╭────────────────.★..─╮
Jeon Wonwoo @jeonww
@jeonkinkai You've really outdone yourself with this disgraceful behavior. Shame on you.
see original
╰─..★.──────────────────╯Nasamid ako sa sarili kong laway nang makita ko ang bagong post ni Wonwoo. Kumakalat nanaman kasi sa lahat ng social media na may na call-out siyang fan. Pucha! Account ko ba 'to?
Aba'y syempre, nag-notify sa akin eh.
Napatunganga na lang ako nang bahagya sa nakita ko. nag-post si Wonwoo para sa akin, at talagang naka-mention pa ang username ko..
Pero hindi naman ito ang paraan na gusto kong mapansin ako ng bias ko!
Dali-dali akong pumunta sa comment section para tignan ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. At syempre, as expected, marami ang nagbahagi ng kanilang opinyon. In other words, marami nang nag-bash sa akin. Pambihira, gumagamit pa sila ng #canceljeonkinkai, as if naman maa-apektuhan ako sa mga ganiyan nila.
"Oh, bakit ka umiiyak?" At tuluyan na ngang bumuhos ang luha ko. Bad trip. Strong person pa ba 'to? Parang gusto ko na magpa-baby ngayon.
Kuhang-kuha talaga ako ng tanong na 'yan eh, 'no? Kita na ngang pinipigilan ko na umiyak, tapos tatanungin pa.
Hirap talaga pag walang tatay.
"Khy, ano mararamdaman mo kapag napansin ka ng idol mo?" bigla kong tanong sa kanya. Bago pa man siya sumagot, inunahan ko na, "In a negative way ah" dagdag ko sa tanong ko.
Napaisip naman si Khy sa sinabi ko, tila ba tinatanong niya rin ang sarili niya o kung hindi naman ay may pinagdudugtong na information sa isip niya.
At nang ma-realize niya ang gusto kong iparating, lumaki ang mga mata at bibig niya, nanunuro pa siya na akala mo nama'y nakakita siya ng artista. Mukha lang, pero hindi ako artista, maganda lang talaga.
"Bakla ka!" sigaw niya sabay hila sa buhok ko. "Hoy, Khy! Bumitaw ka nga!" pag-bawi ko sa buhok ko, pero madiin niya itong hinawakan.
"Sa lahat pa ng pwede mong tarantaduhin, talagang bias mo pa ang napagtripan mo!" sabi niya. Ano magagawa ko? Thug life ako eh.
"Isa! Bibitaw ka o sasabihin ko sa mama mo na sa akin ka nagpa-mine ng PC dahil tinatago mo sa kanya?" Mabilis naman siyang bumitaw. Madali naman pala kausap eh!
Binigyan niya ako ng oras para ayusin ang buhok ko habang naghihintay siya ng paliwanag ko. Paano ko ba tatakasan ang sitwasyon na 'to?
"Explain." Halata sa boses niya ang galit. Napa-irap na lang ako at tinanggap na hindi ko siya matatakasan.
"I did it for fame, okay? Alam mo naman ako, diba nga ang motto ko sa buhay ay 'Mom, leave me alone. I wanna be famous.' Napansin ko lang kasi na 'yon ang gustong genre ng mga readers, so nakisabay lang ako sa trip nila. Hindi ko naman inaasahan na malalaman ni Wonwoo 'no. Besides! Wala namang nagbabasa ng story ko, flop nga ako eh. Tapos, bias ko pa makakakita ng story ko? Aba, hindi ba good news 'yon?"
"Sige, i-gaslight mo ang sarili mo into thinking na ikaw na ang pinakaswerteng fan sa mundo" sumbat niya sa akin, tinaasan pa ako ng kilay.
"Oh bakit? Totoo naman ah!" sagot ko pabalik sa kanya. "Oo be, totoong ayaw na sa'yo ng bias mo." Luh, hindi ba uso ang sugar coating sa friendship na 'to?
"Oo na, ako na! Ako na ang masama!" pabiro kong sigaw para pagaanin ang tension na namumuo sa amin, pero nanatili siyang nakasimangot. Napabuntong-hininga na lang ako.
BINABASA MO ANG
Guniguni | JWW
FanfictionNever did Tsirhy Valdez imagine that her bias, Jeon Wonwoo, would take notice of her. And not in a good way.. Instead of a shoutout, she finds herself publicly criticized by him, with the fandom urged to ban her account. But oh well, as her secrets...