Ivan meet Joaquin

10 2 0
                                    

EPISODE 7:

Nasa pulang bato na ang grupo ng banda ni Ivan...at ang lugar na Yun ay alam ni Ivan,dahil iyon ang lugar na marami syang binuong pangarap kasama ang pinakamamahal nyang si Aryana...

Pero dahil hindi pa sya naging handa sa sitwasyon at pagkakataon naisuko nya ang pagsasama at pagmamahal nilang dalawa...

At dahil sa condo sila nagtigil ay...

"Dito ka na lang muna,pupunta lang ako kabilang Kwarto." Ang Sabi ni Ivan at tumango lamang si Divine...

Lumabas si Ivan para Sana pumunta sa lobby ng di inaasahan ang kanyang makikita...

"A-ayesha?" Ang banggit nito ng makita counter center si Ayesha...

"Ivan?" Anan ni Ayesha...

"Dito ka nagtatrabaho ate?"ang Sabi ni Ivan...

"Oo,teka...i-ibig sabihin kayo ang naka check in dito?" Ang Sabi pa ni Ayesha...

"Oo,ate..."sagot ni Ivan...at natigilan si Ivan...gusto Sana nyang magtanong pa dito...

At si Ayesha,gusto nyang malaman kung kasama ba nito ang kapatid nya Pero maaga pa para malaman ni Ivan na si Divine ay SI Aryana...

"Bakit nag iisa ka?" Tanong ni Ayesha...

"Nagpapahinga na mga kasama ko" ngiti ni Ivan at...

"Ate Ayesha...pede ko bang malaman kung nasan na si Aryana?" Tanong ni Ivan.

"Pasensya ka na,Ivan.Ayaw na kase ni Aryana na malaman mo pa kung ano ang ginagawa nya ngayon.At ayaw na nya ng may koneksyon pa kayo."anan ni Ayesha na gumawa na lamang ng palusot.

"8 years na din ate,gusto ko lang naman sya makita at makausap." Anan ni Ivan.

"Naku! Hindi talaga pede ipaalam kung nasan si Aryana ngayon..."anan ni Ayesha...

Gusto malaman ni Ivan kung buhay ba ang bata na dinadala ni Aryana noon.Pero di na lang sya nagsalita at tinakpan ang mukha ng suot nyang sumblero at saka nagpaalam na ito...

Bumalik si Ivan sa Kwarto Niya kung San naroon si Divine...

"May problema ba?"tanong ni Divine...

"W-Wala...m-matutulog na ko."anan lamang ni Ivan at...ngumuso lamang si Divine...

Habang nakahiga sa kama si Divine ay nag chat sa kanya ang ate Ayesha nya...

~Chatroom~

A:Aryana,nagkita kami ni Ivan dito sa lobby ng di sinasadya.
D:A-anong Sabi,ate?
A:Hinahanap ka nya eh!
D:Anong Sabi mo?
A:sinabi ko na lang na ayaw mo na syang makita pa.
D:thank you ate.
A:mag ingat ka Aryana...dahil hindi malabong magkita sila ni Joaquin.
D:hindi naman siguro,ate.Sige na.Matutulog na ko.Ilayo nyo na lang makita ni Ivan si Joaquin.Malaking gulo ang mangyayare Pag nagkataon.
A:ok,sige.

Ngayon,pagkakataon na ang maglalapit para magkita ng landas ang mag-ama...kaya pa bang pigilan ang lukso ng dugo para sa tinitibok ng puso.

EPISODE 8

Habang nasa resort si Bambi ay kasama nya si Joaquin,hindi naman din kase sya pedeng hindi pumasok dahil lang sa walang nagbabantay Kay Joaquin kaya pumayag ang may ari ng resort na isama na lang ang bata...

"Oh! Joaquin,promise mo sa akin,hindi ka maglilikot.Bawala malikot dito." Anan ni Bambi sa bata.

"Sige po,ate Bambi." Sagot naman ng bata...

At habang abala nga si Bambi ay nakalayo na ito sa piling ni Bambi...ginala ni Joaquin ang buong resorts...

Samantala...

"Dito ka na lang muna sa cabin.mainit,exclusive naman ang resorts na ito kaya walang makakalapit sa amin."paliwanag pa ni Ivan Kay Divine.

Kaya walang nagawa si Divine Kundi magstay na lang sa loob ng cabin.Hindi nya alam na nandon ang kanyang anak at dun nagtatrabaho si Bambi sa resort na Yun.

Habang nagkakasaya pa ang magkasama ay humiwalay muna si Ivan at may balak Sana itong kunin Pero hindi nya inaasahan ang kanyang sunod na makikita...

Isang batang nalulunod sa pool...hindi ito makasigaw para humingi ng tulong.Masyadong malalim ang napag- hulugan ng bata kaya ng makita ni Ivan ang bata na nalulunod ay agad nya itong tinalon para sagipin...

Wala syang choice Kundi tumalon dahil exclusive nga ang resort wala masyadong tao duon...kaya sya na ang tumalon para sagipin ang bata...

Naiahon na nya ang bata at nag alala sya dito...dahil bigla na lang itong nawalan ng malay...

"Bata...bata ok ka lang...bata gising..."anang pinipilit ni Ivan na magising ang bata...pinaparinggan nya ang tunog ng puso ng bata Pero mahina na kaya wala syang alam na gawin kundi ang alam nyang mouth to mouth lang para mailabas ang tubig at magising ang bata...

Makailang ulit na nangyare Yun at sa pahuli ay nagising na ang bata...

Umuubo ito habang nilalabas ang tubig kaya binangonnagad ni Ivan...

"Bata ,ok ka lang ba? Sino bang kasama mo?"tanong ni Ivan...

"Ang ate ko po,busy po kase sya."anan ng bata at pinipilit na magsalita.

"Ang mama mo?"tanong pa ni Ivan.

"Wala po ang mama ko."anan nito.

At ng ayusin ni Ivan ang buhok ng bata ay bigla na lang syang nagulat dahil hindi nalalayo ang hitsura nilang dalawa...

"B-bata,halika...hahanapin natin ang ate mo."anan ni Ivan at...hinawakan ni Ivan ang kamay ng bata...at dun ay nakaramdam sya ng init mula sa bata...

"Anong pangalan mo?"tanong ni Ivan.

"Joaquin po,"anan nito at...

Sinusundan lang ni Ivan ang bata papuntang lobby.

"Nandito ba ang ate mo?"tanong pa ni Ivan.

"Opo,"ngiti ng bata...

Hindi makapaniwala si Ivan...nang ngumiti ito...at bigla na lang nag ring ang phone ni Ivan kaya nagpaalam na sya sa bata.At iniwan nya ang bata sa babaeng nasa lobby.

Umalis na si Ivan at nagbalik sa set nila...

Magsisimula na silang mag photo shoot...Pero puno ng tanong si Ivan mula ng makita nya ang bata.

Meet Me Half Way-Yoonminstory-(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon