SimulaChocolates
"Birthday baby boy!"
I grinned as I held onto the earring on my left ear, feeling a surge of confidence that if I had to punch whoever this animal was calling me that, I wouldn't even care. Lalo na't napatingin ang ilang tao sa gawi ko at kinakain agad ako ng hiya.
"Gago ka!" natatawa kong sabi nang hinarap ko ang isang nakangising lalaki at tinanggap ang regalo sa nakalahad niyang kamay.
He looked around, and when he saw that we were gaining attention, his smirk grew wider. "Why so hot-headed, my birthday baby boy?"
I smirked too. "Isa pa, babanatan na kita." Maangas kong sabi at tumango pa.
"Okay, okay!" he laughed, raising both of his hands in the air in a gesture of surrender before smiling at me. "Happy birthday, dude!"
Ngumiti rin ako at tinapik ang balikat niya. "Nandoon na sila sa table. Hintayin niyo na lang ako, aasikasuhin ko muna ang mga bisita."
Tumango siya at tinapik din ang balikat ko bago nagpunta sa table kung nasaan ang iba pa naming mga kaibigan. Umiling ako bago nagpatuloy na bumati sa mga bagong dating lang.
"Isaac!" malawak na ngiti ng isang babae ang nakita ko sa gilid ng mata ko, mukhang kararating lang.
Sumimsim muna ako sa wine na kinuha ko kanina bago ko siya nilingon. May kasama siyang lalaki pero nasa kaniya ang atensyon ko dahil talaga namang nakakaakit siyang pagmasdan ngayon kumpara noon. I smirked as I scanned her from head to toe. The red dress that fits her hourglass body, the perfect defined curves, her high heels, her angelic make-up, her revealing collarbone, and her hair that shines through was unbelievably stunning.
"Sabrina!" tawag ko pabalik at nilahad ang dalawang kamay para yakapin siya.
Sabrina is my high school friend, and crush actually. I tried courting her but she's one of those girls that you couldn't actually get. Well, at least for me. Hindi naman sa mahina ako sa babae, pero talagang mailap ang isang 'to noon. I have done stupid things just to get her attention, but it still didn't work.
After high school, she moved to London. Doon niya tinuloy ang pag-aaral niya at nawala rin naman ang nararamdaman ko dahil do'n.
She hugged me back. "Happy birthday, Isaac! Grabe ang guwapo mo talaga!"
Umismid ako. "Kaya ka siguro pumunta kasi gusto mo makakita ng guwapo?"
Nahagip ng mata ko ang lalaking nakasunod sa kaniya dahil may kung ano itong kinuha sa bulsa ng pantalon niya . Napansin ko rin ang nakaangat niyang isang kilay habang ginagawa iyon.
"Kung guwapo lang din naman ang usapan, doon na ako sa mga kaibigan mo! Their names aren't tainted as yours!" she said disgustingly, almost joking, as if my tarnished name has some kind of a virus a human can get.
Kumalas si Sabrina sa pagkakayakap sa akin kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para luwagan ang necktie na suot ko. I was dressed in a white long-sleeve shirt, the sleeves rolled up to my elbows. Two buttons were undone, allowing my necktie to hang loosely around my collar. I chose to not wear my coat for now, planning to put it on later when the party reaches its peak, but I don't really want to wear it.
Ngumiwi ako at inirapan siya. "Mas malala ang mga gagong 'yon sa akin. Baka wala pang nakakarating sa'yo at sa'kin pa lang?"
Umangat ang isang kilay niya kaya naman inangat ko rin ang isang kilay ko.
"Whatever!" maarte niyang sabi at binigay sa akin ang isang paper bag.
"Ano 'to?"
"Bomba?"