Kabanata 3

1.1K 73 19
                                    


Kabanata 3

Distracted

"Oh, ba't nakabusangot ka na naman?" si Ayessa nang makalabas siya ng restroom.

I simply shook my head, a smirk playing on my lips. I licked my lower lip, then ran my fingers through my hair, trying to shake off the tension and maintain my cool.

"Wala. Tara na," sabi ko at nauna nang naglakad.

She tried to get my attention, and she even ran so she could level me, but my mind was already occupied.

Tang ina. Anong ginagawa ng lalaking 'yon dito? Huwag mong sabihin na pati siya ay lilipat dito? Ganoon ba niya kagusto si Sabrina at hanggang dito ay susundan niya?

I scoffed while my brows were still furrowed. At ano ba ang problema niya sa akin at ang angas angas niya? I can sense it. Hindi ako manhid. Nararamdaman kong parang... ayaw niya sa akin. Bakit?

"Sandali nga, Isaac! Ang laki ng mga hakbang mo!" Hinihingal si Ayessa nang huminto siya sa harapan ko.

I checked my silver watch and noticed that our first class would start in just five minutes.

"Ano bang problema mo?" Ayessa arched her brow.

Ngumuso ako at umiling. "Wala nga."

"Whatever!" maarteng sabi niya at naunang naglakad.

Her favorite line. Umirap ako. I followed her in complete silence, choosing not to say anything about what happened earlier as we made our way back to our classroom.

Bumabagabag pa isip ko kung bakit nandito ang lalaking 'yon. Baka nandito rin si Sabrina? Well, it's not a surprise that he might have followed her, given his obvious interest in her, it wouldn't actually surprise me.

"Did you happen to run into Sabrina while you were here?" I asked, trying to hide my curiosity about the potential connection between Sabrina's presence and Lavin's arrival. "Kanina ka pa nasa school, right?"

Ayessa stopped walking, and when she turned to me, her eyes were already twinkling. Umirap ako at umiling. Nagkita na sila.

"I have so many chika! Sa room na tayo magkwentuhan at sasabihin ko sa'yo ang nangyari kanina! Dali!" she walked again but stopped when she noticed something. "Shit! Kailangan pala ng professor natin 'tong papel!"

Natataranta niyang binigay sa akin ang papel na hawak niya kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Pakibigay kay sir Mike, please," she smiled sweetly. "Pagbalik mo sasabihin ko sa'yo ang mga nalaman ko tungkol sa kaniya. Alam ko namang interesado ka pa rin kay Sab."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I'm not even interested with her. Napasama pa yata ang pagtatanong ko sa kaniya kahapon dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya ngayon.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ka naman malalate. Ang sabi ni Sir ay may kakausapin lang siya at hintayin natin siya sa room," she urged more.

"Then let's wait for him? What's the point of giving this crap to him now?" I arched my brow.

"Kailangan nga ni Sir ang papel," she rolled her eyes. "Sige na, please? I will treat you later! May kailangan lang akong puntahan," she waved her hand and smiled at me.

Umiling ako at napakamot ng batok. Damn this girl. Ginawa pa akong utusan at alalay niya. Ang guwapo ko naman at ang swerte niya kung papayag ako?

"Fine," labag sa loob at labas ko ang pagpayag ko.

Lumawak ang ngiti sa labi niya at mabilis siyang nawala sa paningin ko. Ako naman ay hindi alam kung saan pupunta lalo na't hindi niya sinabi kung saan ko mahahanap ang professor namin. Fuck. Lilibutin ko pa yata ang buong campus para lang mahanap ko siya.

Under the Blazing Chaos (Chocolates and Kisses Series #1)Where stories live. Discover now