtataka.." tinalikuran ko siya at narinig ko na lang ang kaniya maliit na sigaw sa inis habang ako ay lumalakad papalayo.
" Shoot! ako ba yong magiging katulong?!! " bulong ko sa sarili habang napapapikit sa galit .
YOU ARE READING
Forgetting You
RandomA woman who hasn't moved on from her ex because of their unexpected breakup. Years later, he returns, but he doesn't recognize her. Will she just keep hoping for Xyre until the end because she believe that it's still have a chance?