HOWARD
Maaga ang pagbalik ko sa palasyo ngayong araw. Gagawin ko ang lahat upang makamtan ang titulo na iyon at makatrabaho ang papalit sa hari.
Yesterday was so much work. Inisa-isa kaming kausapin ni General Souliere. Hindi naging madali ang interview. Hindi ko inaakala ang mga makakaharap ko kahapon.
Pagkapasok ko sa silid ay nanlaki ang mga mata ko. Hindi lang si General Souliere ang andito, pati na rin si Haring Rustov Wainwright at Prinsipe Colson Wainwright.
Heto ba ang dahilan kaya balisa ang mga lumalabas sa silid na ito pagkatapos harapin ang Heneral?
"Howard Pinsburgh, twenty-five, an orphan from the Wesch Orphanage of Town Prukkehiya. This is some profile you have, boy," he paused then gave me a quick glance before looking back at the royals. "I'm surprised that your application went through. Not every applicant without a title manages to step foot and work alongside the Wainwrights."
Pinagpawisan ako ng malamig dahil alam ko ang ibig sabihin nito. Bihira lang na kumuha ang mga Wainwright ng trabahador rito na walang titulo sa kanilang pangalan. The only way to work here without any status is to either become a gardener, a butler, or a chief. And I don't have those qualities.
Sa paglusot naman ng aking resume ay may dahilan.
"Leandro," tawag ni Haring Rustov sa Heneral. "I let his application pass. The Queen vouched to his presence, and I found out that he is also a valuable person at Town Fah-zi Trrou and the People of the Monarch System."
"Oh, so he was the infamous Pinsburgh that mother have talked about the other day." Prince Colson said in a bemused tone.
I did help the Queen with a simple chore. She visited the orphanage not long ago. She brought toys, clothes, and food supply to the children and nuns. I noticed that Queen Rowan was having a hard time carrying a box full of toys. I politely took it from the Queen and asked her to get a rest and leave it to me.
"What's your name?"
"Howard Pinsburgh, po."
"Ilang taon ka na? Anong ginagawa mo rito sa bahay-ampunan?"
Napakamot ako sa likod ng aking ulo at ngumiti sa reyna. "Mula noong sanggol pa lamang ako ay dito na ako naninirahan. Mahigit dalawang dekada na ako rito."
"Oh, my! Ikaw na pala iyan, Howard! Ang laki mo na!" Natutuwa nitong saad sa akin.
Matagal na akong kilala ng reyna. Noong limang taong gulang ako ay napaparito na siya. Dinadalhan niya kami ng mga pagkain, damit, at mga laruan gaya ngayon. Noong hindi pa siya naikakasal sa hari ay kilala ang mga Romano sa Town Prukkehiya. Their family is known for their trading business and antique collections. A posh and gallant family.
"Hindi na kita nakilala. Noong huli kitang nakita ay noong labing-lima na taong gulang ka?"
"Opo."
"Natutuwa akong makita ka muli. Saan ka na nagtatrabaho, iho?"
Napangiti ako ng mapait at saka umiwas ng tingin sa reyna. "May mga panahon ay nasa kabinete ako ng mga Tao. Nakitaan nila ako ng talento noong huling nagkita tayo. Ginabayan nila ako at pinag-aral ng ilang taon. Tapos noong labing-walo ko ay nag-training na ako sa Town Fah-zi Trrou. Nagbabaka sakaling may kukuha sa aking ibang mga kaharian upang magtrabaho sa kanila. Ngunit hindi ako nagwagi kaya nangangalakal ako, nangingisda, o hindi kaya ay nagbubuhat ng mga kalakal na dumadating dito."
BINABASA MO ANG
The Royal Spin Off: The Beginning of Princesses
Historical FictionHere's to the princess who is known for all the beginnings. ⏳⏳⏳ "Cordiellia, I can't stand it anymore." "Neither can I, Howard." "What do you think we should do?" "You stay. I'll go." "No! I won't let you!" "You have to. It's the only way."