Ans.YES

1 1 0
                                    

EPISODE 23

"Anong balak mo ngayon? Bakit ba kase nagpapadala ka din sa init ng katawan mo,ayan tuloy...hindi mo na màgawa ang gusto mong paghihiganti sa kanya." Si Shawn kausap ni Divine,at nahuli sila ni Ivan na magkausap...

"Anong pinag-uusapan nyo?Gabi na ah! Saka bakit nandito ka pa Shawn,akala ko kasabay ka na ni Calvin umuwi?" Ang tanong pa ni Ivan...

"Pauwi na din,Sabi ko Kay Calvin mag commute na lang ako." Anan ni Shawn...

"Kaya nga Sabi ko Kay Shawn wag na muna syang umuwi kase baka mapano sya sa Daan." Anan naman ni Divine...

Nakaalis na si Shawn at umakyat na si Ivan sa Kwarto nya...sumunod pa sa kanya si Divine...

"Galit ka ba?" Tanong pa ni Divine...

"May karapatan na ba akong magalit?" Tanong ni Ivan...

"Bakit naman hindi?" Anang sagot ni Divine...

"Ibig bang sabihin nyan sinasagot mo na ko?" Tanong pa ni Ivan...

"Oo,eh! Wala naman akong magagawa pa...dalawang beses mo na Kong nakuha...kaya bakit ko pa papahirapan ang katulad mo." Anan ni Divine...

"Alam mo ba kung Gano mo ko napasaya?" Anan ni Ivan...

Sinagot man ni Divine si Ivan para lang pagdudahan ni Ivan si Divine at Shawn...

Pero pano kung ang pagkakamali ay Maulit sa unang pangyayari.

Dalawang bwan ng hindi dinadatnan si Divine,at sa wari nya ay dahil iyon sa nangyare sa kanila ni Ivan ...

Habang pagkain...

"May problema ba?" Tanong ni Ivan ng sumugod si Divine sa sink.

"May nakain yata akong masama." Anan ni Divine...

"Gusto mo ba dalhin kita sa hospital para ma check up ka." Tanong pa ni Ivan...

"Hindi na,wag na...ok lang naman ako " anan ni Divine...

Tuloy sa pagsusuka si Divine at sa tingin ni Ivan ay nagbunga na ang kanyang mga plano...

Ang plano na mabuo na ang pamilya nya kasama ang anak nila...

"May lalakarin pala ako sa probinsya." Anan ni Ivan at nagulat si Divine...dahil Tila wala naman Yun sa mga listahan o schedule ni Ivan...

"A-anong gagawin mo sa probinsya? At saka anong probinsya ang pupuntahan mo?" Tanong ni Divine...

"May nakapagsabi sa kin na nakabalik ang anak ko sa bahay nila.Kasama si Ayesha."anan pa ni Ivan at natigilan si Divine ay nabitawan pa nito ang baso kaya naman nabasag iyon...

"Oh! Ok ka lang?" Tanong ni Ivan...

"O-oo ok lang ako," ang sagot pa ni Divine...

"Parang namumutla ka yata baby ko." Anan pa ni Ivan...

"Bakit kailangan mo pa talagang mahanap ang anak mo?" Tanong ni Divine...

"Syempre para mabuo na kami.Tayo.i... I mean mabuo tayo na kasama sya." Anan ni Ivan...

Hindi na nakasagot si Divine...

Kinakabahan na si Divine sa mga susunod na mangyayare...

Kaya naman habang nasa probinsya si Ivan ay pinagkaabalahan naman ni Divine ang pagkakaroon nya ng morning sickness...bumili sya ng P.T para masubok kung Tama ba ang hinala nya.

At nang matugon ang kanyang hinala ay...

"Hindi ...hindi pedeng buntis ako...hindi ito maaari,anong gagawin ko?"  Pagtatanong pa ni Divine sa sarili nya ng makita nya ang results ng P.T na hawak nya...

EPISODE 24

Habang nasa probinsya si Ivan...matunton nya si Ayesha...at...

"Ate Ayesha..." Anan ni Ivan ng makita nya ito...

"I-ivan...A-anong ginagawa mo dito?" Tanong pa ni Ayesha...

