Chapter 6

28 5 0
                                    

**********************
Bryce Pov-------

Ahhhh ang sakit ng katawan ko ang sakit igalaw ng braso ko....... kasalukuyan ako ngayong uupo......ng may nakita akong nakatalikod na babae at nakaputi ng damit. Ang babaeng dahilan kung bakit ako nandito ngayon sya agad ang pumasok sa isip ko

"Umalis ka rito h'wag mo na akong kulitin pa", pasigaw kung sambit dahilan para humarap sa'kin ang babaeng nakatalikod kanina

"Bryce okay ka lang ba?, si mommy to"?, to malambing na wika ni mommy, dahilan para bumalik ako sa katinuan

"Mom kayo pala yan",gulat kung wika

"Nak okay ka lang ba? anong problema bakit ka sumigaw", alalang tanong ni mommy

Nag-nod na lang ako bilang sagot wala ako sa mood makipagusap ngayon ang sakit ng buong katawan ko..

"Bibili mo na ako ng makakain mo sa labas para makainom kana ng gamot mo dito ka lang muna", malambing na wika ni mommy

"Sige po", magiliw kung sagot at tuluyan ng umalis is mommy, naiwan naman ako ngayon dito sa loob ng silid na nagiisa.....naidlip lang ako sandili at pagmulat ko nakita ko si mommy na nakatalikod at abala sa pagaayos ng pagkain...

"Mom kanina ka pa po ba dyan nakaidlip po kasi ako, pasensya na po sa paghihintay", sabi ko habang nakangiti at agad naman itong napauwi ng lumingon ang kausap ko kanina

"A--nong gi-naga-w-a mo di-t-o?, si-n-o k-a?", utal utal kung sambit na may halong takot

"Kailangan kita, tulungan mo ako", pakikiusap nyang sambit

"Ano bang ginagawa mo dito sino ka ba bakit mo ako ginugulo pa umalis kana dito hindi kita kailangan", pasigaw kung sambit na may halong takot

"Bryce", tawag nya sakin dahilan para matigilan ako at tumingin sa kanya

"Bakit kilala mo ako sino kabang talaga", inis kung tanong

"Ako toh si Ca-nei", paiyak nyang wika

"Ano??hindi ikaw si Ca-nei, Si Ca-nei ay nasa Pamana Hospital naka higa natutulog pano magiging ikaw sya", inis kung sambit

"Bryce ano kaba ako toh", sabi nya habang may namumuong luha sa mga mata nya

"Oo aaminin ko nung unang kita ko sayo inakala ko na ikaw nga si Ca-nei pero binawi ko yun kasi si Ca-nei buhay pa nacomatose lang sya at gagaling sya, at hindi sya magiging ikaw, ikaw na multo sa harapan ko", galit kung sambit

"Bryce", tawag nya sa pangalan ko habang tuluyang bumagsak ang mga luha nya sa mata....

Kahit nagaalinlangan ako tiningnan ko sya sa mata at sinabi ko na......

"Kung sino kamang naglakas loob na nagpapanggap bilang si Ca-nei hinding hindi ka magiging sya...tumigil kana hindi ako naniniwala sayo....so please stop", pasigaw kung sambit, ngunit habang binibitawan ko ang mga katagang yun unti unting nakakaramdam ng lungkot at sakit ang puso ko......

Kahit mahirap at masakit tumayo ako mula sa kinahihigan ko at lumabas ng silid na iyon ngunit patuloy parin sa pagsunod sa'kin ang babaeng yun..

"Ano ba???, I said stop bothering me wala kang mapapala sa'kin at syaka tong kalokuhan mo na to kung joke man to please just stop", inis kung wika sa kanya

"Bryce bakit ba ayaw mong maniwala ako toh paniwalaan mo naman ako ikaw na lang ang pagasa ko ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta", iyak nyang wika

"Ano ba ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ikaw sya tumigil kana", pasigaw kung wika..dahilan para pagtinginan kami nang mga tao dito malapit samin, sakin lang pala hindi nga pala nila nakikita itong kausap ko ngayon.....nagumpisa na silang magbulung bulungan, urgh nakakainis naman tong girl na toh sino ba syaa dahil sakanya baka isipin nila nasisiraan na ako at nawawala sa sarili....

Our Sankaku Love Where stories live. Discover now