chapter 02
Tsirhy's POV"Tsirhy, Wonwoo." Biglang pag singit ni mommy sa pag-uusap namin ni Wonwoo habang patuloy na kumakain. Kitang baby time?
Tumingin lang kami ni Wonwoo sakaniya, hinihintay siyang mag salita muli. "You guys can leave for a while." Ang sabi niya saamin.
Tumingin naman si Wonwoo sa kaniyang pamilya, tumango ang kaniyang mga magulang kaya saakin nalipat ang tingin niya, hinihintay ako magpasiya.
Ano ba 'yan, kung makatitig naman parang tinatanong na ako kung ilan ang anak na gusto ko!
Willing talaga ako gumawa ng sarili kong Seventeen 2.0 mga 'te, Wonwoo na 'yan eh.
"Uh, let's go to my room..?" Okay. I regret saying that. Tinaasan niya ako ng kilay, gosh!
"Sure." Maiksi niyang sabi, may ngiti pa sa mga labi niya. Pero this time, nahalata kong peke ito at pinipilit niya lang.
Tumayo na ako at nag excuse sa pamilya ko at pamilya niya, ganoon din naman ang ginawa niya bago sumunod saakin paakyat sa kwarto ko rito sa bahay.
Ilang taon ko na 'tong hindi nagagamit. Malinis pa ba 'to? What if may brief sa window ko? What if may doppelganger pala ako at natutulog doon ngayon? Ang daming pumapasok sa isip ko!
"So, do you have a boyfriend?"
Gulat naman akong napatingin sakaniya at napatigil sa paglalakad, huminto rin siya noong huminto ako.
"Are you seriously gonna ask me that?" Galit-galitan kong tanong sakaniya, tinaasan niya ulit ako ng kilay, mukhang nag tataka.
"I'm sorry. I just wan-"
Hindi ko na siya pinatapos pa nang marealize ko na hindi niya naintindihan ang joke.
"I'm a carat, Wonwoo. Sa tingin mo mag kakajowa ako? Kaldag mo nga lang natutunaw na ako eh." Mayabang kong pagkakasabi, knowing na hindi niya naman maiintindihan kasi tagalog.
Mas kumunot ang ulo niya, pinipigilan ang sariling tumawa, luh baliw oh. "What?" Tanong niya, "Wala, mama mo." Ang sagot ko sakaniya, mas tumawa naman siya.
Luh? Anong nakakatawa roon? Akala mo talaga makatawa eh naiintindihan niya, may saltik. pasalamat ka pogi ka!
"Stop laughing, You don't even understand-"
"Ilang compilation ng kaldag ko kaya napanood mo?" Natatawa niyang tanong.
Muntikan nang lumuwa ang mga mata ko sa gulat, at takot na rin. Gagi! Ang fluent niya!
Kairita, nakakahiya! "Bakit 'di mo sinabi saakin na marunong ka mag tagalog?" Inis kong tanong sakaniya, he looks at me with amusement, kinakagat ang gilid ng labi para pigilan ang sarili na tumawa, pasarap siya saakin oh.
"Nag tatampo ka na ba agad sa'kin?"
Diyos ko, Jeon Wonwoo, kaawaan mo ako!
BINABASA MO ANG
Guniguni | JWW
FanfictionNever did Tsirhy Valdez imagine that her bias, Jeon Wonwoo, would take notice of her. And not in a good way.. Instead of a shoutout, she finds herself publicly criticized by him, with the fandom urged to ban her account. But oh well, as her secrets...