STELL'S POV
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ko kay Pablo nang ibaba ko yung window shield ng kotse ko.
"Naiwan mo." Inabot nito sakin yung wallet ko pati na rin susi ng condo ko.
Tanga mo talaga Vester, assuming ka rin eh.
"Salamat."
"Pauwi ka na ba?" Tanong nito.
Obviouse ba?
"Yeah, medyo sumakit kasi ulo ko." Pagdadahilan ko.
Bigla namang lumambot ang kaninang masungit na expression ng muka nito. Pag aalala na ngayon ang nakikita ko sa kanyang mata.
Umangat ang kamay ni Pablo patungo sa noo ko, bigla tuloy akong namula sa ginawa nito. Uminit bigla ang muka ko.
"May sinat ka." Ani pa nito.
Bwisit ka. Kasalanan mo yan.
Saka di sinat yan. 😤 Kagagawan mo kaya yan.
"Move, I'll take you home." Ano daw?
Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Nakatanga lang ako kay Paulo habang sya ay binuksan na yung pinto ng kotse ko at nag mwenestra pa to na lumipat na ko ng upuan.
"I said move. Ihahatid na kita." Kumurap kurap pa ko habang prinuproseso ng utak ko ang mga sinasabi ni Pablo.
Sasama sya sakin pauwi?
"HOY VESTER." Untag sakin ni Pablo.
"Huh?"
"Ano pang tinatanga mo dyan. Sabi mo uuwi ka na." Bigla akong napatingin sa paligid ko.
Nasa labas pa rin ng sasakyan si Pablo at sarado pa rin ang pinto ng kotse ko.
Teka?
Ano nangyari?
"Umuwi ka na. Luntang ka na eh." Sabi ni Pablo na kinalampag pa yung kotse ko. "Sige na, bye." Pag kasabi nya non ay tuluyan nang umalis si Pablo. Iiling iling pa tong muling tumingin sakin kasi nakatanga pa rin ako sa kanya.
Bakit ganon?
Bat nagbago ka?
Inistart ko na yung kotse ko at saka ako nagdrive paalis. Sa bahay na lang siguro ako iiyak para walang istorbo.
Pero habang nasa byahe ako ay sunod sunod nang pumatak ang mga luha ko. Halos manlabo na ang paningin ko sa subrang pag iyak.
Delulu ka talaga Vester.
Gising ka na nga, nananaginip ka pa rin.
Nang makarating ako sa condo ko ay agad akong nagkulong sa aking kwarto. Doon ay umiyak ako nang umiyak hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
Hindi Naman Masaket 🤪
Short StoryI dare you .. Bawal Magselos "Pag nag selos ka, Akin ka." KenTell vs Pinunso Founder: Josh Cullen Santos Prize: Brand New Jowa