simula ng ikaw ay nakita
si kupido akoy pinana
nasilayan, napangiti di maalis ang atensyon sa mga mata
tinanung ang sarili kung ikaw na nga ba?
buong araw di ka maalis sa aking isipan
di malaman kung anu ba ang nararamdaman
matalino, maganda at tunay na hinahangaan
mundo koy tumitigil ng dahan dahan
sana ngay mapansin ang aking damdamin
nararamdaman ko sayoy aking aaminin
kung anu mang sagot yan ay aking tatangapin
uu sana yan ang aking hiling
papasayahin kita yan ang pangako
di kita paiiyakin at sasaktan ang puso
maaasahan mu at laging nasa tabi mo
kasi ang mundo koy iikot lang sayo