4

472 23 9
                                    

Valentine Kim Santos

Ito na naman. Another day, another struggle. Hindi pa rin ako makapaniwala na kailangan ko na namang pumasok sa school. After taking a day off yesterday dahil sa sobrang sakit ng katawan ko, ngayon, here I am again, dragging myself out of bed.

Anong oras na ba? Alas singko pa lang ng umaga. Ugh, too early. Pero kailangan ko magluto ng umagahan. Kahit paano, kailangan may energy akong maipon for the day ahead.

Napaisip ako habang nakahiga pa rin sa kama. Kung tatanungin niyo kung nasaan si Isabella Luningning, well, as usual, wala siya. Hindi siya umuwi kagabi. Malamang ay natulog na naman 'yun sa jowa niya. Mga pisti. Swerte naman nila, habang ako rito, pilit binubuo ang sarili.

With a heavy sigh, I finally forced myself up and trudged to the bathroom to wash my face. Pagharap ko sa salamin, napatingin ako sa repleksyon ko. Messy hair, eyebags, mukhang sabog... Teka, may something ba sa leeg ko?

Agad kong hinila pababa ang kwelyo ng damit ko. Oh my God.

"Putangina!"

Mukha akong polka dots?! Ano 'to, kurtina namin? Polka dots version?! Who the hell— Oh my God, Paano ko 'to itatago ngayon? Summer na summer, sobrang init ng panahon!

After dealing with my mini panic attack, nagdesisyon akong itago na lang ang mga marka. Pagkatapos ko sa banyo, nagpunta na ako sa kusina para magluto ng noodles. Wala naman akong kasama, so this should be enough for breakfast. Pero habang niluluto ko ang noodles, hindi ko maiwasang mag-isip sa nangyayari sakin nuong nakaraang araw. Naku, humanda ka talaga sakin mamaya Luningning! Isama ba naman ako doon sa club without warning, edi gumising akong nasa ibang bahay!

Matapos kong kumain at mag-ayos, lumabas na ako para pumasok sa school. Naka-turtleneck ako kahit na ang init-init para lang matago itong mga marka sa leeg ko. Sinubukan ko ring takpan ng foundation 'yung ibang parte, pero hindi pa rin sapat. Damn it.

Pagdating ko sa school, 7:20 na ng umaga. Ang dami nang estudyante sa loob ng kanilang rooms. At syempre, ang room namin ay nasa 4th floor. Hihingalin na naman ako sa pag-akyat nito.

*/Beep!*

"Ay itlog mo!" Napahiyaw ako sa gulat nang may biglang bumusina sa likod ko. Tarantado! Kita mo namang may nadaan na tao, oh!

Dahil sa inis, agad akong humarap para pagsabihan 'yung tao. Punyeta 'tong busina, ba't ba kailangan mo pang manggulat?

"Hoy! Ikaw, kita mong may daan dito, diyan mo pa idinaan yang motor mo! Tanga ka ba?!" I pointed to the parking area where the cars of the teachers and some students were. "Doon mo 'yan idaan, hindi sa likod ko!"

The person was wearing a helmet and a jacket. Nagulat ako nang bigla itong nag-stand ng motor at bumaba.

"I'm sorry, wai— It's you!" Turo nito sa akin.

What the— Anong "It's you"?! Who the hell are you?

Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ng mabuti. "Ha? Pinagsasabi mo?Anong ako?" Turo ko sa sarili ko.

"Don't you remember me?" tanong niya sa akin. Aba, eh di sana nga kilala kita kung alam ko kung sino ka, di ba?

"Tatanungin ba kita kung kilala na kita?"

"Wait," dali-dali nitong tinanggal ang helmet niya.

My jaw dropped. Holy— Ang ganda niya!

Teka, pamilyar 'yung mukha niya... Shit.

"Do you remember me now?" tanong ulit nito, now with a bright smile. Napakurap-kurap ako, desperately trying to process what was happening.

No. It can't be... Siya 'yun? Siya 'yung babaeng... Oh God.

"A-Ah, h-hindi po eh, s-sige po una na po ako. Baka malate po ako sa first subject." I stammered, trying to make a quick exit.

