STELL'S POV
"Eto na ba yung part na magkikiss na tayo?" Ngumiti si Pablo ng nakakaloko habang dandahang bumababa ang labi nito patungo sa labi ko.
"W-wow huh, s-swerte mo naman. Ikikiss mo ko nang hindi ka---" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko., nanlaki ang mata ko nang biglang......
"YUNG ADOBO." Sabay naming sigaw ni Pablo. Dali daling pinatay ni Pablo yung stove dahil nasusunog na yung niluluto nitong adobo kanina.
"Ayan kasi, ang landi." Sabi ko dito.
"Ano ba yan. Nag effort pa naman akong ipagluto ka." Kakamot kamot na sabi nito habang pinapakita sakin yung nasunog na adobo.
"Sorry." He shyly said. Kainis, dyan ako nababaliw sayo eh. Sa mga cute mong galawan na yan.
"Ako na nga dyan. Umupo ka na lang don." Sabi ko dito habang kinukuha sa kamay niti ang nasunog na ulam.
Teka, pano ko ba reremedyohan to? Tapon ko na lang kaya? Kaso sayang naman.
Naramdaman ko ang biglaang pagkabig sakin ni Pablo. Mahigpit itong yumakap sa bewang ko at sinandal ang ulo sa likod ko. Nagulat man ay agad din akong napangiti nang amoyin ako nito. Ang cute cute talaga ng isang to, gustong gusto talaga nyang inaamoy ako. Para tuloy syang aso.
Aso ka boi?
"Talaga bang hindi kayo nang manok na yun?" Tanong nito na halos bumulong na, ngunit sapat lang iyon para marinig ko.
Marahan akong umikot paharap sa kanya nang di nito binibitawan ang bewang ko. "Nagseselos ka ba kay Ken?" Lakas loob na tanong ko. Umismid lang ito sabay irap sakin nang di bumibitaw sa aking baywang.
"Sinong di magseselos don eh ang lakas ng karisma ng isang yun. Kahit yata di ngumiti yun may maiinlove at maiinlove don eh. Kaya ang daming nagkakagusto sa isang yun." Nakasimangot nitong turan.
"Pero di ako."
"DAPAT LANG." Deklara nito. Nagulat man ay natawa rin ako sa reaksyon nito. "Kasi dapat akin ka lang. Sakin ka lang pwedeng mainlove, sakin ka lang pwedeng magkagusto. Ako lang dapat ang crush mo " Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi sa mga sinabi ni Pablo pero mas di hamak na mas mapila ang pisngi nito.
"Gago." Mahinang anas ko dahil sa hiya. Iba pala talaga ang kilig na mabibigay sayo pag alam nyo na ang feelings ng isa't isa. Mas magaan sa pakiramdam, mas masaya, mas masarap lalong mag mahal.
Teka nga. Parang nagkakadayaan yata.
"Hoy lalake, di ka pa umaamin ah. Nakailang sabi na ko na gusto kita pero ikaw ngiti lang sagot mo." Sita ko dito na bahagyang tinulak sya.
"Kelangan pa ba yun Stell?" Kakamot kamot na ani nito. Kinalas ko ang pagkakahawak nito sakin at bahagyang lumayo sa kanya.
"Aba syempre." Nakapamaywang kong saad dito. "Ano yun? Ganon ganon na lang., pagkatapos mo kong paiyakin kanina feeling mo madadaan mo ko dyan sa pa sweet sweet mo dyan? NO NO NO NO NO NO, hindi pwede." Bwisit na to. Ang dami ko pang iniyak kanina, nagmuka pa kong tanga tapos gusto rin pala ko. Lagot ka talaga sakin Jampawlo. Paghihirap kita.
Joke lang, haha.
"Hehe, akala ko alam mo na." Kumamot nanaman ito sa kanyang ulo. May kuto yata to ehh. "Okay, ~~ehem~~~ano kasi Stell~~" Sumeryoso ito.
"Pakigandahan yang speech mo ah. Yung kikiligin ako." Pabirong sabi ko sa seryosong tono. "Saka paki sweet-an."
"Ano ba yan Stell, panira naman eh." Reklamo ni Pablo. Bigla akong natawa kasi namumula ito.

YOU ARE READING
Hindi Naman Masaket 🤪
Short StoryI dare you .. Bawal Magselos "Pag nag selos ka, Akin ka." KenTell vs Pinunso Founder: Josh Cullen Santos Prize: Brand New Jowa