Ang hirap magtiwala.
Iyong tipong akala mo ay tunay ang kabutihang ipinapakita sa 'yo, ngunit nang maglaon ay hindi naman pala. Natural na yata sa mga tao ang gano'n. Kahit sino, kahit gaano pa ka-lapit sa 'yo, parang ang hirap nang pagkatiwalaan.
May tunay pa ba sa mundo? May totoo pa kaya sa mundo?
Sa panahon ngayon, animo'y pagkain ay hindi na totoo kung ito ay makikita mo sa personal kumpara sa mga nasa internet. Minsan ay wala ka nang ideya kung ang nalalaman mo ba ay totoo o hindi. Hindi mo na malaman kung may mapagkakatiwalaan ka pa ba, o wala na talaga.
Dito na ba matatapos ang pagkakaroon ng sinseridad ng mga tao?
Bawat kilos nila ay dapat may kapalit, at hindi pu-puwedeng wala. Kung may ipakita sila sa 'yo ay nararapat mo ring ipakita ito sa kanila. Kapag may ibinigay sila, dapat ay ibigay mo rin. Para bang magiging masama ka dahil wala kang naibabalik.
Kailangan ba talaga ay may kapalit ang lahat ng bagay?
Hindi ba sapat na maging kuntento at masaya na lamang?
YOU ARE READING
Broken Chrysanths
RomanceMonet Series #1 Euanne Chrysantha Zendejas lives her life like no other. But reality snaps, she realized...it's all in her head. Hindi pala laging masaya ang mabuhay. At kung maging masaya ka man ay para bang laging may pumipigil sa 'yo. Do we need...