MASAYANG nag lalakad sa gitna ng palayan ang magkasintahang sina Jhoanna at Darius, kakababa lamang nila sa Jeep na kanilang sinasakyan galing sa Manila. patungo sila sa tahanan nila Darius kung saan ay nasa dulo pa ito ng mahabang palayan na kanilang tinatahak. Ang Daan ay medyo kaliitan kasya lamang ang Isang Tryccle,
Bitbit sa Isang balikat ni Darius ang malaking Traveling Bag at ang Isang kamay naman ay ang medyo may kaliitang sako Bag. Habang nasa kanyang likuran ang kasintahang si Jhoanna na dala naman ang backpack at shoulder bag nito.
Nasa isang kamay nito ang Isang dosenang dounat na pasalubong nila para sa magulang ni Darius.Galing sila ng Manila kung saan sila nag kakilalang dalawa.
Isang Sales Lady ng Bag Boutique si Jhoanna sa Mall habang bagong hire na Gwardya naman dito si Darius.
Unang pag kakita palang ni Darius sa Dalaga ay talagang nahumaling na agad siya dito.
Napaka simple lang naman kasi ng Hitsura nito. May suot na manipis na make up ang siyang lalong nag palabas ng taglay na kagandahan ng dalaga, ngunit ang mas pabighani kay Darius ay ang malulusog nitong dib dib at ang ganda ng kurba ng katawan nito.
Ilang buwan ding nag tyaga ang binata sa panliligaw nito sa dalaga, ilang beses din siyang halos sumuko sa panunuyo Dito, Hanggang sa maging sila na nga.
Napag alaman ni Darius na Wala nang mga magulang si Jhoanna at tanging ang kuya nalang nito at ang bunsong Kapatid na lalake ang kasama sa buhay.
Nangako naman si Darius na hindi niya mamadaliin ang dalaga na mag desisyon na sila ay mag sama.
Pero Isang araw nag karoon ng problema si Jhoannna, napaaway daw sa kanilang ka boardmate ang kaniyang Kuya, ang masakit pa duon ay pamangkin ito ng may ari ng paupahan.
Kayat pinapaalis na sila duon.
Dahil mahal ni Darius si Jhoanna at inoffer nya Dito ang kanyang apartment na sakto naman para sa kanilang apat.
Sakto kasing umuwi na sa kanilang probinsya ang kambal ni Darius na si Darwin na kasama nito dati sa nasabing apartment dahil end of contract na ito sa Factory na pinag tatrabahuhan nito at mas pinili na umuwi nalang sa kanila para makasama ang kanilang magulang.
Naging okay naman sila.
Nakasundo naman ni Darius ang Kuya at kapatid ni Jhoanna. Humingi pa nga ng paumanhin sa kanya ang una dahil baka maging pabigat lang ang mga ito kay Darius. Ngunit Hindi naman iyon naisip ng huli lalo pat alam naman niyang may trabaho ito.
Walang problema sa bunso dahil mabait naman si Joshua, kasalukuyan itong 2nd year high school." Kuya Darius? Maganda ba sa Probinsya niyo?" Naalala niyang tanong sa kanya ni Joshua Isang may kapayatan, maputi at medyo kulot ang buhok na ang taas ay 5'4 at Ang edad ay dise syete. Kahit nasa ganitong edad na ito ay nanatili parin itong bata kung ituring ng mag Kapatid lalo na ng panganay na si Kram.
" Oo naman Bunso, tahimik at presko ang hangin," nakangiti niyang sagot.
" Ate, kapag bakasyon, pasyal naman tayo sa Probinsya nila Kuya Darius. Para maiba naman nag sasawa na ako tuwing bakasyon nasa Bahay lang tayo." Ang wika ni Joshua sa Ate niyang si Jhoanna .
" Josh, alam mo naman na di pa kami pwede mag leave sa work diba. " Sagot naman ni Jhoanna. Na siya namang ikinabago ng expression ng mukha ni Joshua.
"Hayaan mo, kapag next bakasyon mo uuwi tayo sa amin." Ang pangako ko naman dito.
Tumango lang si Joshua at pinag patuloy ang pag kain."Mahal, ang bilis mo mag lakad." Ang boses na nag pabalik kay Darius sa kasalukuyan.
Hawak ni Jhoanna ang braso Niya, huminto si Darius sa pag lalakad , ibinaba Ang mga dalang bag at saka humarap sa kasintahan Bago ngumiti." Hindi ka parin nasanay sa akin. Alam mo naman na ganito ako kapag maglakad. Tsaka excited lang ako mahal." Sagot naman ni Darius sa kasintahan. Napayakap naman si Jhoanna sa braso ni Darius.
