Imagine---Last Chapter

161 9 4
                                    

<Kevin's POV>

Kumapit ako kay Zelle. Hindi ko kinaya yung carousel. Nararamdaman kong nanghihina yung katawan ko. Tss. Di ko to iindahin. Tutal kasama ko naman si Zelle at nakikita ko syang masaya. ^0^

"Oh? okay ka lang?" inabutan nya ako ng panyo.

"Salamat. Hindi ako okay. Next time ah. Di na tayo sasakay dun!!" oo. Hindi. Hindi na ulit ako makakasakay dyan.

"Okay. Sabi mo eh." ^^

hinawakan nya ulit yung kamay ko at hinatak ako sa bilihan ng maiiinom. Alam nyo yung makina na malaki tas ilulusot mo yung pera. Sabi ni Zelle, dapat daw sakto yung ilalagay. Pero pwede din naman daw sumobra, may isusukli din naman. Pero mas okay daw pagka-sakto. Tas nun pagkalusot mo ng pera, pipindutin mo yung gusto mong inumin. tas lalabaa dun sa makina. Ang galing noh?!

Siguro nga, ignorante ako sa ibang bagay, pero mabilis naman akong matuto..

<Zelle's POV>

"Kuya! hello po! Pwede po bang magpapicture?" tanong nung babae kay Kevin.

"Wag kayo dyan magpapicture, sa akin na lang. Hindi marunong gumamit ng camera yan." sabi ko. talalanding mga babae to. Halatang kinikilig sila kay Kevin! tssk.

"Ahh. Kuya di ka marunong gumamit ng camera?"

aba?! aba?!! di ako pinansin?!?!!? loko tong mga ito!!

umiling lang si Kevin.

"Ahh ganto po paggamit nyan...." sige lang, magturuan kayo dyan. Mga flirt. Eto namang si Kevin, mukhang tuwang tuwa! nakakabwisit! nakakainis!!!"

Naubos ko yung buong rootbeer sa sobrang inis!!!!! lintek yan!

"Okay 1.2.3"

click 

click 

click

"O sya! Tama na yan!" kinuha ko yung camera kay Kevin at ibinigay dun sa mga babae. "Kukunin ko na ang boyfriend ko ah!" tss.

at hinila ko sya papunta sa ferris wheel.

"Galit ka ba?" tanong nya sa akin.

"Ay Kevin, Hindi ako galit. Hindi. Bakit naman ako magagalit sayo Di ba???!?! After mo makipagharutan dun sa mga babae, HINDI TALAGA AKO MAGAGALIT NOH!" PAKINGTAPE MASKING TAPE!!! >__<

"So--"

"Sosorry sorry ka dyan! Walang magagawa yang sorry mo! Hindi nga ako galit eh! Hindi!!!"

"Ano.."

"Anung anu ano???!!" tanong ko.

"Anung oras na.? " tanong nya.

"Bakit tinatanong mo ang oras? E kung sabihin kong oras mo na para mamatay, now na!!! tae ka!" sabi ko sa kanya.

"Sorry." ang sincere ng boses nya. takte.. kinilig ako na ewan. >__<

bi-polar talaga ako.... haaay.

<Kevin' s POV>

Sobra ata galit sa akin ni Zelle, masama na bang maging mabait sa ibang tao?

"Ay Kevin, Hindi ako galit. Hindi. Bakit naman ako magagalit sayo Di ba???!?! After mo makipagharutan dun sa mga babae, HINDI TALAGA AKO MAGAGALIT NOH!" Galit talaga sya.>_< sigawan ba naman ako sa harap ng maraming tao eh.

"So--"

"Sosorry sorry ka dyan! Walang magagawa yang sorry mo! Hindi nga ako galit eh! Hindi!!!" galit ka. halata naman. >_<

Imagine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon