T.F.L.o.V. #01
[CHAPTER 02][Jian Green De Abosado Zamorano]
-The Zamorano's-
*knock* *knock*
"Pasok." Baritong sagot ko sa kung sino mang kumakatok.
"Hi Love." Bati sa 'kin pero alam ko kung sino dahil isang tao lang ang tumatawag sa 'kin nang ganon si Lola.
"Hi Lovey!" Exited na bati ko sa kanya dahil minsan lang kami magkita dahil sa lumang bahay s'ya nakatira sa hacienda nila ni Lolo kaya bihira lang s'ya dito at medyo na bawasan ang kaba sa dibdib ko dahil nandito s'ya, tumayo ako at lumapit nang may ngiti sa labi at niyapos s'ya nang mahigpit na parang kumukuwa nang lakas habang nakahilig ang ulo ko sa balikat ng Lola ko.
"Miss na miss kita Lovey." Panlalambing ko sa kanya.
"I never thought na mas mauuna ka pang magpakasal kay Vion." 'Di makapaniwalang salita n'ya kaya medyo natawa ako pa'no ba naman isa kaya s'ya sa nagdesisyon na ituloy ang nagpaka-sunduuan ng Lolo ko't kaibigan n'ya at ang masaklap do'n sa Limang mga junakis ni 'Tokyo Zoryen Ignacio Zamorano' ako pa ang nagpagdiskitihan well nag-presinta talaga ako pero mukhang 'meant to be' talaga dahil sino ang mag-aakalang naka-apat pa ako na dapat ay isa lang ang usapan.
"Lovey naman 'di ba nga sabi mo nga noon na magiging mabuti akong asawa kaya ngayon ako ang binigyan ng asawa, ang nangyari nga lang masyado namang napa-aga at apat pa." Pabirong sagot ko sa kanya na sabay naming ikinatawa.
"Pagbutihin mo apo dahil 'di biro ang apat habaan ang pasensya lalo na't dadaan ang apat na 'yun sa paglilihi at ikaw ang unang maaring makatulong sa kanila kaya alagaan mo silang mabuti at ang mga magiging anak mo." Pagpapangaral ni Lovey sa akin.
"Tatandaan ko po lahat ng sinabi n'yo lalo na po yung isa do'n." Makahulugang sagot ko ka'y Lovey na ikinakunot ng noo n'ya.
"Alin do'n apo? yung alagaan ng mabuti ang mga magiging anak mo, tama 'yun." Tanong, sagot ni Lovey kaya napa-ngiti ako.
"'Di ho." Mabilis na sagot ko sa kanya.
"Eh ano?" Tanong muli ni Lovey.
"Eh 'yung pagbutihin ko po, 'wag kayong mag alala Lovey pagbubutihin ko pa po para makarami pa kayong apong maabutan." Tarantadong sagot ko ka'y Lovey na kaagad akong nakaramdam ng malakas na hampas sa braso at mahapding kurot sa tagiliran.
"Aba lokong bata ka, parang gusto mo na atang mawala ako sa mundong 'to, ayus-ayusin mo kung ayaw mong lamasin ko ng sili 'yang bibig mo, o s'ya mauuna na ako sa baba at titignan ko ang mga ihahada para sa mamaya, apo mahal mahal ka ni Lovey." Inis na sabi ni Lovey bago maging sweet ang paalam HAHAHAHA bipolar din siguro s'ya.
Ang advance naman ni Lovey, mukhang na ba akong ikakasal sa kanya.
Parang pinamimigay lang ako sa kapit bahay.
"Ako din lovey mahal din kita kaya 'wag mo akong iiwan intinde." Paalala ko sa kanya bago s'ya umalis, humalik muna ako sa pisngi n'ya sabay humarap sa babies ko.
Oh... oh... kalma 'yung mga dogs ko yun.
"Ngayon mga babies tayo na lang ulit, papaliguan ko muna kayo dahil may dalawang oras pa naman bago n'yo makilala ang mga future mommies n'yo." Pagka-usap ko sa dalawa kong aso pero ang isa bigla na lang nagtago sa ilalim ng kama ko sa kadahilanang takot itong maligo o sa madaling salita tamad lang s'yang maligo.
"Don't worry buddy mamaya ka pa si Hershey, muna bago ikaw." Pagpapakalma ko sa duwag kong puting aso.
"Hershey baby let's go." Pagtawag ko sa itim kong aso na agad n'yang ikinasunod, such a good girl always.
YOU ARE READING
THE LARDIZABAL'S OF VERDE [POLYAMORY]
FanfictionRIFLE USER | R-18 JIAN GREEN 'VERDE' DE ABOSADO ZAMORANO