" Hal, okay ka lang ba.? Malapit na Tayo." Ang wika ni Darius. Ng mapansing tila nanahimik ang Dalaga.
Ngumiti naman si Jhoanna.
" Oo naman, excited na nga ako makita sina Tito at Tita at ang kambal mo. Di ko man lang kasi naabutan ng lumipat kami sa inyo. Sa picture ko nalang nakita." Sagot naman ni Jhoanna.
" Baka mahirapan kang makilala samin kung sino ang magiging asawa mo. " Natatawang sagot naman ni Darius. " Halos lahat ng kapitbahay namin nalilito eii kung sino ang Darwin at Darius." Wika pa nito.
" Hal, kahit maging triple pa kayo. Alam ko kung Ikaw o hindi. Sa amoy mo palang." Sagot naman ni Jhoanna.
Sandali pa ay may nadaanan na silang mga bahay. May iilan ding tao ang binabati ni Darius, at patuloy sa pag lakad.
" Malapit na tayo Hal." Wika nito.
" Kuya..." Wika ng Isang lalaking tila naging salamin ng wangis ni Darius.
Napalingon dito si Jhoanna at Darius galing ito sa isang maliit na kubo saka nakangiting kinuha ang Sako bag na dala ng binata.
" Saan sila Nanay?" Tanong ni Darius.
" Hi Ate Jhoanna" sa halip sagot naman ni Darwin na nakangiti sa dalaga.
Ngumiti naman si Jhoanna Dito. Habang na mamangha dahil kamukhang kamukha talaga ito nang kanyang kasintahan.
Di hamak na mas maputi lang si Darius sa kambal, marahil ay nabilad na ito sa araw ng matagal dahil narin siguro sa pag gagapas ng mga damo o ano pamang pag bilad sa araw sa araw araw. Ang kanilang height ay talagang mag kapareho, ganun din ang hugis at laki ng katawan.
" Kamote ' Asan kako sina nanay.?" Naiinis na tanong ni Darius.
"Sa Bahay Kuya. Kanina pa yon nag aantay sa inyo. " Sagot naman ni Darwin at nag patiuna nang nag lakad patungo sa kanilang tahanan. Habang bit bit ang sako bag na dala ni Darius kanina.
" Kumusta naman dito sa atin? Baka naman nag papasaway ka lang dito kanila nanay aa." Ani Darius sa kambal.
" Hala si Kuya. Ngayun lang ako naalis sa Bahay, dahil dumating si Baste galing Singapore," sagot naman ni Darwin. Si Baste ay matalik na kaibigan ni Darwin na kababata nilang pareho ngunit mas naging mas malapit lang kay Darwin.
Si Darius kasi ay hindi pala kibo nung mga bata pa sila mas ibig pa nito ang nagsosolo mag laro noon." Aa. Mabuti at naalala niya ring umuwi." Aniya.
Patuloy Silang nag lalakad habang katabi niya si Jhoanna at hawak ang kamay nito habang nag lalakad silang tatlo. Si Jhoanna naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang pinag uusapan." Nag end of contract nadin daw kasi siya Kuya.
Inaaya niya nga ako na mag apply din sa agency nila dahil maganda raw dito.
Next month kasi babalik naman siya sa ibang bansa pero sa Swiden naman daw siya." Masayang balita ni Darwin." Nasasaiyo yan Tol." Sagot ni Darius .
Sandali pa ay nakarating na nga Sila." Nay. Andito na sila Kuya." Ang sigaw ni Darwin.
Isang hindi katandaang babae ang sumilip sa maliit na bintana na ubod saya ang masisilayan sa Mukha.
Sa ibaba ng silong ng Bahay ay dumungaw naman ang lalaking nasa edad 50 na may kapit na manok ang nakangiti rin sa kanila.
Hindi alam ni Jhoanna pero masayang Masaya siya nang makita ang buong pamilya ni Darius.
BINABASA MO ANG
BAYAW
RomanceSa Hindi inaasahang pag kakataon, Iibig sa Hindi inaasahang Tao. Pag ibig na magiging sekreto at patuloy na itatago. Hanggang saan kayang ilihim Ang pag mamahal kung pwede Naman itong ibulgar Matatanggap ba Ng lahat? O hahayaang maging lihim nalan...