BAYAW 2

164 2 0
                                    


MABILIS na umakyat nang hagdan na gawa sa kawayan ang tatlo.  Habang inalalayan ni Darius ang kasintahan sa pag akyat ay si Darwin narin ang nag dala nang isa pang bag na bitbit ng kambal.

" Mabuti naman at nakauwi na kayo."  Matapos makapag mano si Darius at Jhoanna.

Nakangiting wika ni Aling Olivia Ang Ina ni Darius at Darwin.  Kasalukuyan itong may niluluto bago sila dumating.

" Opo Nay, medyo natagalan lang kami sa byahe dahil nasiraan ang Bus " sagot naman ni  Darius. " Pakatapos, ang tagal naman napuno nang Jeep patungo dito sa atin." Dugtong pa nang Binata.

" Kumusta ka naman Ija? Pasensya kana sa Kubo namin at medyo nasira na sa tagal ng panahon " anito kay Jhoanna.

" Okay lang po.  Maganda nga po rito at tahimik. Isa pa ay presko po. " Sagot naman ni Jhoanna. " Tama po si Darius sobrang magugustuhan ko dito." Aniya

" Kumusta ang byahe anak?" Tanong ni Mang Dario. Habang nag pupunas ng pawis gamit ang  tila lumang damit nito.

Agad na tumayo si Darius at nag mano sa ama. Ipinakilala naman niya si Jhoanna sa ama at nag mano rin dito ang dalaga.

Kahit nasa edad sengkwenta na ang matanda ay nasisilayan parin ito ng kakisigan.
Mula sa mukha, tindig at pananalita. Na siyang namana ng kambal dito.
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ng dalawang matanda sa pag dating ng dalawa sa kanilang tahanan.

" Mag  meryenda muna kayo at tamang tama luto na ang nilagang saging na niluto ko." Anang Ina ni Darius. " Aayusin ko lang saglit ang kwarto niyo ni Jhoanna anak. " Wika pa ni Aling Olivia.

" Darwin halika at tulungan mo ako, may ipapabuhat ako sayo." Tawag nito kay Darwin. Sumunod naman dito ang binata.

Naupo ang magkasintahan sa sofa na yare sa kawayang pinahiran ng barnes.
Sa likod ng sofa ang may kalakihang bintana na kung saan masisilayan ang lawak ng palayang pag aari ng magulang nila Darius.
Sandali pa ay masayang nag balitaan ang buong pamilya. Matapos maayos ang kwarto.

Naikwento narin ni Darius sa mga magulang na ibig na rin niyang manirahan duon Kasama si Jhoanna.
Ibig nyang mag negosyo ngunit pinag iisipan pa nilang mag kasintahan kung ano.
Gayong hindi naman ganun karami ang Tao sa Baranggay nila.

Natuwa naman ang mga magulang ni Darius. Dahil Hindi na aalis ang kanilang anak.

Sumapit ang gabi
Tahimik na nakadungaw si Jhoanna sa bintana nang kanilang silid. Nakatingin sa kalangitan kung saan ay marami ang kumikinang na bituin.
Bumukas ang pinto ng kwarto at naruong nakatayo si Darius.
Nakatapis lang ito ng tuwalyang puti sa ibabang  bahagi Ng katawan, dahil katatapos lang nito maligo, Ang  kanilang banyo ay nasa ibaba sa may likod ng Bahay

" Mahal Hindi kanaba mag sa shower.? Malamig na mamaya!" Ang tanong ni Darius sa kasintahan.  Naupo si Darius sa papag na kanilang tutulugan.

Nakatingin si Jhoanna sa kanyang pinakamamahal na si Darius.
Iba ang kakisigan ni Darius. Ang hulma ng katawan nito na tila inililok ng Isang sikat na mang uukit.
Ang dibdib nitong namumutok na pinarisan ng walong pandesal sa tiyan. Ang utong na mamula mula na masisilayan dahil sa taglay na kinis ng katawan nito .
Ang mascle nitong ubod nang tigas na nag sasabing safe siya tuwing yayakap ito sa kanya.

Si Darius ay may di kakapalang kilay ang ilong na kasing perpekto nang ilong ng ibang lahi.
Manipis na labi na penarisan ng malalim na biloy na palging matatanaw sa kanyang pag ngiti.

Muling tumingin si Jhoanna sa kalangitan.

" Naiisip ko lang sila Joshua. Isang araw palang akong nalayo sa kanila. Namimis ko na agad sila. " Malungkot na wika ng dalaga.  " Kumusta kaya sila duon.  Nakauwi na kaya si Kuya,  ano na kayang ginagawa ni Josh ngaun?" Ani Jhoanna.

