Ate

18 2 0
                                    

EPISODE 13:

Biglang nawala sa sarili at nag blangko ang isip ni Ivan...ng marinig ang pangalan ni Bambi...

Hindi nya na maalala kung sino Pero minsan na nya narinig Yun Kay Aryana noon...

"Ok ka lang po ba,kuya?" Tanong ni Joaquin...

"Ah! O-oo,pede ko bang malaman kung anong pangalan ng iyong ina?" Tanong pa ni Ivan...

"Aryana Nuñez po,bakit po?" Sagot ng bata...

Nang marinig nya Yun ay hindi sya makapaniwala...sa kanyang narinig...

Ito na ang batang noon ay gustong gusto nyang ipalaglag ni Aryana...

Hindi sya makapaniwala na magkikita sila muli matapos ang walong taon...

Bigla nyang niyakap ang bata...

"Ibig mo sabihin,anak ka ni Aryana...i-ikaw ang..." Gusto nyang ipakilala dito na sya ang ama nito...Pero hindi nya masabi dito...

"Bakit po?" Takang tanong ni Joaquin.

"Wala...wala na excite lang ako...sobrang natutuwa ako na nakita kita muli." Anan ni Ivan at...

"Ako din po,masaya ako na nakita tayo..." Anan ng bata...

"Kaya pala...ang lapit ng loob ko sayo." Anan ni Ivan.

"Eh! Ano po pala ang pangalan nyo?" Tanong naman ng bata...

"A-ako si Ivander Lucero,Pero Itawag mo na lang sa akin Ay kuya Ivan." Anan ni Ivan na nakangiti.

"Sige po kuya Ivan." Anan ni Joaquin at tinawag na ang bata ng nagbabantay dito....

Gusto pa sanang makipag usisa Pero inaalala lang nya na baka madumog sya ng mga tao duon kapag nagkataong nakilala sya...kaya pinili na lang nya na maghiwalay na lang muli Silang mag ama.

"Sige po,kuya Ivan...tawag na po ako." Anan ni Joaquin...kaya agad na lang ding bumalik ng sasakyan si Ivan...

Sa sasakyan...hindi mapigilan ni Ivan ang kanyang luha...hindi nya maiwasan...hindi nya akalain na makikita nya ito...hindi nya inaasahan na makakausap pa nya at mayakap ito sa ilang taon nyang pagtalikod dito.

Nagbalik na si Ivan sa resort at...nagtungo sya sa lobby...may dalawang babae duon at kinausap nya ang humarap sa kanya...

"May Bambi ba na nagtatrabaho dito?" Tanong pa ni Ivan.

"Yes sir...Bambi...may naghahanap sayo." Anan ng babae at nagulat si Bambi...hindi naman nya kase kilala kung sino ang naghahanap sa kanya...

Kaya ng hinarap nya ito ay...

"Yes sir?" Tanong ni Bambi...

"Ikaw ba si Bambi? Ang ate ni Joaquin na nalunod dito kahapon?" Tanong ni Ivan...

"A-ako nga po,sino po ba kayo? Saka s-salamat nga po pala sa pagligtas nyo Kay Joaquin." Anan ni Bambi....

"Kung ganon kilala mo si Aryana...Tama...anak ba ni Aryana si Joaquin?" Tanong ni Ivan...

"S-sir...masyado naman po yatang personal ng tanong nyo." Anan ni Bambi.

Tumahimik si Ivan...oo nga pala...bigla nyang nakalimutan...Isa syang may pangalan na tao...kailangan nyang mag ingat.

"S-Sorry...pasensya na." Anan ni Ivan at iyon lang umalis na...

"Ano bang sinasabi nun,Bambi?" Tanong ng katrabaho ni Bambi.

"Hindi ko Alam." Anan ni Bambi...

EPISODE 14

"Saan ka ba galing Ivan?" Ang pagalit na salubong ni Luke sa kanya...

"Lumabas lang ako." Anan ni Ivan.

"Bakit ka lumalabas ng walang paalam? Pano kung may nangyare sayo,alam mo ba kung anong naghihintay sayo sa labas kapag nakita ka ng mga tao dun." Anan pa ni Luke.

"Alam ko naman,kaya nga nag iingat ako,wala namang nakilala sa akin.Kaya wag ka ng magalit ok." Anan pa ni Ivan...

"Nakita mo ba hinahanap mo?" Tanong ni Martin.

Nakatahimik lang si Divine...

"Nakita ko na sya..." Anan ni Ivan...

"Oh! Anong nangyare? Nagkausap ba kayo? Nakilala mo ba ang mga magulang nya?" Anan ni Shawn sabay titingin Kay Divine...

Habang si Divine ay kinakabahan sa magiging sagot ni Ivan...ang mga Kamay nya ay tinitikom nya ng mahigpit habang nakatungo.

"Kilala ko ang ina nya..."anan ni Ivan...

Nang marinig Yun ni Divine ay para syang nabuhusan ng malamig na tubig...at saka tumingin Kay Ivan...at si Ivan ay nakatingin Kay Shawn na nakatingin Kay Divine...

May kakaiba syang napapansin...

"Divine,mag usap tayo." Ang Sabi lamang ni Ivan...

"S-sir..." Ang kabadong sagot ni Divine...

"Anong nangyare sa pagkikita nyo,Ivan?"tanong pa ni Calvin...

"Saka na lang,magpapahinga muna ko." Anan ni Ivan...at una itong umalis patungo sa cabin nila...

Kasunod na nya si Divine...

Sa cabin...

"Anong meron sa Inyo ni Shawn?" Tanong ni Ivan...

"S-sir? W-Wala..." Anan ni Divine...

"Bakit ganon ang mga tinginan nyo?" Tanong ni Ivan...

"Hindi ko Alam ang sinasabi nyo sir...sinamahan lang ako ni Shawn sa palengke para ibili ka ng prutas." Anan ni Divine...

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Anan pa ni Ivan...

"O-oo naman sir,bakit po ba? Teka,kamusta po ba yung bata na nakilala nyo?" Pag iiba ni Divine ng usapan...

"Kilala ko na sya.Kilala ko na ang ina nya." Anan ni Ivan...

"Alam na nya na anak si Joaquin ni Aryana.Ano ng sunod Kong gagawin?" Ang bulong ni Divine...

"Hindi ko Alam Pero malakas ang pakiramdam ko na anak ko sya Kay Aryana..." Anan ni Ivan...biglang nanlaki ang mata ni Divine...

Ngayong nalaman na ni Ivan ang tungkol sa bata...Tila wala na syang maisip pa na paraan para maitago si Joaquin...

"Anong nangyare sayo?" Tanong ni Ivan...

"Ah! W-Wala sir...ma-maliligo na ba kayo?" Ang tanong ni Divine...

"Oo,pahanda ako ng damit ko,pupunta ako sa hotel." Anan ni Ivan...

Natigilan si Divine...

"A-anong gagawin nyonsir sa hotel?" Tanong ni Divine...

"May mga mahalagangbitatanong lang ako sa kapatid ni Aryana. " Anan ni Ivan...

"Patay,si ate ...si ate ang tanungin nya.Ngayong alam na nya,kailangan Kong maunahan sya Kay ate." Sigaw at balisa na utak ni Divine...

"Namumutla ka,dapat siguro ikaw ang kumain ng prutas na binili mo.Maligo ka din...sasama kita." Anan ni Ivan...

"Ah! O-ok sir..." Anan ni Divine...

Meet Me Half Way-Yoonminstory-(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon