Imagine---Part 1

325 12 1
                                    

hindi ako isang perfect character.

hindi isang perfect princess na naghihintay para sa kanyang perfect prince.

hindi din ako isang babaeng kaaawaan ng lahat katulad ni cinderella.

hindi isang babaeng handang magpakamatay para sa taong minamahal.

hindi ako katulad ni ugly betty na gaganda at magugustuhan ni sir armando.

hindi ako ang lahat ng inaakala nyo.

------------

"ano yan?" turo nung kaibigan ko sa drawing ko.

"ewan ko. ano ba to?" tinignan ko kung ano nga yung dinodrowing ko.

hindi ko din magets.

"sino ba yan??" tanong nya ulit.

"ewan ko."

isang lalaki ang iginuhit ko. kung ano lang ang pumasok sa isip kong itsura nya. un lang.

"anong ewan? kagwapo kaya! sobra!!! sino to? new prospect? or manliligaw mo?"

"tigilan mo nga ako. gawa lang to nang aking mahiwagang imahinasyon!! ^0^" sobra. imagination ko lang to. napakaperfect naman kasi ng taong ganto ang itsura noh?!! walang lalaking ganto ang itsura. nabubuhay lang siya sa panaginip ko. mwahahaha!!

"imagination? duh... di ako naniniwala. ang gwapo nya kasi sobra. hihihi."

kinikilig na naman si April. halata naman kung san nanggaling yung pangalan nya di ba? hahaha.

"bakit? masama bang gumuhit ng isang perfect na tao mula sa isang perfect na imahinasyon???"

"wala naman. e kasi.. ang gwapo!!"

"o sya, may naguhit ka na ba dyan sa sketch book mo?" tanong ko.

"wala pa eh.. di naman ako katulad mong perfect."

"hoy hindi ako perfect! isa lamang akong hamak na fine arts student." sagot ko.

"hindi ako perfect mur-mur-mur-" gaya nya sa akin with matching raise of eyebrows pa. tss.

"ay ewan ko sayo. lagi ka namang ganyan April!!"

"hahaha. just kidding." bumalik cya dun sa ginagawa nya.. at sa wakas hindi na nya ako gagambalain.

"by the way, kamusta na kayo ni Rick?" bigla nyang sabi

"Who's Rick?" I sarcastically said.

"wow ah! uso ba yan? denial princess? haha."

"stop those stupid non-sense, April!" nakakairita.. ayokong topic si Rick ngayon.

"wow! stupid non-sense?? haha!"

"shut up! puro ka "Wow!!" duh.."

"sungit mo talaga friend forever!!"

"e ang kulit kulit mo kasi eh! dapat sayo inilalagay sa drum at pinapagulong sa field ng school hundred times!!" reklamo ko.

"aray naman non! sabihin mo naman kasi kung ayaw mong topic si Rick!! hindi yung ganyan ka. Antindi mo kasing magsungit eh!"wow. sya pa tong galit?!!

"k fine." so, who's Rick? sya lang naman ang isa sa mga naging ex ko. tss. he left me after nyang madiscover bilang model. ayun! kinakalantari siya nung baklitang nagpasikat sa kanya. at nalilink siya ngayon sa artistang si Faye. Yung malanding bold star na yon. haha. joke. hindi bold star si Faye. sexy lang sya. yun lang. ayokong purihin masyado, baka kasi sa kanya na kayo kumampi at hindi sa akin. lol.

Imagine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon