Boss Amie 2.1

90 9 0
                                    

Kinuha ni Celestine ang kaniyang phone. Tinawagan niya si Mrs. Uganda Bellona—ang stepmother ni Trivan.

"Tita, narito siya! Nagkita na sila. Ano'ng gagawin ko? Baka malaman ni Trivan ang totoo!"

"Will you please calm down, Celestine! Kasalanan mo rin 'yan, e. Sinabi ko sa 'yo na bantayan mo si Trivan at huwag mong hayaang umalis ng Vegas. pero anong ginawa mo? Nakababad ka sa parlor with your friends kaya natakasan ka niya!"

"Okay, I admitted. It's also my fault. Hindi ko alam na may plano siyang umalis ng Vegas at magtungo rito. Akala ko ba wala siyang ideya sa lahat. Bakit nalaman niyang narito ang babaeng 'yon?"

"What do you expect? Trivan has his own connection. Nagtataka rin ako kung bakit ngayon lang niya naisipang hanapin ang babaeng 'yon."

"So, what should we do?"

"Huwag kang aalis sa tabi ni Trivan. Bantayan mo ang mga kilos niya. Huwag mo siyang palalapitin sa babaeng 'yon. Ako na ang bahala sa ibang bagay."

"Sure, Tita. Gagawin ko 'yan. Hindi ako papayag na mapunta sa wala ang dalawang taon kong pagtitiis na mapansin ni Trivan. Hindi ako papayag!"

"Kung noon mo pa 'yan ginawa, hindi sana siya naghanap ng asawa para ipakita sa 'yo na hindi ka na niya mahal. Kung bakit kasi nahumaling ka sa ama ng anak mo. Iniwan ka lang naman."

"Don't mention that asshole, Tita. Naiirita ako kapag naaalalang pinagpalit niya ako sa isang katulong."

"At least ngayon, nalaman mong mahal mo pala si Trivan. Alam kong may puwang ka pa rin sa puso niya. Konting tiis lang, Iha. Mapupunta ulit sa 'yo ang puso ng step son ko."

"I'm looking forward on that, Tita. Kapirasong papel lang naman ang kalaban ko e. Magagawan natin ng paraan 'yon."

Nang matapos ang pag-uusap ni Uganda at Celestine, lumabas sa silid si Celestine. Walang pakialam nitong iniwan si Zekkie sa loob. Galit siya sa bata dahil sa ginawang pag-iwan sa kaniya ng ama nito. Mabait lang siya rito kapag nakatingin si Trivan. Kung hindi lang niya nagagamit si Zekkie para mapalapit kay Trivan, matagal na niyang ibinigay sa bahay ampunan ang bata. May silbi pa ito ngayon kaya titiisin muna niyang makasama ito hanggang tuluyang bumalik ang pagmamahal ni Trivan para sa kaniya.

***

Samantala, nagmamadali si Amie pabalik sa inookupang silid. Naalarma siya nang makita ang berdeng tuldok sa tracking monitoring ng phone niya. Gusto niyang masiguro kung totoo ang nakita niya. Binuksan niya ang computer. Mabilis siyang nagtipa para alamin ang kanyang hinala. Konektado sa satellite ang mga gadgets niya kaya madali niyang nalaman ang kailangan na impormasyon.

"Bakit narito siya?" Nakakunot ang noo at gimbal niyang tanong sa sarili.

Kumpirmadong nasa mismong resort ang araw at gabi niyang binabantayan. Alam niyang nasa bansa ito, pero hindi niya inaasahan na pupunta ito sa lugar kung nasaan siya ngayon.

Ilang kumbinasyon sa keyboard ang muling pinindot ni Amie para kumonekta sa isang numero.

"Uncommon call. I know it's you. How are you, Ms. Aguilon?" pormal na boses ng isang matandang lalaki ang sumagot sa kaniya sa kabilang linya.

"It's been a while, Mr. Bellano. Can I ask you a favor?"

"You're still the same, Amie. I like you for being straightforward. What favors do you want from me?"

"Can you send me your son's photo?"

"I wasn't expecting that. With your connection, you can get whatever you want."

"We have a deal, Mr. Bellano. When it comes to your son, I must ask your permission to know about him except for his location which was part of our contract."

FORTRESS AGENT SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon