Luella's POV
Ito na ang araw ng intramurals. Ang araw kung saan magsisimula ang kalbaryo ng buhay ko. Pagsikat na pagsikat pa lang ng araw ay nakatayo na ang katawan ko, hindi na hinintay ang namamaos na tilaok ng mga manok sa labas. Ginawa ko kaagad ang mga dapat gawin ngayong araw. Una, naligo, nag-ayos, sinuot ang maiksing palda ng Dreamweaver at pinarisan ng gray na blouse.
Habang nag-aayos sa harapan ng salamin, hindi ko maiwasang hindi mangamba ngayong araw. Alam kong mamayang gabi pa ang pageant pero kailangan naming pumunta sa university dahil may parade at panimulang event sa araw na ito. Hindi nga sana ako pupunta, kaso may attendance. Kailangan ako.
Pagkatapos mag-ayos, kinuha ko ang maliit na bag sa ibabaw ng kama at lumabas na. Nadatnan ko si Dante sa hapagkainan, kumakain habang naka-suot ng all dark brown. Pormang-porma na naman ang Dante niyo. In-game na in-game ang atake.
"Good morning!" bati ko.
Nabaling panandalian ang kaniyang tingin sa akin. Napansin ko ang kaniyang pag irap nang tumama ang kaniyang tingin sa palda ko.
"Wala pa bang I-iiksi 'yan?" umagang-umaga iritado na naman ang Dante.
Sinuklay ko ang buhok ko saka dahan-dahang lumapit sa kaniya. Hinila ko ang isang upuan at umupo, kasabay nito ang pagpasok ni Aling Waning. Fresh na fresh, parang kadidilig lang.
"Ganda mo, ma, ah! Bati na kayo ni Mang Raul?" tanong ko habang sumasandok ng pagkain.
Inabot ni Dante ang adobong baboy at siya na mismo ang naglagay sa plato ko habang abala sa kanin. Napansin naman iyon ni Aling Waning, pero wala siyang sinabi. Umupo lamang siya saka tumikhim na para bang may bumabara sa kaniyang lalamunan.
First time niya yatang nakitang mabait sa akin si Dante. Hehehe. Mabait naman siya, huwag mo lang galitin. Lalabas ang tigre.
"Aga niyo ngayon ah. Anong meron? At bakit ka naka-uniform, Luella?" pinasadahan niya ng tingin ang buong suot ko. Napakagat labi ako nang makitang wala pa sa ayos ang suot kong medyas.
Hayup!
"May parade ngayong umaga, ma. Intramurals namin ngayon kaya need namin pumunta ng maaga. May attendance e," sagot ko. Kung wala lang, baka hindi na ako nag effort gumising ng maaga. Sarap pa kayang matulog.
"Magbaon ka ng marami. Ang payat payat mo na,"
"Sexy 'to, ma! Look oh!" pinakita ko pa ang abs ko.
"Tsk."
"Nga pala, Dante, saan ka pupunta? Bakit hindi ka naka-uniform?"
Inayos ko ang upo ko saka tinanggap ang inabot na kutsara at tinidor ni Aling Waning habang nakatingin kay Dante. Ang seryoso e. Umagang-umaga, mukhang aatake na naman ang attitude niya.
"Hindi ko gusto ang uniform. Pambata,"
Naptingin tuloy ako sa sarili ko. Napanguso. Pambata? Hayup na Dante 'to. "Hindi ah! Ang cute kaya. Mag-uniform ka na next time, baka pagalitan ka ni dean. President ka pa naman," sabi ko.
"Bahala siya sa buhay niya. I don't like their uniform. That's all."
Kapag kausap mo talaga itong si Dante, gusto agad tapusin ang usapan. Paano kami magko-communicate niyan kung gan'yan siya? Nakakaloka.
Pagkatapos kumain, sabay kaming lumabas ni Dante ng mansyon. Ihahatid niya raw ako sa university. Oh 'di ba? Improvement na this. Hindi niya na ako ikinakakahiya. Pero...titigil pa rin ako sa labas ng gate. Doon ako lalabas upang hindi kami makita ng mga estudyante at ng mga fans niya. Ayokong dumugin ngayong araw kaya ingat-ingat sa kalandian, Luella Rose. May ibang araw pa naman. Marami.
![](https://img.wattpad.com/cover/362753212-288-k852961.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unwritten Thesis
Roman pour AdolescentsIsa lamang simpleng babae si Luella Rose Jacinta. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang tinuturing anak ng kaniyang magulang ay ang kakambal nitong si Luenna Ambrose Jacinta. Nang nalaman niyang magpapakasal ang kaniyang kakambal sa mga Salvatore...