Lumapit si Darius sa kasintahan saka niyakap ito mula sa likod. Ipinatong ang baba sa may balikat nang dalaga saka nag salita.

" hayaan mo Mahal. Sa susunod makakabakasyon din naman dito sina Bayaw Kram at Joshua.  Diba iyon din naman ang sabi ni Bayaw.  Mag leleave daw siya para makapasyal naman sila dito. Kapag bakasyon daw ni Joshua." Ani Darius.

" Hindi lang ako sanay na di sila Kasama" tila naiiyak nang sagot ni Jhoanna.

" Wag ka mag alala mahal okay lang sina Bayaw. Tsaka di naman pababayaan ni Bayaw si Josh. " Ani Darius.

" Maligo kana sa baba at para makatulog na  tayo. " Wika ni Darius.  Ngumiti si Jhoanna saka hinila Ang tuwalyang nakatapis sa kasintahan, sagulat ay napahiga si Darius kayat  tuluyang tumambad kay Jhoanna ang natutulog na Junior  ni Darius. Ngumiti ang dalaga na may pang asar saka tinungo ang aparador at kinuha ang Tuwalya na gagamitin naman niya para tuyuin ang kanyang buhok mamaya. Saka nag paalam na sa kasintahan at lumabas na nang kwarto .

Samantala bigla nanamang naalala ni Darius ang mga panahon nila sa Manila.

May mga panahon na nag tatalo sila ni Jhoanna at laging Taga payo ni Darius ay ang Kuya ni Jhoanna.

" Bayaw, wag mo sanang susukuan ang Kapatid ko. " Wika ni Kram. Kasalukuyan silang uminiinom ng alak ng gabing iyon. At nang mga panahong iyon ay nag katampuhan silang magkasintahan, napag pasyahan ni Jhoanna na makitulog Muna sa katrabaho nitong babae. Kayat lalong nainis si Darius. Pero wala naman siyang balak hiwalayan or iwan si Jhoanna, Hindi sa ganun kababaw na dahilan lang.

" Wala naman ako balak sumuko Bayaw. Kung sana nuon pa nung mga panahong nanliligaw pa lang ako sa kanya. Mga panahong sinusupladuhan mo palang ako." Nakangiting sagot naman ni Darius.

Sumandaling napatigil si Darius dahil seryosong nakatitig sa kanya ang kanyang Bayaw na tila may malalim na iniisip.

Sandali ring napag masdan ni Darius ang mukha nang panganay na Kapatid ni Jhoanna, may maliit pa itong nunal malapit sa labi.  Medyo maliit ang mata ni Kram, parang mata ng Isang babae sa ganda. Ang ilong ay hindi naman ganun katangos pero masasabi mong okay na. Ang kilay ay medyo sabog na makakapal ang hibla.

" Okay ka lang ba Bayaw? " Tanong ni Darius ng mapansing hindi parin umiimik si Kram.

" Aww sorry Bayaw, medyo nahihilo na kasi ako. " Kapagdaka ay sagot nito, saka dahan dahang tumayo.

" Oh saan ka pupunta?"  Nag tatakang tanong ng Binata kay Kram.

" Iihi, sasama ka?" Ani Kram. Napatawa naman si Darius.

" Hindi na Bayaw. Kaya mo na yan, malaki kana. " Ani Darius.

" Oo Bayaw, malaki din ang akin. " Natatawa namang sagot ni Kram.

" Gago, kung ano ano pinag sasabi mo, umihi ka na nga duon. " Ani Darius. Saka tinungga ang bote ng san mig light na kanilang iniinom.

Natatawa namang tumungo ng banyo si Kram.

Bumalik sa kasalukuyan si Darius ng makaramdam siya ng biglang pag kirot ng hita niya. Kinagat pala siya ng lamok.

Agad na bumangon ang binata kumuha sa tokador ng Boxer Brief na isusuot bago matulog. Nang masuot ito ay  muling nahiga ang binata hanggang sa hindi inaasahan ay naidlip siya.

Naalimpungatan si Darius ng tila may humahaplos sa kanyang dib dib.  Bahagyang kumukurot sa kanyang utong.
Sandali pa ay narramdaman niyang pababa na ang paghaplos nito papunta sa kanyang kaselanan, kayat minulat ni Darius ang kanyang mata, laking gulat niya ng makita ang tila nananabik na si Kram. Ang mata nitong tila nag mamakaawa na kanya itong pag bigyan.

" Hal, .. gising. " Boses ni Jhoanna.

"Panaginip lang pala," wika ni Darius sa kanyang isipan.

BAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon