Kabanata 1

12 2 0
                                    

contract - 01

I stood in front of the reception area, watching the receptionist as she tried to contact her boss' office. Pinaglapat ko ang aking mga labi habang naghihintay ro'n. Hinahanda ko na ang sarili ko sa balitang maririnig ko.

Siguro ay mayroon na naman akong panibagong utang na kailangan bayaran. O 'di kaya naman...baka may pera pang dumating sa akin. E'di, mabuti! Dios ko. Sa lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon, wala na akong gugustuhin pa bukod sa pera!

"Mr. Valderrama is currently on a meeting, Miss Zendejas. If you'd be patient to wait, you can stay at the lounge for a while," the receptionist said politely.

She gestured me the lounge on the left. Tumango lang naman ako at nagtungo roon. Nakakahiya naman kung aalis pa ako. Lalo na kung ang mga magulang ko pala talaga ang may utang sa kaniya. Ang kapal na masyado ng mukha ko kung hahayaan kong ang nagpautang pa ang lalapit sa nangutang.

Ang huling Valderrama na naririnig kong madalas na kausap ni Papa ay si Raul Valderrama. Kaya hindi ko alam kung ano ang sadya sa aking nitong si Rieden Valderrama. Buhay pa naman si Raul Valderrama, kaya kung may utang nga sa kanila sina Mama, bakit iba ang kumakausap sa akin?

"Miss Zendejas," a baritone voice echoed in my ears.

Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko. Tumingin ako sa lalaking nakatitig sa akin. My head tilted, familiarizing him.

Pansin ko agad ang kataasan niya, kung lalapit ako sa kaniya ay siguro hanggang balikat niya lamang ako. His hair is slicked back and well cleaned. He's wearing a light blue dress shirt and black trouser on the bottom. I watched him rolled up his sleeves, making his forearm appear before my eyes. Tumaas ang kilay ko nang mapansin ang makisig niyang braso.

"You must be..." I trailed off.

His lips curled into a small smirk. "Rieden Valderrama," he completed.

Tumango ako.

I watched him sit across my position. Sinenyasan niya ako na maupo. Muli naman akong naupo sa inuupuan ko kanina.

He crossed his legs and looked at me intently. Akala mo ay may ginawa akong kasalanan sa kaniya, e, ngayon ko lang naman siya nakita. But looking at him right now... He seemed to be familiar. I for sure have seen him somewhere. Siguro ay sa dyaryo o sa mga magazine ni Linda. Well, if he's a Valderrama, he must be really famous. Like, really famous.

Kilalang kilala naman kasi talaga ang Valders, kahit pa hindi ka mahilig sa arts. They own a few businesses aside from Valders. Isa lang ito sa marami pa nilang kompanya sa bansa. Balita ko nga rin ay nagsisimula na rin silang magpalago sa ibang pang bansa. That's absolutely astonishing.

"Ano'ng kailangan mo sa akin?" diretsong tanong ko.

His eyebrow raised as if my straightforwardness dazed him. I watched him placed his right elbow on the sofa's arm.

Mariin siyang tumingin sa akin. "Well, I do certainly have needs from you, Miss Zendejas..." marahang aniya.

Hindi ako umimik.

"And I expect you to comply with my needs." His smirk once again flickered in his lips.

Kumunot na ang noo ko. Pinapunta niya lang ba ako rito para roon? Akala ko naman ay may utang na naman sina Papa! Pero mukhang maagrabyado pa yata ang pagkababae ko sa sinasabi ng lalaking 'to. Mukha ba akong basta-basta na lamang pumapatol sa isang lalaki!?

I looked at him intently. "Your needs? With all honesty, hindi ako isang bayarang babae, Mr. Valderrama."

Natigilan siya sa sinabi ko at humalakhak kalaunan. His knuckles covered his mouth, still chuckling at what I said. Lalo namang kumunot ang noo ko. Hindi ba iyon ang ibig niyang sabihin? His needs. Malamang sa malamang ay usapang seksuwal na iyon. E, bakit siya tumatawa ngayon?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken ChrysanthsWhere stories live. Discover now