"Gusto ko lang makita si Joaquin,at alam ko ng anak ko sya Kay Aryana." Anan ni Ivan...

"Bakit hinahanap mo pa si Joaquin,di ba tinalikuran mo na siya...nasa tyan pa lang sya ng kanyang ina." Anan ni Ayesha...

"Pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko noon,ate Ayesha...gusto ko ng makasama ang anak ko at gusto ko ng mabuo ang pamilya ko." Anan ni Ivan...

At lalabas si Joaquin mula sa loob ng bahay...

"Tita Ayesha...kuya Ivan?" Anya ni Joaquin ng makita si Ivan ay tuwang-tuwa ito...

"Joaquin..." Ang masayang tugon ni Ivan...

"Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong pa ni Joaquin...

"Ate Ayesha...please...pede mo ba kaming pagbigyan na makabonding namin ang isa't- Isa?" Tanong pa ni Ivan...

Wala ng nagawa si Ayesha dahil hindi na nya maitatago pa dito na ito ng anak ni Aryana...

"Gusto mo ba sumama sa akin sa Manila?" Tanong ni Ivan...

"Opo,gusto ko po yun."anang sagot ni Joaquin na masayang masaya pa...

"Tapos pagdating mo sa Manila marami Kang makikita dun na mga laruan na gusto mo,malaki ang bahay mo dun." Anan ni Ivan habang namamasyal sila ng bata...

"Eh! Kuya Ivan...wala pa po ba kayong anak? Asawa po? O kaya jowa." Ang pilyong tanong ni Joaquin...

"Meron na...alam mo pagdating mo sa Manila papakilala kita Kay tita Divine mo." Anan ni Ivan...

"Tita? Bakit po tita? Kapatid po ba sya ni tita Ayesha,or kapatid din ni nanay Aryana?" Tanong pa ni Joaquin...

"Hindi..." Anan ni Ivan...

Muntik ng madulas si Ivan...Nagka bonding ang mag ama...binili ni Ivan ang lahat ng gusto nito...mga laruan,pagkain,at damit.

"Nga pala Joaquin,nakilala mo ba ang mama mo?" Tanong pa ni Ivan...

"Opo,gusto nyo po bang makita si nanay?" Tanong pa ni Joaquin...

At sa nakasabit nyang Camera makikita ang iba't-ibang klase ng larawan na kinukuhanan  ni Joaquin...at matutukoy ni Ivan ang pangarap ni Joaquin,

"Mahilig Kang mag picture,gusto mo bang maging photographer?" Tanong pa ni Ivan Pero bigla na lang nalungkot si Joaquin...

"Bakit malungkot ka?"tanong pa ni Ivan.

"Gusto ko po kaseng maging sikat na photographer para mahanap ko po ang tatay ko.Pero ayaw po ni nanay."

Natigilan si Ivan at nalungkot din bigla...

"G-ganon ba? G-gusto mo ba ako na lang ang tatay mo?"anya ni Ivan at natuwa naman si Joaquin...

"Talaga po,eh! Di ibig pong sabihin may tatay na ko.Yeheeyyy..."ang masayang tugon ni Joaquin...

"Nandyan ang larawan ng nanay mo,may picture ka dyan?" Tanong pa ni Ivan...

"Opo,marami nga PO nagsasabi Kay nanay na maganda sya Pero gusto ko lang si nanay kay tatay." Anan pa ni Joaquin.

At saka binuksan ni Ivan ang digital camera,at ang makikita nya dun at si Aryana...

Ang Hinala ay natuldukan ng Isang larawan...at ang hinala ay naging makatotohanan.Kaya ang hinala ay tatapusin ng Isang Pag ibig na walang hanggan...

Ngayong alam na ni Ivan na si Aryana nga ang kasama nya sa loob ng anim na taon...masaya pa din ang pakiramdam nya dahil sinamahan sya nito...sa pangungulila nya dito...

Humingi ng permiso si ivan Kay Ayesha na dadalhin nya si Joaquin sa Manila...at di na ito tumanggi dahil gusto na din naman tapusin ni Ayesha ang pagpapanggap ni Divine...

Meet Me Half Way-Yoonminstory-(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon