49

1 1 0
                                    

Lila

Lila:
May tanong ako 
Kung anak mo nga si Cleveland, anong gagawin mo?

Louis:
Bibigyan ko siya ng buong pamilya

Lila:
Anong ibig mong sabihin?

Louis:
Makikipaghiwalay ako kay Aliah at papakasalan ko si Sydney
I'll convince her to marry me, if that's the case
Pero Lay, hindi sa akin iyong bata. Kay Philo raw
Kaya pala tinawag rin niyang Daddy si Philo

Lila:
Nasasaktan ka ba dahil hindi sayo ung bata?

Louis:
Ewan ko
Ang alam ko lang, sobrang unfair ni Sydney para ibigay kay Philo iyong bagay na gusto ko
Nagmakaawa ako sa kanya
Nagmakaawa ako na subukan namin ulit at hihintayin ko siyang maging handa, pero Lay ayaw niya. Pero kay Philo
Ang sakit naman mahalin ni Sydney

Lila:
Tangina Louis
After all these years si Sydney pa rin ba?
Paano si Aliah? Tangina mo naman, ginawa mo lang bang panakip butas si Aliah?

Louis:
Hindi Lay. Mahal ko si Aliah

Lila:
At mahal mo pa rin si Sydney.
Kasi kung hindi, hindi mo maiisip na makipaghiwalay kay Aliah just to give Cleveland a complete family.
Ang tanga tanga mo, Louis!
Ayusin mo yang sarili mo!
Tama na si Sydney, tapos na siya sayo. Parang awa mo na Louis, si Aliah naman ang mahalin mo ng ganyan. Si Aliah na ang mahalin ng ganyan

Louis:
I'm sorry, Lay
Pero wag kang mag-alala. Uuwi pa rin ako kay Aliah. Mahal ko naman un eh. Hindi ko naman siya papakasalan kung hindi

Only YouWhere stories live. Discover now