Luella's POV
"Kapag nakita kitang kinulang sa tela sa araw na 'yon, Rose. I will fucking rip all your clothes!"
Paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Dante kahapon. Kaya hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko ba itong binabalak namin ni Janice.
Nakakaloka kasi si Janice, e, isa lang naman ang lamang namin sa botohan. Siya sana iyong mananalo kaso ayaw niya, gusto niya maging tao-tao lang sa event. Support gano'n. Napasampal na lamang ako sa aking noo. Wala ka talagang mapapala sa babaeng iyon, ganda lang talaga ang kaya niyang I-ambag.
Hayss.
Habang nakatayo sa tapat ng MMalls, pinagmamasdan ko ang mga tao na naglalakad-lakad. Punta doon, pasok dito at balik saan. Nakakaloka. Nakakasilaw din at nakakaitim ang sikat ng araw. Mukhang tag-init ngayon kasi hindi ko pa nararamdaman ang ulan. Ilang months na, ang damot naman. Chos! Kulang lang po talaga ako sa dilig.
Nilibot ko ang paningin sa paligid.
Dinig ko ang malalakas na tawanan at mga boses ng mga tao sa loob pero ang mga mata ko ay nakatuon kay Janice na kasalukuyang nagmamadali pabalik mula sa kaniyang sasakyan. May nakalimutan daw siyang kunin. Hindi niya sinabi.Ipinangako niya na gagastusan niya ako sa pageant na aabangan ng lahat sa susunod na linggo. Siya ang tipo ng tao na laging may magandang plano at may tiwala sa kaniyang sarili, pero bulakbol pagdating sa klase. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, ang tamad-tamad. Nakakapagtaka nga't lagi siyang pumapasa.
Ano kaya ang sekreto niya?
Habang hinihintay ko siya, naisip ko ang mga damit na bibilhin namin. Paniguradong bibili iyon ng mga sexy at kita ang kaluluwa. Gusto niyang mapansin kaagad ako ng mga tao. Maarte kasi siya sa mga damit, lagi kong napapansin ang revealing niyang suot, mamahaling alahas at bags. Hindi naman bago sa akin iyon dahil halos mga mag-aaral sa Dreamweaver University gano'n, tulad niya. Halos mayayaman.
"Tangina naman ang mga ito! Ayaw pa kasi sumama ni Mang Ben. Kakainis. Luella!" rinig kong tawag ni Janice mula sa likuran ko. Nang lumingon ako, nakita ko siyang may dalang malaking shopping bag na puno ng mga bagong damit. Malaki pa ang kaniyang ngisi na para bang tuwang-tuwa sa araw na ito.
Tsk. Sino ba namang hindi matutuwa, aber? Gagawin ba naman akong barbie.
Kumunot ang noo ko. "Ang dami naman niyan!"
"Nakakainis nga e! Ayaw sumama ni Mang Ben. Gusto niyang sunduin 'yong pinsan kong si Maraya,"
"Maraya?" parang narinig ko na ang pangalan na 'to. Saan nga ba?
"Maraya Sustania Montessori, Luella. 'Yong sikat na artista. Oo pinsan ko 'yon!"
Nanlaki ang mata ko. "Seryoso? Pinsan mo 'yon? Shocks! Kaya pala ang ganda mong gaga ka!" mangha kong sabi habang inaalala saan ko nakita si Maraya. Napanood ko yata ang dating interview niya sa TV6. Hindi ko lang maalala kung kailan iyon. Matagal na kasi. Isa pa, matagal na rin sa showbiz si Maraya. Hindi lang siya artista, kundi model, singer at kilalang writer din. Oo, sikat na sikat ang babaeng iyon. Lagi ko siyang sinusubaybayan noon sa TV6. Natigil lang noong may kumalat na issue kasama ang kaniyang non-showbiz na boyfriend. Hindi nilabas sa social media ang iba pang rason ng pagkawala ni Maraya sa showbiz. Gano'n din ang impormasyon ng kaniyang boyfriend.
"Bumalik na siya sa showbiz?"
Mabilis siyang umiling. "Hindi na siya babalik, Luella. Wala siyang maalala."
"What do you mean?" anong walang maalala?
"Na aksidente siya five years ago. Nahulog sa bangin ang sinasakyan niyang itim na van kasama ang kaniyang boyfriend na si Kendric Orson Welles na kasalukuyang namamahala sa KW Company. Yes, they are both alive pero hindi maalala ni Maraya ang lahat. We found her sa Benguet kasama ang kaniyang gupi-guping sasakyan. Tinulungan siya ng mga tao doon, akala nila patay na kaya sinugod nila sa hospital. Mabuti na lang buhay pa ang pinsan kong gaga. Dinala namin siya sa America kinabukasan. Doon namin pinagpatuloy ang paggagamot sa kaniya. When we found out that she lost all her memories, labis kaming nasaktan. Lalo na ang ama at ina nito. Galit na galit si Tito sa pamilyang Welles, kaya ipinangako nitong wala sinuman sa mga Welles ang makakaapak muli sa pamilya namin. Limang taon ang ginulgol namin sa America para lang bumalik sa dati ang sigla ni Maraya tapos guguluhin lang ni Kendric? No way! So, nag-desisyon si Tito na pabalikin na siya ng Pilipinas. Gusto daw nito ipagpatuloy ang sinimulan nitong kurso noon. Hindi natapos dahil pumasok kaagad sa showbiz ang gaga. Hindi ko naman siya masisisi, marami talagang gustong kumuha sa kaniya. Maganda, mayaman, matalino at kilala ang pamilya." Nagkibit-balikat siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/362753212-288-k852961.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unwritten Thesis
Roman pour AdolescentsIsa lamang simpleng babae si Luella Rose Jacinta. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang tinuturing anak ng kaniyang magulang ay ang kakambal nitong si Luenna Ambrose Jacinta. Nang nalaman niyang magpapakasal ang kaniyang kakambal sa mga Salvatore...