Shit, anong ginagawa niya dito?! Hindi ko pwedeng ipakitang naaalala ko siya. Hindi pwede. Oh God, oh God, anong gagawin ko?

Nagmadali akong tumungo sa building kung nasaan ang room namin. Mabilis ang bawat hakbang ko, pero parang ang bagal ng oras. Bawat pintig ng puso ko, parang lalo akong kinakabahan. Late na ako! What if 'yung terror teacher pa 'yung first subject namin this second sem? Mapapahiya ako for sure!

Saan na ba si Luningning? Jusko, Lord, help!

"Hey! Baby, wait!"

Ha? Did I hear that right? Baby? Ako? Sino? Asan? Kailan?

I stopped walking and looked behind me. She was running towards me. Oh God, why is she running towards me?! Lumingon-lingon ako sa paligid ko, yikes, natapat pa ako sa room. Shuta, lahat ng estudyante nakatingin sa akin, pati na rin 'yung guro.

This is bad. This is really bad. Ano'ng gagawin ko? Malamang kakalat ang pangalan ko.

"Baby, do you really not remember me?" She was breathless but still managed to look effortlessly cool as she spoke.

"H-Hoy! Pinagsasabi mong 'baby'? Tumigil ka nga! Hindi nga kita kilala, tsaka sino ka ba? Saan tayo nagkita? Paano kita nakilala?" Sunod sunod na pagtatanong ang ginawa ko.

"I'm Victoria Yu Valdez. We met at GxC," she said, a huge smile plastered on her face. "You're the one who approached me and sat on my lap and said 'fuck m—'"

In a panic, I slapped my hand over her mouth before she could finish that sentence.

What the hell! Napaka-straightforward naman nitong babaeng 'to! Walang filter 'yung bunganga!

Hinila ko siya palayo kung saan walang estudyanteng nakakakita. Wala na, late na talaga ako sa first subject namin, nakakairita! Nasa malapit na kami sa CR.

I checked the surroundings to make sure no one was around before I confronted her.

"Pwede ba? Tigilan mo ako. Hindi ako pumunta sa GxC na pinagsasabi mo, at! Hindi nga kita kilala. Baka kamukha ko lang 'yun nakilala mo don." I said, crossing my arms, trying to sound convincing.

But inside, I was screaming. Ang dami nangyayari like anong ginagawa nya dito?!

She just stood there, staring at me like she could see right through my lies. What the hell? Ano 'tong titigan with me?! Late na ako, ate! Shuta ka!

"Gets mo ba? Sabi ko hindi kita kil—"

I couldn't even finish my sentence before she pushed me against the wall. Her face was so close, I could feel her breath on my skin. What is happening?!

"Then if you can't remember me, maybe kissing you will make you remember me, right?"

Ha? Ano daw? Bakit ba kasi English ka ng English, te? Wala na akong naiintindihan! Stop Englishing me! Hindi na nag f-function utak at this moment.

I was trapped between her arms, unable to move. Her eyes were gentle but intense, sending shivers down my spine. And then, before I could protest, she leaned in and kissed me.

It was quick, but the impact was intense. Parang nawalan ako ng lakas, at parang tumayo lahat ng balahibo ko.

Malakas ko siyang itinulak, dahilan para umatras siya. "Putangina mo?! Manyak! Bastos! Tulon— hmmppp"

She quickly covered my mouth again, still smiling at me like she found the whole thing amusing.

Oo na te, alam kong maganda ka, but that doesn't mean you can just kiss me out of nowhere!

Ay ano ba itong pinagsasabi ko? Argh! Nakakainis ka! Valentine wake up! Sinubukan kong alisin 'yung kamay niyang nakatakip sa bibig ko, pero 'di hamak na mas malakas siya sa akin. Naka tsansing na naman 'tong babaeng 'to.

"That lips really fit mine. I remember that lips. Stop pushing me away and insisting you don't remember me. I memorized every inch of your body after that night, okay?" She said, grinning before letting me go. "See you later, baby."







————
Hi gays, it's me Gaze HAHAHA

Sorry for typos, errors and wrong grammar.

VOTE:>

Thank you!

FUNNY VALENTINE Where stories live. Discover now