6

419 25 10
                                    

Valentine Kim Santos

Ang bilis ng pangyayari, as in mas mabilis pa sa... mas mabilis pa kay Victoria Yu Valdez na nandito ngayon. Ano ba 'to?! Nakaupo ako, pero parang hindi ako komportable sa kinauupuan ko. ‘Yung spaghetti na anemic na binili ko, nandiyan pa rin, untouched. Hindi ako makakain ng maayos—parang natutuyo yung lalamunan ko, kahit malamig naman sa canteen.

Yung ingay ng canteen, parang unti-unting nawawala. Lahat ng tunog, lahat ng tao, biglang naging blur. Hindi ako makahinga. Si Victoria, nandito sa tabi ko, naka-angkla na ‘yung kamay niya sa beywang ko. Yung kapit niya, hindi masakit, pero para bang may invisible na tanikala na nagbibigkis sa katawan ko.

Tangina naman.

Ang titig ni Ning, parang gusto na akong ibaon sa lupa. “You owe an explanation.”

"Valentine, bakit parang tahimik ka?" tanong ni Ning. Napatitig ako sa kanya, pero parang nawawala ako. Usually, ako ‘yung madaldal, pero ngayon, hindi ko mahagilap ‘yung boses ko.

Bago pa ako makapagpaliwanag, eto na naman si Victoria. "Oh, she's just a bit shy today, right baby?" sabi niya, sabay himas sa braso ko. Lumapit pa lalo si Victoria, para bang sinasadya niyang ipakita sa lahat ng nasa paligid na ako ang pagmamay-ari niya.

Sabatera ba ‘tong hunghang na ‘to.

Pilitin ko mang kumawala, pero mas mabilis siya. "Aw, baby, don’t be so distant," sabi niya in that teasing voice. "Hindi ka ba masaya na magkasama tayo ulit? I miss you…”

Well, ako hindi. At hindi ako masaya na nandito ka sa tabi ko.

"Ano ba? Tumigil ka nga," sabi ko, mas mahina kaysa sa inaasahan ko. Kailangan kong pigilan ang kaba sa boses ko, pero nakakainis na ako pa yung naiipit dito.

Akala ko, mga subject lang ang poproblemahin ko—pero hindi, dito ako masi-stress, sa babaeng ‘to.

“Why are you not eating your food? Do you want me to feed you?” Nakatingin siya sa akin, her head tilted in that annoying, teasing way.

Girl, saksak mo sa baga mo yang spaghetti na anemic.

“Wala akong gana. Tsaka pwede ba, tigilan mo na ako,” sabi ko, halos pabulong. Pero syempre, parang wala siyang narinig. Hinigpitan pa niya ang pagkaka-akap sa beywang ko. Yung mga tao sa paligid namin—si Amara, si Ning, at ang ibang kaibigan namin—lahat sila napatingin. Mukhang nagtataka ‘yung iba, pero si Ning, halatang litong-lito na talaga.

Naguguluhan si Ning. Wala akong time para magpaliwanag.

Nag lalambingan sila ngayon kaya 'di nila kami masyadong pinapansin. Sa harap ko pa talaga nag subuan ng pagkain. Pa'no naman ako?

Parang pusa itong si Victoria, basta na lang sumugod at yumakap. Ngayon, hindi ko na alam paano haharapin si Ning.

Wait, Ning, I can explain. Pero paano? Maging honest na ba ako? May oras ba para doon? Ewan ko na. I mean hindi pa nasasabi yung nangyari sakin nuong nakaraang araw, hindi ko pa kukwento sa kanya.

At putangina, ito pa si Amara. Si Amara, na girlfriend ni Ning— pinsan pala niya itong si Victoria! Mas lalo akong napahigpit sa upuan.

Nabanggit ni Amara kanina she was like 'Hi Val, meet my cousin Victoria.'

Ito namang Victoria na'to 'No need to introduce I already know her na, right baby?'

Like tinalo pa si flash, ang bilis ng pangyayari.

“Ning…” Pilit kong hinahanap ‘yung boses ko, pero natigil ako nang biglang ibinagsak ni Victoria ‘yung ulo niya sa balikat ko. Mas humigpit pa ang pagkaka-akap niya sa beywang ko. Napapikit ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FUNNY VALENTINE Where stories live. Discover now