STELL'S POV
Days had past pero di na kami nagkaron ng chance magkausap ni Pablo to clear my status. After kasing umiyak ni Pablo non ay nakatulog na ulit ito. Di ko na rin natanong kung bakit sya umiiyak kasi nang magising ako ay wala na si Pablo sa tabi ko.
Medyo naging busy na rin ang grupo at halatang iniiwasan na rin ako ni Pablo. Mas madalas na nitong kasama si Jah at Josh kaya nastuck na rin ako kay Ken.
Tuwing sinusubukan ko tong kausapin ay bigla namang lumalapit si Justin sa kanya kaya naman laging dito napupunta ang atensyon ni Pablo.
Hindi ko alam kong sinasadya ba ni Justin o sadyang nagkakataon lang.
Ganon pa man ay di ko maiwasang mapikon dito kaya minsan ay natataasan ko na rin ng boses ito na nagiging mitya ng di namin pagkakaunawaan sa mga bagay bagay.
Haissst, kung bakit ba naman kasi, magkakagusto na lang ako dun pa sa tampuhin at mahirap suyuin.
"Day twenty five. Ano kaya pa?" Ani ni Josh nang lapitan ako nito, kasalukuyan akong nagpapahinga sa couch dahil kakatapos lang namin magrecord ng kanta. Nasa loob pa rin si Pablo ng recording area samantalang lumabas naman si Jah at Ken para bumili ng meryenda.
"Tama na ang laro Josh, talo na ko. Masyado na kasing nagiging kumplikado. Di na ko pinapansin ni Pablo." Malungkot na sagot ko dito.
"Sabagay, nakukunsensya na rin ako eh. Simula pa lang ayaw na ni Pablo ng ganito." Napakunot ang aking noo. Ano ang sinasabi ng isa na to?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nakipagpustahan din ako kay Pau pero ayaw nya. Sabi nya di daw dapat pinaglalaruan ang feelings."
"Gago ka. Bat ngayon mo lang sinabi?"
"Syempre, pagsinabi ko wala nang trill."
"Oh ayan, kakatrill mo mas naging kumplikado tuloy." Sabi ko dito sabay irap sa kanya. Kainis.
"Eh bakit kasi di mo na lang kausapin na di naman talaga kayo ni Ken?"
"Pano? Ayaw nga akong kausap. Pag lalapitan ko, tinatawag nya si Jah or lumalapit si Jah. Kainis." Napabuntong hininga na lamang ako sa tuwing maiisip ko kung ilang beses ko nga bang tinangkang kausapin si Pablo pero umiepal lagi si Jah. Nananadya na yata.
"Oh andyan na si Pau. Solo na kayo. Kausapin mo." Biglang bulong sakin ni Josh na sakto naman dahil kalalabas lang ni Pau sa recording room.
"Teka, anong sasabihin ko?" Bigla akong nagpanic.
"Bahala ka na sa buhay mo. Sige na, bye." Ani ni Josh sabay iwan saming dalawa. "Pau, bili lang ako meryenda." Paalam ni Josh kay Pau at tinanguhan lang ito nito bago dumeretso si Pablo sa may water dispenser para kumuha ng tubig.
Kainis talaga, bat ba ko biglang nahiya sa kanya. Di naman ako ganto ahh.
Nakatingin lang ako sa bawat kilos ni Pablo, di ako nagsasalita. Wala rin naman kasi akong makuhang sabihin. Pakiramdam ko tuloy ay nalunok ko ang aking dila.
"May sasabihin ka ba?" Inis na sabi ni Pablo nang mapansin siguro nitong tinititigan ko ito. "Kung wala kang sasabihin, pwede bang wag mo kong titigan ng ganyan. Nakakainis kasi." Ani pa nito sabay irap sakin at saka ito naglakad papuntang recording room.
Mabilis akong lumapit sa kanya at humarang sa daraanan nya.
Okay Stell, it's now or never.
"Ano bang kaylangan mo? Marami akong ginagawa Stell." Bakit ba nagtataray tong isang to?
YOU ARE READING
Hindi Naman Masaket 🤪
Short StoryI dare you .. Bawal Magselos "Pag nag selos ka, Akin ka." KenTell vs Pinunso Founder: Josh Cullen Santos Prize: Brand New Jowa