Imagine---Part 2

242 10 0
                                    

"Zelle."

may tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko pinapansin, e ano ngayon? nageemote ako eh. asar naman oh! alangan namang makipag-usap ako sa kanya ng ganto itsura ko??!!

naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako dun sa tambayan ko.

sa tabing ilog.. malapit lang sa school.

kapag nagpipinta ako, dito ako pumupunta.

"Zelle."

hanggang dito pa rin pala sinundan pa rin nya ako.

"sino ka ba huh? kanina ka pa sunod ng sunod. hindi pa ako handang makipag-usap sayo ngayon. kaya pwede ba, bukas na lang." sabi ko.

"sorry. wrong timing pala ako. hehe." nagmumula yung boses nya sa likod ko. naramdaman ko yung kaluskos ng damo...

"oo. kaya pwede ka nang umalis."

"hmm... pwede mo namang sabihin sa akin kung ano yang problema mo eh. ahh. hindi naman sa nakikialam ako pero.. we can be friends if you like." alok nya sa akin.

"bakit? talo ba tayo? ni-hindi nga kita kilala eh. at hindi ko pa nakikita yang istura mo. ano to lokohan?"

"haha. e kasi, i-try mo kayang lumingon naman dito sa likod para makita mo ako."

"ayoko. ayokong makita mong ganto itsura ko." oh yes. sirang sira ang make-up ko. namamaga ang mga mata ko at punong puno na ng sipon ang lilong ko. nakakainis!!

"bakit? haha. wag ka mag-alala. hindi naman kita pagtatawanan eh."

naglakad ulit siya papalapit at ngayon, nasa tabi ko na siya. nakaupo ako samantalang sya ay nakatayo. nakikita ko yung suot nya. black leather shoes, black slocks and hindi ko alam yung pantaas nya kasi di naman abot ng mata ko yun sa sobrang tangkad nya.

"I'm Kevin by the way." sabi nya sa kin.

"Kevin? hmm. what else?" i asked.

"i'm 19, from New York. currently taking up fine arts sa school mo. i'm a transferee. nice meeting you."

"ahh. okay."

"dami kong sinabi ah yun lang sasabihin mo?"

"e yun lang eh."

"haha. so you're Mayzelle Soriano. 18 years old. taking up fine arts din. at isa sa pinakamagaling na fine arts student." he said.

anong sinasabi nya? paano naman nya ako nakilala? stalker?? o.O

"paano mo ako nakilala?" lumingon ako sa kanya at....

ano to??

O.O

-.O

O.-

o.o

namamalik-mata ba ako??

tumayo ako para titigan cya ng sobra.

hinawakan ko yung mukha nya...

mainit..

totoo naman. pinisil-pisil ko yung pisngi nya...

hinawakan ko yung kilay nya.. yu g ilong nya.. yung tenga nya.. yung labi..

aishht.

ano ba tong ginagawa ko??

nakatulala lang siya sa kin.

aigooo!! ano ba yan Zelle??!! mukha kang tanga!! bakit mo kailangang kalikutin yung mukha nya?? e kasi naman di ba???!!! o.O

"bakit ganon??" tanong ko.

Imagine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon